Kabanata 12

1478 Words
Napakahirap ng pinagdaanan nila. Sa tingin niya ay malayo na sila sa Silent Peak. Mabato na sa parteng iyon ng bundok. Kung saan-saan na sila kumapit, sa mga baging, mga sanga at sa mga bato. "Can you two hurry up already?!" Nasa itaas na si Gideon. Marami na itong sugat sa katawan dahil sa ilang beses na pagkadulas sa batong inaapakan. "Mukhang aabutin na naman tayo ng gabi sa bundok, Gael." Inabot nito ang kanyang mga kamay. Hinila niya ito paakyat sa malaking bato. Kanina pa nila ito ginagawa ni Ismael na salitang hilahin ang isa't-isa. Nangangalay na siya at marami na ring gasgas ang kanyang katawan. "Ang iniisip ko ay sina Teddy." Tugon niya sa kaibigan. Kung ganito na ang kanilang sitwasyon, ano pa kaya ang kabilang grupo? Kailangan niyang magtiwala sa kasama. Kung hindi nila mahahanap si Rosalie ay hindi rin uuwi ang iba. Kung hindi uuwi si Raquel ay hindi rin siya uuwi. Hindi niya hawak ang kaligtasan ng lahat. Hindi nga niya alam kung doon din ba siya papanaw, sa lugar kung saan walang makakaalam ng kanilang sinapit. "Ang mabuti pa ay magmadali na tayo rito nang sa ganon ay mahanap din natin sila." Suhistyon ni Ismael at hinila ang kanyang kamay. Naabutan nila si Gideon na may hawak na kutsilyo. Nakatayo lang ito at nakatingala. Napahawak ito sa pisngi na may patak ng tubig. Patag na roon at kabaliktaran sa kabilang parte na kanilang inakyat, lupa na ang pababang parte noon. "s**t!" Mura nito at mabilis na naghanap ng puno. Hindi nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan. Isa-isa silang naghanap ng masisilungan. Ngayon ay mas mahihirapan silang maghanap. Nagtatayuan na ang kanyang balahibo dahil sa lamig. Hindi pa man siya nasasanay sa lamig ay muling nagsalita si Gideon sa kaharap na puno. "We don’t have time to waste. We need to find my girlfriend now! Let’s go!" "W-What? Are you serious? Can't you see it's pouring?" Tugon ni Ismael na hindi makapaniwala. "Did I say you could talk, Ismael? We’re leaving now. Every minute that passes chips away at my hope that she’s still alive. Every second matters. So move, now!" Hindi gumalaw si Ismael. Inayos na niya ang sarili at tinapik ang kaibigan na nakasilong din sa parehong puno. Pikon na ang mukha nito. "Are you both deaf, stupid, or just both? I said, let’s go!" "Stupid?" Tugon ni Ismael. Tahimik itong tao kaya nagtataka siya sa inaakto nito. "Yes. Do you want me to repeat what I said?" Napakamot siya sa ulo. Mukhang magsusuntukan pa yata ang dalawa. "If you hadn’t dragged yourself and your girl out here, we wouldn’t be in this mess, would we? But no. You just had to play king, living it up with your perfect girl and your little side piece. For all we know, Rosalie just walked out on you instead of actually disappearing!?" Mabilis itong lumapit sa kanilang pwesto at hinila si Ismael. Nagsuntukan ang mga ito kahit napakalakas ng ulan. "Oh, so I’m a king now? Then that makes you my servant, Ismael! You really think that your quiet, little introvert act makes you innocent in all this? Screw you!" Ang mukha ni Gideon ay parang papatay na ng tao. Mukhang hindi na nila mahahanap si Rosalie. Mabilis niyang inawat ang dalawa ngunit nadulas siya dahilan upang mawalan siya ng balanse. Nagpagulong-gulong siya sa damuhan at muntik ng dumiretso sa nag-iisang bato na naroon. Mabuti na lang at nahawakan niya ang isang baging. Gideon and Ismael slid across the grass to check on him. Meanwhile, in his head, he was already throwing punches so hard they’d knock both of them into next week, if not straight into another dimension. Hindi naman sumakit ang kanyang katawan dahil sa nangyari ngunit nakakain siya ng damo. "Gael, are you okay, man?" Tanong ni Gideon. Tinalikuran niya ang dalawa at nauna ng maglakad. Kinuha niya ang dalang kutsilyo at pinamputol sa mga dahon na humaharang sa dinaraanan. Tingin niya ay malapit ng mag alasingko ng hapon. Lumala ang ginaw na kanyang naramdaman dahil sa pagkabasa sa ulan. Tahimik lang ang dalawa na sumusunod sa kanya. Tahimik lang din siya sa paglalakad. Napatigil sila nang mapadpad sa isang kweba na inakala niyang malaking bato. Nagkatinginan silang tatlo at mabilis na tumakbo sa bungad nito. _______________________________ "Kung minamalas ka nga naman! Ngayon pa talaga umulan!" Pinunasan niya ang braso na nabasa. Nasa ilalim sila ng malaking puno ng mahogany. Malayo na ang kanilang nalalakad at ilang beses na rin silang nagpahinga ngunit hindi pa rin nila mahanap ang tulay. Nagsisimula na siyang mapikon sa sarili dahil wala siyang silbi sa grupo at siya pa ang nagdadala sa mga kasama sa mahirap na sitwasyon. "What now, Raquel?" Tanong ni Teddy na kanina pa sinisipa ang katawan ng puno. Kumapit si Nikki sa kanyang braso at paulit-ulit na ring nagreklamo. Bukod sa malakas na ulan ay sumisipa rin ang malakas na hangin. Si Selma ay tahimik lang na nakatayo at niyayakap ang sarili. Naaawa siya sa sitwasyon nito. Buong araw ay nakipagtulungan ang kanyang mga kaibigan ngunit ito ang pinatunguhan ng kanilang pagod. "Don't tell me you have another grandiose plan right now?" Tanong ni Teddy habang nakasandal sa puno. Wala siyang naisagot sa binata. Nais na niyang magpalamon sa lupa dahil wala siyang nagawang tama ngayong araw. "Are we eating here, Raquel?" Bulong ni Nikki sa kanya. Hindi niya rin ito sinagot. Napapagod na ang kanyang katawan at isip. Isa lang naman ang nais nilang lahat. Iyon ay ang makahanap ng mahihingan ng tulong nang sa ganon ay makauwi na sila. "Rot later, run now." Wika ni Selma. Nakatingin lang ito sa mga puno sa paligid. Maya-maya ay lumingon ito sa kanya at ngumiti. Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit nito sinasabi ang mga kataga ngayon? May tiwala pa rin ba ito sa kanya? "Ang mga katagang 'yan ang sinasabi mo sa'kin noon. Sa tuwing mahina ang loob ko at nais ko ng sumuko, 'yan ang paulit-ulit mong sinasabi sa akin. Mga kataga na nagpapalakas ng loob ko mula noon hanggang sa mga oras na ito." Napangiti siya sa narinig. Masaya siya na marinig ito mula sa bibig ng kaibigan lalo na sa sitwasyon nila. Tumayo siya ng tuwid at muling nag-isip ng panibagong plano. Kinuha niya ang mapa sa bag at muli itong inaral. Sinuri niya ang paligid at natigilan. "Tingin ko ay malapit na tayo." "Malapit saan? Sa kamatayan?" Tugon ni Teddy na nakapikit na. Inirapan niya ito. Tinuro niya ang tatlong puno na malayo sa isa't -isa. Para itong hugis trayanggulo. Sa gitna nito ay ang malaking bato na parang altar na napapanuod niya sa mga palabas. Muli niyang tinignan ang mapa at ganoon ang nasa larawan. Hindi puno ang nasa mapa kundi malalaking bato. Sa gitna ng trayanggulo ay isang mata na kulay pula. "Rocks are like trees." Bulong niya sa sarili. Nagsilapitan sina Teddy at Selma sa kanya. Sabay nilang tinignan ang puno na nasa isandaang metro ang layo sa kanila. "How the hell are rocks like trees? Are you hallucinating right now, woman?" Sarkastikong tanong ni Teddy. Hindi na niya napigilang sikuhin ito. Kahapon pa siya sinasagot nito ng pabalang. "On the map, the rocks are arranged in a triangular formation. At the center is a red-colored eye." Tinuro niya ang puno at gumawa ng linya sa hangin. Mula sa kaliwang puno ay tinuro niya ang gitnang puno na banda sa kanila. Mula sa gitnang puno ay muli siyang gumawa ng linya patungo sa kanang puno at diniretso ito pabalik sa kaliwang puno. "Maybe it's just a coincidence, Raquel. Maybe someone placed them that way, or they just formed naturally." Komento ni Nikki na sinang-ayunan ng tatlo. "No. Look at it properly. The rocks forming triangles on the map resemble the way the trees are arranged. Like trees, rocks symbolize endurance, stability, and ancient wisdom, having existed for millions of years while withstanding storms, erosion, and the passage of time. In many cultures, they represent strength and resilience, standing firm even in the harshest conditions." Muli niyang tinuro ang mapa. "Sa gilid nito ay isang hindi perpektong bilog na kulay asul. Mukha itong tubig hindi ba?" Nagkatinginan silang lahat. "Ibig sabihin ay malapit na tayo." Wika ni Selma. Tumango siya sa kaibigan. Inihanda nila ang mga gamit at hinintay ang pagtila ng ulan. Hindi nagtagal ay huminto ito. Unang naglakad si Nikki at Selma. Inayos niya ang strap ng bag ngunit bago siya umalis ay narinig niya ang malakas na tawa ni Teddy sa kanyang likuran. Hawak na rin nito ang bag at inayos ang sarili. "Why are you laughing? What's so funny, Teddy?" Mariin niyang tanong sa binata. "What’s funny? You. You know things, Raquel. Too many things. Like a book that keeps writing itself, like a map that leads everywhere. I like you… you’re useful." Wika nito at nilampasan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD