Her friend is doing crazy things again.
Nandoon na naman ang crush nito na bagong gupit at mas lalo raw itong naging gwapo sa paningin ng kaibigan ngunit para sa kanya ay wala namang nagbago sa itsura nito.
Hindi niya alam kung bakit nagkakagusto ang kanyang kaibigan sa lalaking iyon dahil may kasintahan na ito at ang babae ay nasa bagong groupchat din. Ibig sabihin ay sasama rin ito.
"Wala ka bang balak na tapusin iyang nararamdaman mo, Selma?" Natigil ito sa pagtwerk sa labas ng banyo. Kadadaan lang ni Gideon kasama ng mga barkada nito. Sumipol pa nga ang isa sa mga lalaki. Base sa pag-iimbestiga ng kaibigan ay nagtatrabaho bilang receptionist ang nobya ni Gideon. Nasa likod lang ito ng company nila ngunit dahil magkaiba ng schedules ay hindi madalas magkasama ang magkatipan.
"Of course, wala! Mukha ba akong titigil? Teka, tumingin ba siya sa'kin?" Tumango siya ng paulit-ulit na siya namang ikinatuwa ng kaibigan. Sumandal pa ito sa dingding at nagpose. Maalindog ito dahil sa maputing kutis at kulay pulang buhok. Maganda rin ang hubog ng katawan nito at ang pananamit.
Hinila na nito ang kanyang braso at nagpasyang pumasok na sa production area. Nakita nilang nagtipon sa isang sulok ang kanilang wave kaya nagmadali sila sa paglapit.
"Team, wala munang magtetake ng calls dahil kulang pa ang bakanteng stations. Hudle muna, hali na kayo. So, I have notice that some of you don't document your calls and some of you are talking back when the customers are saying profanities."
Siniko niya ang kaibigan dahil naririnig niya itong sinasagot ang customers. Siya man din ay nangigigil minsan ngunit alam niyang pinakikinggan ang mga calls niya at maaring masira ang kanyang matrix. Nag hairflip si Selma at ngumisi ng patago. Palagi nitong sinasabi na wala itong planong magtagal sa BPO dahil mas gusto nitong magtrabaho sa opisina.
Isang travel and booking ang account nila. Hindi lang international customers ang tumatawag sa kanila kundi pati na rin local customers. Mabuti na lamang at open ito nang mag-apply sila dahil ito lang ang account na tingin niya'y kaya niya.
Alam niyang sa oras na mahire si Selma ay titino na ito. She's driven and passionate and most of the time, her friend is the one who inspire and lift her up when she's down. Hindi katulad niya na sumasabay lamang sa agos. Mababa rin ang tingin sa sarili.
Bago lumabas ang kanilang trainer sa production area ay nagbilin ito sa kanilang mentors and coach na alalayan kami. Nagsiupo na sila sa kanilang station at sinet ang kanilang avaya. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang katabi na nagtetake ng calls. Hinanda niya ang mga programs at sinuot ang kanyang headset.
"Hi, thank you for calling Pathfinder, my name is Raquel. How may I assist?"
"Hi! How are you dear?" Napangiti siya sa matamis na tinig ng babae sa kabilang linya. Mukhang magiging maganda ang araw niya ngayon.
"I'm fine ma'am. How are you?"
"I'm fine, I just want to ask if I can cancel my booking at Moonlit Haven Resort. My husband has an emergency, so we won’t be able to go on our trip. Is it possible to get a refund?"
"Sure thing ma'am. Can I get your full name and account number, please?"
Kumpara kahapon ay mas maganda ang calls niya ngayong araw. Tinanggal niya ang suot na headset at lumingon. Wala na doon ang kanyang kaibigan. Tumayo siya at nakita itong nakikipag-usap kay Gideon. Agad niyang napansin ang pagiging malapit ng katawan ng kaibigan sa lalaki. Hindi na niya ito nilapitan at muling umupo upang magtake ng huling tawag.
Hindi naman nagtagal ay may dumating na tawag. "Thank you for calling Pathfinder, this is Raquel. How can I help?"
Sobrang ingay sa kabilang linya ngunit hindi niya maintindihan kung galing ba ang ingay sa tao dahil parang naririnig niya ang malakas na bugso ng tubig sa paligid. Inulit niya ang opening spiel ngunit wala pa ring nagsasalita.
Nagtaka siya. "Hello?" Ngunit wala pa ring nagsasalita kaya sinabi na lamang niya ang spiel na nararapat sa mga ganitong tawag. Ngunit bago pa niya ibaba ang tawag ay may narinig siyang parang hinihingal sa kabilang linya. Di nagtagal ay nagsalita ito.
"Help me! Someone is chasing me! Help me, please!"
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagpapaprank lang ba ito? Kung kailangan nito ng tulong ay bakit sa kanilang kompanya ito tumawag at hindi sa mga pulis?
"Sir, is this some kind of prank? I'm sorry but-"
"No! This is not a prank. Please send help. Right now."
Hinila niya ang braso ng kaniyang kaibigan na kababalik lang sa upuan at may kausap ngunit winawaksi lamang nito ang kanyang kamay. Focus ito sa customer at ang kabilang station ay bakante.
Tumayo siya at hinanap ang kanyang coach ngunit nasa malayo ito. Ang mentors naman ay busy at sa tuwing tatawagin niya ito ay itataas lang nito ang kamay na sinasabing maghintay siya. Natataranta na siya sa sigaw ng lalaki sa kabilang linya.
"He's here. He's...coming." Mahina nitong bulong.
"Sir, I want you to remain calm. Sabihin niyo po sa'kin ang address kung nasaan-" Hindi na niya natapos ang sasabihin. Tanging naririnig na lamang niya sa kabilang linya ay ang sigaw ng pagmamakaawa. Ang sigaw na alam niyang totoo at tatatak sa kanyang isipan habang-buhay.
"Sir, hintayin niyo po ang tulong! Hello? Hello!" Ngunit naputol na ang linya. Agad niyang hinanap ang numero ng lalaki at muling tinawagan ngunit hindi na ito makontak. Itinukod niya ang mga siko sa mesa at humagulgol ng malakas.
"Raquel, anong nangyari sa'yo?"
_____________________
Pabalik-balik ang kanyang kaibigan sa cafeteria upang ibili siya ng pagkain at maiinom. Nasa lobby sila sa fifth floor at ayaw na niyang bumaba upang bumili ng pagkain. Takot na takot siya sa nangyari. Totoo ba talaga iyon?
Agad siyang pinalibutan ng ilang empleyado kanina. Ang mga mentors naman nila ay sinabihan muna siyang pumunta ng nap room ngunit ayaw niyang makakita ng ibang tao. Mabuti na lamang at lunch na at wala na silang gagawin pagkatapos at tatambay lang sa production room kaya sinamahan na muna siya ng kaibigan.
Nakatitig lang siya sa puting dingding nang tumunog ang elevator at iniluwa nito ang kaibigan na may dalang softdrink at sandwich.
"Oh, kumain ka muna. Dumaan ako sa office ng trainer natin at iniimbestigahan na ang nangyari." Hinubad nito ang jacket at sinuot sa kanya. Hinihimas nito ang kanyang likod.
"Okay lang yan. Wala kang kasalanan, okay? Kapag nalaman kong prank lang iyon ay ako mismo ang hahanap sa taong iyon at hahabulin ko siya ng itak." Biro nito.
"Twenty minutes nalang at kailangan na nating bumalik sa production floor." Tumango siya at agad kinain ang tinapay. Siguro nga ay prank lang iyon kaya kailangan na niya itong kalimutan dahil baka lalo lang siyang hindi makatulog sa kaiisip.
Ipinagpatuloy nila ang pag-uusap sa loob ng prod. May mga random trainers na lumalapit sa kanila na nagtetest ng kanilang spiels lalo na sa escalated calls kaya bahagya niyang nalimutan ang nangyari.
Paulit-ulit niyang ipinagdasal na sana ay prank nga lang iyon. Sumandal siya sa kanyang upuan at pinakinggan ang kaibigang panay ang pantasya kay Gideon.
"Raquel, tawag ka." Nilingon niya ang tinuturo ng kaibigan. Nagtaka siya ngunit tumayo na rin upang malapitan ang babae.
"Ano 'yon, miss?"
"Pinapatawag ka ng trainer niyo. Kailangan ka raw makausap tungkol sa nangyari sa'yo kanina."
Tumango siya at sumama rito. Mukhang dito na matutuldukan ang pag-iisip niya. Sa loob ng elevator ay panay ang tanong nito kung okay lang siya. Nginitian lang niya ito at tinanguan. Nasa labas pa lamang siya ng opisina ay kinakabahan na siya. Inisip niyang wala siyang kasalanan kaya kahit papano ay napanatag siya.
Kumatok ang kasamang babae ng tatlong beses at hindi naman nagtagal ay bumungad sa kanila ang mukha ng trainer niya. Nilakihan nito ang bukas ng pinto. Tatlo lamang ang naroroon nang pumasok sila.
"We called you because we need to clarify what really happened. That call you had before lunch break was a prank and nothing serious. We did a thorough investigation but it found out that this is not the first time that someone did this nor second."
Napabuga siya ng hangin. Ito ang unang beses na naranasan niya ang isang prank kaya naman ay hindi niya mapigilang makaramdam ng pagkapikon sa lalaking gumawa noon.