Kabanata 1

1631 Words
Content warning: This story contains graphic and unsettling themes. Reader discretion is advised. Muntik na siyang ma late kaninang umaga. Hindi dahil sa late ang kanyang gising, ngunit dahil matagal siyang bumangon at panay ang panununod ng reels sa isang social media app. Hindi na siya sumakay ng tricycle. Tinakbo na lamang niya ang distansya ng apartment at kompanya. Nagulungan pa ng tricycle ang kaliwang paa niya nang patawid na siya. Hindi na niya ininda iyon dahil mas inisip niya ang kanyang trabaho. Sa labas ay kalmado lang ang kanyang mukha ngunit ang kanyang utak ay nagmumura na. Katulad pa rin ng nagdaang mga araw, maingay ang buong production at ang mga tao ay may kanya-kanyang ginagawa. Napangiti siya nang madatnan ang tatlong tao sa training room. Isa na roon ang kanyang kaibigan na si Selma. Hingal na hingal siyang naupo sa harap ng kompyuter. "Now, we are all going to the production area for your hands on experience." Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw. Napaupo siya ng maayos ng magsalita ang kanilang trainer na si Becca. Isang masakit na pangyayari ang nagtulak kay Raquel na pumunta ng Maynila at doon magtrabaho. Ayaw niya sanang iwan ang mga mga magulang at hindi rin siya sanay na malayo sa kanila ngunit nasasaktan siya sa tuwing naaalala ang sinabi ng kanyang ama. Mabuti na lang at sinamahan siya ng kanyang kaibigan. Natawa siya nang makita sa kanyang tapat ang bestfriend na si Selma na halatang inaanktok na. Nang mapatingin sa suot na relo ay napabuntong-hininga siya. Alas dos na ng madaling araw. Ilang araw na niyang sinasanay ang sarili sa ganitong schedule. Hindi ito madali sa kanya dahil hindi siya nakakatulog ng maayos tuwing umaga. Ilang beses na siyang inaya ng kaibigan na matulog sa nap room ngunit hindi naman siya komportableng may kasama sa silid. "Raquel, tara na. Kailangan na nating umalis." Tamad siyang naglog out sa PC at mabagal na tumayo. Mabilis silang nagpunta sa locker area at kinuha ang mga headset nila. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang kwento ng kanyang kaibign. Madalas ay tungkol sa outing ng nobyo nito sa Bohol. Ang nobyo na hindi niya malaman kung mahal pa ba nito o hindi na. "Hay, kailan ba tayo matatanggap sa inaaplyan natin?" Hinimas niya ang braso nito. "Hindi naman kasi ganoon kadaling makahanap ng trabaho, Selma. Lalo pa at fresh graduates lang tayo." "Hello? St. Claire graduates? Galing kaya tayo sa world class na university!" "Na maraming issues for the past decades? Na isang sementeryo na ginawang paaralan?" Hinampas nito ang braso niya. She's telling the truth. Ilang beses na may pinatay at nagpakamatay sa unibersidad kung saan sila nagtapos. Hindi bumaba ang enrollees pero alam niyang naapektuhan ang pangalan ng university dahil sa mga nangyari. Nang makapasok sa production area ay umalingawngaw ang kanta ng isang international group. Biglang silang natigil sa paglalakad dahil sa isang babaeng nag twerk malapit sa isang binabae. Nagkasiyahan ang buong floor at feeling celebrity ang kanyang kaibigan na rumampa sa aisle. "Alam mo, hindi naman naging issue 'yong nangyari sa batch natin. Nakalimutan na nga ng lahat eh." Hinila nito ang isang upuan at itinukod ang siko sa mesa. "Siguro hindi na napag-uusapan sa labas ng St. Claire at ng media. Pero nung may pinatay sa Orchidia ay naging usap-usapan ulit 'yon." "Sabagay. Magiging St. Claire Cemetery of Baguio City na iyon sa susunod na mga taon." Natawa ito sa sariling biro. Hinila niya na rin ang katabing upuan at pinatong ang tumbler niya. Inaral niya ang programs at chineck kung gumagana ang dalawang monitor, pati na rin ang avaya. Matagal bago dumating ang kanilang coach at mentors. Nang dumating si Gideon ay agad niyang narinig ang impit na tili ng katabi. "s**t!" Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan na mukhang uod sa upuan. Sinasabunutan nito ang sarili at maya-mayang sinasampal ang pisngi. "Parang sobra na, Selma." Hindi niya napigilang hilahin ang ilang hibla ng buhok nito. Sinundan nila ng tingin ang paglapit ng kanilang mentors at coach sa kanilang trainer at masinsinang nag-usap sa station nito. Business Management ang tinapos nila at kakagraduate lang nila ng kaibigan kaya napapailing siya sa tuwing naiinip ang kanyang kaibigan sa sagot ng mga kompanyang pinasahan nila. Kahit hindi sanay sa pakikipag-usap ay iniwan niya ang nakagisnan dahil alam niyang doon siya matututo. 'Comfort is a cage disguised as safety. Step out, or stay trapped in a life half-lived.' Ito ang sinabi ni Selma noon na hanggang ngayon ay tumatatak pa rin sa kanyang isip. Mabuti na lang at may kasama siya sa pagtatrabaho sa isang BPO company. Mula Baguio City ay bumyahe pa sila pa Maynila kahit may mga kompanya naman sa malapit dahil matagal ng pangarap ng kanyang kaibigan na magtrabaho sa Maynila. "Raquel, pwede mo ba akong samahan sa banyo? Naiihi ako eh." Tumango siya at madaling tumayo. Nagdesisyon siyang umihi na rin upang hindi na maabala mamaya. "Raquel." "Hm?" Lumabas siya ng cubicle at naabutan ang kaibigan na naglalagay ng eyeliner. Lumapit siya sa sink at nahugas ng kamay. "Sa susunod na buwan, may long holiday 'di ba? Mag travel naman tayo. Let’s have some fun over the weekend!" "Travel? Saan naman?" Huminto ito sa pagmemake up at nag-isip. "I don't know. Tatanungin ko muna 'yung mga kasama natin, tapos gawa tayo ng sariling groupchat." Nagkibit-balikat lang siya. Alam niyang may posibilidad na hindi ito matutuloy kaya hindi na niya ito inisip hanggang sa matapos ang calls nila. Nagkaroon lamang siya ng nine calls at naging maayos ang lahat ng tawag. Sobrang sakit ng kanyang ulo kaya pagkarating sa cafeteria ay agad siyang bumili ng kanin at ulam. "Hay, bwesit na matanda. Hindi makaintindi ng simpleng instructions!" Litanya ng kaibigan at umupo sa kanyang harapan. Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Katulad niya ay maikli rin ang pasensya nito at sa tuwing naaalala niya ang kasinungalingan sa resume nila ay natatawa na lamang siya. "Kamusta 'yung calls mo, Raquel?" "Huwag mo na lang akong tanungin, Selma. Baka mainggit ka lang." "Bawi nalang ako bukas. Oo nga pala, kanina naamoy ko si Gideon. Ang bango!" Umakto pa ito na parang malalaglag sa upuan. Nilingon niya ang buong cafeteria dahil mukhang nandoon ang crush nito. Alam niya kung kailan present sa isang lugar ang nagugustuhan ng kaibigan dahil kakaiba ang inaakto nito. "Papano naman nangyari iyon? 'Di ba hinati tayo sa dalawa at doon siya na assign sa kabilang grupo?" Hinampas siya ni Selma. "E 'di ba nga iniwan mo ako sa production?" Umirap pa ito. "Nagutom na kasi ako. At nagpaalam ako sa'yo ah." "Fine, fine, oo na. Ganito kasi 'yun. Nahirapan ako sa last call ko kaya ako natagalan. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sa'kin at yumuko sa station ko. Ako nalang pala ang naiwan. Nang malaman niya ang problema ko ay tumabi na siya sa'kin kaya ayun, masaya ang lola mo!" Napailing na lamang siya dahil hindi nito nagalaw ang inorder na adobo at kanin. ____________________ Maingat siyang naglakad hawak ang payong pauwi sa kanyang apartment. Ang kaibigan naman ay umuwi sa ate nito. Pagkarating niya ay dumiretso siya sa kwarto at inihiga ang katawan sa kama. Mag aalas diyes na ng umaga at kailangan na niyang maghapunan upang makapagpahinga. Bumangon siya at naghanap ng mailuluto sa ref. Unang beses niyang malayo sa pamilya at naninibago siya ng husto ngunit kailangan niyang sanayin ang sarili. Masaya siya kahit wala sa tabi niya ang mga ito dahil natututo siyang alagaan at buhayin ang sarili. Ngayon niya lang naintindihan na mahirap palang maghanap-buhay. Iniwan niya ang nilulutong paksiw. Bumalik siya sa kwarto at nagpalit ng damit. Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Pinagmasdan niya ang repleksyons sa salamin at napailing sa kanyang eyebags. Ilang araw na siyang nahihirapan sa pagtulog dahil sa paiba-ibang oras. "Nanginginig ka na naman." Wika niya sa sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang braso. Tumigil ito sa panginginig ngunit bumakat naman ang kanyang mga kuko. Ipinatong niya sa sink ang braso at binasa. "Wala kang kasalanan, Raquel." Madali siyang bumalik sa kusina at saktong luto na ang ulam. Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa silid. Tinawagan niya ang ina sa Baguio at gaya ng nakagawian ay kinuwento niya rito ang mga nangyari sa buong araw at hindi na niya napigilan na maglintanya dahil sa ilang mura na natanggap niya kanina. Umupo siya sa kama at hinilot ang binti. "Hayaan mo na 'yan anak. Hindi ka naman nila kilala kaya okay lang iyan. Wala naman sila rito sa Pilipinas. Kalimutan mo na iyan. Pasok sa tenga, labas sa kabila." Tugon nito sa kabilang linya. Inilihis nito ang usapan at napunta sa tawanan. Kahit papano ay gumaan ang loob niya. Bago pa matapos ang usapan nila ay naalala niya ang sinabi ng kaibigan kaya nagpaalam na siya rito. "Ma, sa susunod na buwan, magtatravel daw kami ni Selma. Pwede bang sumama?" Natahimik ang kanyang ina sa kabilang linya. "Ma?" "Saan ba 'yan?" Sa wakas ay sumagot ito. "Hindi ko pa po alam. Pero magsasabi po ako agad." "Kung hindi naman delikado ay okay lang sa akin pero magpaalam ka sa papa mo." Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. Tumayo siya at sinarado ang kurtina upang dumilim ang kanyang silid. "Opo, nay." Nang matapos ang tawag ay saka naman dumating ang mensahe ng kaibigan sa bago nilang groupchat. Walo silang lahat doon ngunit nagtaka siya kaya nagpadala siya ng pribadong mensahe sa kaibigan. "Bakit nadoon si Gideon?" Akala niya'y nagkamali lang ang kaibigan ngunit hindi. "Nais niya raw sumama sa atin. Siguro dahil sa'kin?" Ang taas talaga ng confidence nito at magiliw. Hindi katulad niya na tahimik at mababa ang tingin sa sarili. "Pero bakit ang dami natin at bakit ang aga nating magplano?" "Dahil malayo ang pupuntahan natin kaya ihanda mo ang sarili mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD