Chapter 1

1492 Words
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Gabriel na ikinangiwi ng aking bibig. Napansin ko si Sir Lopez na nakamasid sa'kin. Tumikhim ako. "Excuse—" "Sir Lopez." Naibaling ko ang aking paningin sa gurong nagsalita mula sa aking likuran na kararating lang. Binati ko ito at tumango ito bilang sagot. "Ako na muna bahala sa klase mo," dagdag nitong pahayag kay Sir Lopez. Tuluyan ng nagpaalam si Sir Gerald na hinihintay lang dumating ang gurong karelyibo. Umangkas siya sa motor na minaneho ni Gabriel. Habang si Gabriel naman ay nagawa pa akong lingunin. Nginitian pa ako nito at ngumiti naman ako pabalik nang hindi ko namamalayan. Mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi at ibinaling ang aking paningin sa gurong kararating lang. Nagpaalam ako rito na bibili ako ng tubig sa canteen at pumayag naman ito. Samantalang, umalis na ang magkapatid na Lopez lulan ng motor. Habang umiinom ng ice water ay sinuyod ko ng tingin ang paligid— bawat sulok na abot ng aking pananaw ay para akong binabalik sa nakaraan. Nakita ko ang dating clinic namin na ngayon ay may isang jeepy sa loob ng silid at mga makina ng mga sasakyan dahil naging classroom na ito ng mga estudyanteng major class ang Automotive. "Nyay!" Nabilaukan ako sa iniinom at napailing nang naalala si Gabriel. Sa clinic noon ang lugar kung saan niya ako ninakawan ng halik, hindi lang sa pisngi kundi sa mga labi. "Bwisit na Gabriel 'yon," kausap ko ang aking sarili habang hinahagod ang aking dibdib. "Thirteen pa ako no'n. Pakiramdam ko tuloy ang aga-aga kong lumandi." Napahawak ako sa aking bibig, pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang ginawa niya. Hanggang sa muling sumariwa sa aking isipan ang panahong una kaming nagkakilala ni Gabriel, taong 2010. Iyon din ang panahong nag-umpisang magbago ang takbo ng mundo para sa akin. Naabutan ko ang aming guro na nagkaklase para sa unang subject sa umagang iyon, at may hawak siyang mahabang stick. "Good—" Ibinaling ni Mrs. Raca ang mga mata sa direksyon ng pinto kung saan ako nakatayo. "Why are you late again, Aragon?" Sabay hampas ng patpat sa pisara— hindi man lang ako pinatapos bumati. Tinginan lahat ang aking mga kaklase sa kinatatayuan ko. "Why you're not wearing your uniform?" Isa pang malakas na hampas. "Are you a student here or not?" At sunod-sunod na hampas ang pinakawalan niya sa pisara. "You are not allowed to enter my class today!" Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Halos lahat ng aking kaklase ay tinatakpan ang kanilang mga tainga at naririndi ang mga hitsura sa bawat lagapak ng patpat sa pisara. Ang dami niyang tanong pero hindi niya man lang ako hinayaang sumagot. Humugot ako ng malalim na hininga at tahimik na umalis mula sa tapat ng aming silid. Sa inis ko ay paulit-ulit kong ginaya ang mga katagang binitiwan ni Mrs. Raca habang nakangiwi ang aking bibig. Nagtungo ako sa pinakapaborito kong lugar sa buong campus— ang canteen. Sa loob ng isang oras ay kung ano-anong posisyon na ang nagawa ko: nangalumbaba, nakaidlip na rin ako ng ilang minuto, minsan pinagdidiskitahan ko ang bag ko at ginagawa ko itong punching bag, kung saan-saan na rin ako umupo, dahil pakiramdam ko umiinit na ang aking puwit. Ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa mesa at itinukod ang aking baba rito— bagsak ang aking mga matang naghihintay na matapos ang klase ni Mrs. Raca. Narinig ko ang school bell. "Hay, sa wakas! Tumunog na ang paos na bubuyog." Itinuwid ko ang aking sarili at inayos ang mahaba kong buhok. Nakita ko si Jane—isa sa mga kaklase ko at kaibigan. Kumaway siya sa'kin habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok. Balingkinitan ang katawan niya, morena at singkit ang mga mata. Agad kong hinablot ang itim kong bag pack. Walang ganang isinukbit ko ito sa aking balikat at humakbang papuntang classroom. Nakaupo ako sa last row, malapit sa bintana kung saan makikita ang mga estudyanteng dumadaan sa malapad na hallway. Gustong-gusto ko ang ambiance rito—fresh and cool air. Minsan free face powder dahil sa alikabok kapag umihip ang malakas na hangin. Matatanaw rin mula rito ang namumulaklak na mga puno ng Mimosa at Kanya Pistula na kaaya-aya sa mga mata. Pumasok si Mrs. Auni, adviser at next subject teacher namin— kulot ang buhok niya, pandak at medyo may katabaan. May kasama siyang lalaking estudyante, marahil transferee. "Good morning class, sorry for being late. Siya nga pala, he's your new classmate," malayang pahayag ng aming maestra. "Please introduce yourself," sabi niya sa kasamang estudyante. "Hi, I'm Gabriel Lopez. I hope we can get along with each other," pagpapakilala niya at matamis na ngumiti. Umukit ang malalim at nag-iisang dimple niya sa kaliwang pisngi— marahil napansin din ito ng mga kinikilig kong mga babae at binabaeng kaklase. Kapansin-pansin din ang magandang set ng kanyang ngipin, na lalong ikinangigi ng aking mga kaklase na parang mapupunit na ang kanilang mga labi— tipong may nag-a-audition sa harap nila para maging matinee idol. "Oh my gosh, ngiti pa lang nakakatunaw na," sabi ng isa kong babaeng kaklase na parang pinamahayan ng kitikiti ang puwit dahil sa sobrang likot sa kinauupuan. "Killer smile," segunda naman ng katabi nito. Muling nagsalita si Gabriel— hindi pa pala ito tapos mag-audition. "Looking forward to all of you here. Please take care of me." Pigik akong natawa. Take care of you? "Hindi ba niya kayang alagaan sarili niya?" sambit ko na malakas pa sa bulong. Nawala ang ngiti sa aking labi nang lumingon sa direksyon ko ang aking mga kaklase. "Amparo Aragon," tawag ng adviser namin. "P-Po, Ma'am?" Agad akong tumayo at naglakawala ng pilit na ngiti. Naningkit ang mga mata ni Mrs. Auni at napahalukipkip. "What happened to your uniform?" Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, at napahawak sa batok. "Natalsikan po ng putik kanina habang naglalakad papunta rito," sagot ko at hindi sinasadyang naibaling ko ang aking paningin kay Gabriel. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang nginitian, pero wala man lang siyang ka-rea-reaksyon— hiya naman ako sa ngiti ko. Isnabero. Muling nagsalita si Mrs. Auni. "May sakit pa rin ba si Alcoseba?" Tinutukoy niya ang kaklase namin, at isa sa kaibigan ko na si Mary, na ilang araw ng hindi pumapasok. "Opo," sagot ko. Tumango lang si Mrs. Auni at muling ibinaling ang atensyon sa bagong salta. "Gabriel, siya nga pala kung may katanungan ka pwede ka sumangguni kay Mae Cuevas, class President, o kaya sa mga bago mong kaklase," dagdag ni Mrs. Auni sabay lipat ng paningin sa kinauupuan ni Mae, na nasa unang row. Nakangiti namang tumayo ang pabida naming class President. Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga— galawang pabebe, kulang na lang mag-twinkle-twinkle ang mga mata nito sa harap ni Gabriel. "Si Aragon naman ang room secretary. Siya ang in-charge sa room attendance," dagdag ulit ni Mrs. Auni na nakatuon ang mga mata sa aking kinatatayuan. "She's our class sexy-tary... na palaging late," boses ni Jane at humagikhik. Tawanan ang aking mga kaklase, at nako tawa na rin ako. Umupo na ako kahit hindi pa ako pinapaupo ni Mrs. Auni. Lumingon ako sa kinauupuan ni Jane. Tumikwas ang aking labi at pinandilatan siya ng mga mata. Isang kindat sabay peace sign na parang nagpapa-picture naman ang sagot niya sa akin at ngumisi. "Okay enough." Pumalakpak ng dalawang beses ang aming guro para tawagin ang atensyon naming lahat. "Lopez, habang wala pa si Alcoseba, sa tabi ka muna ni Amparo umupo," dagdag ni Mrs. Auni. All eyes lahat ng aking mga kaklase sa bakanteng arm chair na nasa tabi ko. Mabilis kong hinablot ang aking itim na bag pack na nakapatong dito at isinabit sa upuan ng aking kaklase na nasa harapan ko. Pinagmasdan ko ang ekspresyon sa mukha ng kapwa ko estudyante: may kinikilig, may seryoso, at si Mae Cuevas naman na himalang nakabusangot— sarap niya tuloy asarin. "Ma'am, wala bang pa-sample ang transferee?" hirit ng isa kong babaeng kaklase. Nakangiti ito at parang kinikiliti ng maligno habang nakaupo sa harap ni Gabriel, at nakatingala. "Oo nga, Ma'am," segunda ng mga kaklase naming lalaki. Dami nilang pakulo, kung tutuusin gusto lang nilang maubos ang oras para hindi makapag-klase si Mrs. Auni— siguradong wala silang dalang oslo paper para sa gagawing plate namin sa Art. "Sample! Sample!" hudyat ng lalaki naming kaklase na may mahinang boses. Sinundan ito ng karamihan at lumalakas na ang hiyawan. Natawa tuloy ako sa ginagawa nila— hindi ko alam kung pinagti-tripan ba ng mga lalaki kong kaklase si Gabriel o gusto lang talaga nilang maubos ang oras ni Mrs. Auni. "Sshh." Sumenyas ang aming guro. "Sige na, Gabriel. Pagbigyan mo na sila," aniya at tinapik sa balikat si Lopez. Natahimik naman ang lahat. "Sample?" Nagpang-abot ang makakapal na kilay ni Gabriel. Hindi ko napigilan ang sariling bumulanghit ng tawa. Nasapo ko ang aking bibig nang lahat sila'y nakatingin sa akin— sa babaw ng kaligayahan ko ay nagmukha tuloy akong tanga. Napalunok-laway ako nang naglandas muli ang mga mata namin ni Gabriel, at nagpakawala siya ng nakakalokong ngiti mula sa kanyang mapupulang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD