Kabanata 7

1526 Words
Huminga siya ng malalim bago sumunod sa kanyang mga kaibigan papasok sa masukal na gubat. Tumingala siya at nilibot ng tingin ang mga matatayog na puno na parang nilalamon sila ng kadiliman. Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng jacket dahil habang lumalayo sila sa entrada ay bumibigat ang hangin sa paligid. Si Selma ang nanguna sa paglalakad. Ang kanyang mga kasama ay nag-aasaran. Silang dalawa ni Ismael lang ang tahimik sa kanilang grupo. Binagalan nito ang mga lakad hanggang sa magkasabay sila. "Raquel, maaari bang magtanong?" Tumango siya. "Maaari bang malaman kung ano ang sinabi ng matanda kanina?" "Ang sabi niya ay siguraduhin nating hindi mawala sa lugar na ito. Sa lawak ba naman ng lugar na ito, mahihirapan ang mga rescuers na hanapin ang sinumang umakyat sa bundok." Napahinto ito sa paglalakad. Parang may bumabagabag dito. "Tara na." Aya niya ngunit hindi ito kumilos. "Kanina ko pa nararamdaman na parang hindi lang tayo ang nasa lugar na ito." Tinuro nito ang lupa at natigilan siya. Kumabog ng husto ang kanyang puso at dumoble ang lamig na kanyang naramdaman. "B-Baka may naghahap lang ng panggatong na taga rito." Wika niya at saka ngumiti. Sunod-sunod itong umiling. "Naaalala mo ba ang sinabi mo kanina? Na ingatan nating huwag mawala sa lugar na ito. Tingin mo, tama ba itong daan na tinatahak natin?" Natampal niya ang noo at ibinalik ang tingin sa maraming bakas ng paa sa lupa. Alam niyang hindi iyon sapatos kundi mismong paa ng tao ang tumapak doon. Pinanood niya ang mga kasama na nakalayo na sa kanila. Tumatawa pa ang kanyang kaibigan habang kausap ang nobya ni Gideon na si Rosalie. Hindi na niya napigilan ang sarili at tinakbo ang distansya ng kaibigan. "SELMA!" Hinila niya ito at mariing hinawakan ang braso. Wala itong kahit na anong ekspresyon. Nahinto rin ang iba at pumaikot sa kanila. "Raquel, ano ba ang problema?" Inosenting tanong ni Teddy. Nilibot niya ng tingin ang mga kasama at huminto siya sa kaibigan na nanlilisik na ang mga mata. Nakaramdam siya ng takot dahil sa inakto ni Selma. Nawala rin naman iyon pagkaraan ng ilang segundo. "T-Tingin ko'y nawawala t-tayo." Walang nagsalita sa kanyang mga kasama. Wala rin siyang gulat na nakita sa mukha ng kaibigan. "Tingin ko'y hindi natin napansin ang malaking puno na tinutukoy ng matanda." "Puno? Anong puno?" Tanong ni Gael na hindi niya sinagot. Silang dalawa lamang ni Selma ang nakakaalam nito. Lumapit ang nobya ni Gideon sa kanya. "Ang tinutukoy mo ba ay ang puno na nadaanan natin kanina na may mga marka sa katawan nito?" Nilingon niya ito at mabagal na tumango. "Nawawala tayo." Ulit niya. Tinawanan ni Selma ang kanyang sinabi. "What do you want? To go back to the entrance?" Dahan-dahan siyang tumango. Sunod-sunod na nagreklamo ang kanyang mga kasama. "Oh sure, great idea! Let’s just turn around and casually walk back to the entrance like it’s just a few steps away. Genius! Ang layo na ng nilakad natin!" Wika ni Selma at umirap. "Pero iyon ang sinabi ng matanda sa atin!" "You're getting paranoid again, Raquel. I know what I'm doing, and don't tell me you trust that old man more than me? All of us are first-timers on this mountain. I'm sure he just said that to scare us or something. I mean, the guy looked so high, I’m shocked he didn’t try to roast marshmallows over an invisible campfire doon sa pwesto niyang puno ng langaw!" Marahas nitong binawi ang braso nito. Ngayon ay gusto na niyang umuwi. Pero ano ang kanyang sasakyan? Walang signal sa buong lugar. Hindi rin niya nasabi sa mga magulang kung saan sila pupunta. "We don’t know what’s in this place, so let’s just keep walking until we find a spot to set up the tents and carry out our plans." Sumang-ayon ang iba sa mungkahi nito. Wala na siyang nagawa nang muli itong maglakad. "Tayo na, Raquel. Mukhang tama ang sinabi ni Selma." Wika ni Ismael at nagpatuloy na rin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya natatakot. Mukhang dahil lang ito sa nangyari sa kanyang kapatid. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag dahil sa inis na naramdaman kay Selma. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Sana ay tama ang desisyon ng kanyang kaibigan. Dahil sa makapal na mga dahon na humaharang sa init ay hindi siya gaanong nahirapan. Both she and her brother have been a Girl Scout and a Boy Scout since their elementary days. Aside from that, they share a passion for activities like hiking and diving. They have already traveled to Mindanao and Visayas for hiking. Their parents don’t approve of these hobbies, but they still pursue them anyway. Those hobbies are where most of their memories come from. Mas lalo niyang nakilala ang sarili dahil doon. But hiking also gave her some of her worst memories. Palagi siyang napapalingon sa likuran. Nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya. 'Ano ba ang nangyayari sa akin?' Tanong niya sa sarili. Hindi naman siya ganito sa Maynila o sa probinsya nila. Sa muli niyang paglingon ay napahinto siya sa paglalakad. Sa likod ng matabang puno di kalayuan ay nakita niya ang isang bulto ng tao. _______________________ "Kailan mo ba aaminin kay Raquel ang nararamdaman mo?" Hindi siya tumugon sa panunukso ni Teddy. Inaassemble niya ang kanyang tent. Maliit lang ito at kasya sa dalawang tao. Lumapit ito at mas lalo siyang inasar. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Napalingon siya sa tent ni Raquel na kanina pa tapos. Hindi na siya nagulat dahil sa sanay na ito. Nagtaka siya nang hindi ito mahagilap. Ang magnobya ay nakaupo sa malaking ugat. Nakaupo sa hita ni Gideon ang nobya nito. Sa kabilang dako ay kumukuha ng mga larawan si Nikki. "Nasaan ang mga babae at si Ismael?" Tanong niya kay Teddy na inaayos ang duyan sa gilid niya. Nagkibit-balikat ito at nahiga na sa duyan. Iniwan niya ang tent at naglakad-lakad. Nakita niya si Raquel sa likod ng mga mahahabang damo. Ngumiti siya at mabilis na naglakad patungo sa dalaga ngunit natigilan siya nang marinig itong may kausap. "Sinadya mo ba iyon?" "Ano ang ibig mong sabihin?" Nalaman niyang si Selma pala ito. Nagtatalo ba ang dalawa? Sa isip niya. "Na dumaan sa ibang lugar at iligaw tayo. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Magmula ng magtalo tayo sa fire exit, nag iba na ang ugali mo!" Wala siyang narinig na tugon sa tanong na iyon. Nagtaka siya sa inasal ng dalawa. Lumakas ang ihip ng hangin at tila nagsasayawan ang mga damo sa paligid. "At ano itong pakikipagkaibigan mo sa nobya ni Gideon? May binabalak ka na naman ba?!" "Iyon ba ang pagkakakilala mo sa akin? Hah! There are plenty of people around you, Raquel, yet you choose to doubt me, your best friend. You’ll be shocked when you find out there are people hiding things from you. But you won’t even notice it because you’re too focused on me, all over a single mistake!" "Those people you’re referring to might not be perfect and might hurt me in some ways. But I know you. Ever since we were young, you never missed a chance to hurt and disappoint me. You know I despise pretentious people, so if I were you, I’d stop whatever you’re planning now. If something happens to you, I will never forgive myself even more. So on this trip, do good and stay away from trouble." . Natahimik ang dalawang babae. Hindi na niya sinilip kung ano ang ginagawa ng mga ito at tumalikod na. Nakayuko ang kanyang ulo habang iniisip ang mga narinig. When Teddy invited him on this trip and mentioned that he was planning to invite Selma and Raquel, he immediately agreed even though he had things to take care of back in Manila. He just couldn’t bear the thought of waking up again, carrying the same pain he had been holding onto. He didn’t want to hurt her, but… how was he supposed to confess everything to Raquel? He didn’t want to live like a sealed vault, holding countless thoughts only he knew existed. He wants to protect her, but can he still do that once she learns the truth? Will she even want to keep living when she finds out? He wants to go back to where she stands behind the tall grass, but his feet move away as if they aren’t ready for him to tell her everything. He knows how miserable she became after her brother died like a lifeless woman still desperately trying to survive. Napahinto siya sa paglalakad at tumingala sa langit. Napapaisip siya kung tama ba ang naging desisyon sa pagpunta sa bundok. "Nais kong sabihin sa iyo ang mga bagay na matagal mo ng nais malaman ngunit paano? Bababa ba tayo sa bundok na ito na ikaw ay namumuhi na sa akin?" Natatakot siyang aminin kay Raquel ang lahat. Umiling siya. "Hindi. Hindi muna ngayon. Kailangan ko pa ng panahon." "Panahon para saan?" Nagitla siya sa narinig. Dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang likuran at nakita si Raquel na nakatayo ilang dipa lamang sa kanyang kinatatayuan. "Bakit mo kailangan ng panahon, Gael?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD