Chapter 2

2021 Words
Walang ano-ano'y nagsimulang siyang kumanta. "She got me feelin like, Uh uh oh whoa oh." Naka-pout ang lips niya habang umaawit. Kahit nasa dulo ako ay kapansin-pansin ang pinkish at supple niyang labi— parang paborito kong yummy-gummy-softy candy, sarap papakin. Inilihis ko ang aking paningin mula sa kanya at nasampal ko ang aking noo dahil sa naiisip ko sa mga segundong iyon. Napansin ko ang isang grupo na nakaupo sa harap ko: tatlong babae at dalawang binabae— nagpipigil tumili. Nagsasapakan pa ang mga ito at nag-aalugan ng balikat. Nangangamatis na rin ang kanilang mga mukha sa sobrang tuwa. Kung nagpipigil sila, nagpipigil rin akong matawa sa mga nakikita, lalo na sa umaapaw na confidence ni Gabriel Lopez— siya na, siya na ang bagyong hahagupit sa mga kababaihan sa klase, idamay na maging ibang section at year level. Hindi ko alam ang title ng kinakanta niya. Hindi ko rin alam kung gawa-gawa niya lang o ano. Pero sa pagkakaintindi ko sa lyrics nito ay tungkol sa love at first sight— never niya raw naramdaman ang ganoong feeling, at nais niyang ibigay ang mundo para dito dahil nang nakita niya raw ito ay napaniwala raw siya sa kasabihang love at first sight. Lumaki ang butas ng ilong ko sa mensahe ng kanta. Subalit, sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa naalala. "Love at first sight?" Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inalala ang mukha ng lalaking nagustuhan ko agad, bata pa ako noon at hindi ko maalala kung ilang taong ako sa panahong iyon. "Ano na kaya hitsura niya?" anas ko at hindi ko napigilan ang sariling lalong ngumiti. "Hi." "Uhm," malambing kong sagot. Naimulat ko ang aking mga mata at mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko man lang namalayan si Gabriel, nakaupo na sa aking tabi at abot tainga ang ngiti, hawak ang transparent folder ko na nakalimutan kong kunin sa inuupuan niya— baka iniisip niya ring nai-imagine ko siya. Muli siyang nagsalita, "Paano ba gawin 'tong plate?" At inabot sa'kin ang plastic folder. Kinuha ko ang hawak niya. "Salamat." At ibinaling ang aking mga mata sa teacher's desk, pero wala si Mrs. Auni doon. "She left, tapusin daw ang plate at babalik siya before her subject end," pahayag niya kahit hindi ko naman siya tinatanong. Napatango lang ako. "Huwag mo nga ako ini-english. Dudugo ilong ko," sabi ko at pait na natawa. Narinig ko ang pigik niyang pagtawa. Binuksan ko ang folder at humanap ng draft sa paggawa ng plate para ipaliwanag sa kanya. "Beautiful," anas niya. Natigilan ako sa paghahagilap. Inangat ko ang aking mukha. "May sinasabi—" "Gabriel, you can use these." Abot tainga ang ngiti ni Mae at bumabakat ang malalalim na dimples sa gilid ng labi nito. Nakatayo ito sa likod namin at may inilahad na gamit pang-artwork kay Gabriel: oslo paper, lapis, ruler at eraser na Staedcastell brand lahat. Si Cuevas pala tinutukoy niya sa salitang maganda— wala namang bago, dahil maganda talaga ito. 'Yon lang, may tinatagong kagaspangan naman ang ugali nito. Ikaw na bahala mag-discover, Gabriel. "Hello, Mae? Anyway, thanks for these." Itinaas ni Gabriel ang mga bagay na ipinahiram ni Cuevas sa kanya at bahagya itong nginitian. Matamis na ngiti ang isinukli ni Mae bago bumalik sa kinauupuan. Mukhang magkakasundo ang dalawa— panay inglesan, mapapa-sana all ka na lang. Natawa ako sa aking sarili, dahil maliban sa Math subject, nahihirapan din ako sa English, bumabaluktot ang dila at utak ko sa mga subject na 'to. "Ngumingiti ka na naman mag-isa." Naramdaman ko ang pag-init ng aking magkabilaang pisngi sa mahinang boses ni Gabriel. Iniyuko ko ang aking ulo at isinulat ang sukat sa sample plate ko para maging guide niya. "Unlimited ang imagination ko, kaya 'wag mong basagin ang trip ko ha," halos pabulong kong sagot sa kanya at seryosong ibinigay ang plate. Feeling close 'to, kanina lang isnab mo ako. Napaatras ang ulo ko, at parang gustong kumawala ng aking puso sa dibdib ko nang inilapit niya ang kanyang mukha. "Hindi nakakabuting tumawa mag-isa. Lalo na kapag maraming tao... nagmumukha kang tanga," bulong niya at natawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig at naupo ng tuwid. Humugot ako ng malalim na hininga at hinayaan ang isip kong sumagot. Kulang na lang sabihin mong tanga ako. Inumpisahan kong gumawa ng pangalawang plate. Nahagip ng mga mata ko ang dalawang babaeng nakaupo sa harap namin— nagsisipaan ang mga ito at nag-umpisang pag-usapan si Gabriel, na parang sinasadyang iparinig ang kanilang pag-uusap. "Naniniwala ka ba sa love at first sight?" "Crush mo si Gabriel, noh?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at napabuntong hininga. Itinuon ko ang aking paningin kay Gabriel na gumagawa ng unang plate niya—tila feel na feel ang naririnig na parang musika sa kanyang tainga. "Matangkad, matangos ang ilong, kutis porselana, sobrang neat manamit, napaka-attractive at para akong nakakita ng artista," paglalarawan nito kay Gabriel. "Ang ganda pa ng boses. Shet." "Ay shets!" mahinang sambit ko, at ibinagsak ko ang lapis na hawak sa ibabaw ng aking arm desk. Inilapit ko ang aking mukha sa pagitan ng dalawa kong kaklase na nakatalikod habang nakaupo sa harap ko. "Wala na bang mas malakas diyan? Mukhang hindi niya kayo naririnig," bulong ko at sinenyasan na manahimik bago ako muling umupo. Napangiti lang ang dalawa, at kinalabit naman ako ni Gabriel. Nilingon ko siya, at napansin ko ang ngiti niya—ngiting mapanuya. "Don't get yourself into trouble. Nothing to worry... I'm used to it," anas nito. Huwaw! Laglag ang aking panga, at napako ang aking mga mata sa mahangin kong kaharap. Hype talaga. Pumalatak ako in disfavor sa sinabi niya. "You're too proud, Gabriel Lopez. I'm not getting my self into trouble," bulong ko, na napa-english ng wala sa oras. "We need silence while doing an activity. I just want to get rid of the nuisance," dagdag ko na halos hissing sounds na ang lumalabas sa aking bibig. Wala akong pakiaalam kung mali man ang grammar ko. Importante ay naiintindihan niya— practice makes perfect ika nga. Nagpatuloy ako sa aking ginagawang plate. Hindi ko alam ang rason pero hindi ako nagiging kumportable sa katabi ko— masyado kasi siyang agaw atensyon kahit nakaupo lang. Nahuhuli ko nga ang mga mata ng iba naming kaklase na nakatingin sa kanya at dahil katabi ko siya ay naaasiwaan akong may tumitingin sa aming direksyon. Hanggang sa napagdesisyunan kong lumipat muna ng upuan. Tumayo ako. "Mae, palit muna tayo ng upuan," basag ko sa katahimikan ng lahat. Napalingon halos lahat ng aking mga kaklase sa direksyon ko. Alam kong hindi nila inaasahan na ako ang unang kakausap kay Mae— dahil mag-iisang taon na marahil na hindi kami nagkaroon ng conversation nito. "Sorry. Please stay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gabriel habang nakahawak sa pulsuhan ko. Please stay? Nilingon ko siya at nag-lock ang aming paningin, na para bang nahihirapan akong makawala sa titig niya. Lakas niyang mang-trip. Ako pa ang ginawang target. Narinig ko ang panunukso ng aming mga kaklase sa amin.Agad kong hinablot ang aking kamay mula mahigpit niyang pagkahawak. "Anong pinagsasasabi mo, Gabriel?" usal ko at mapaklang natawa. Tumayo siya. "I will not hurt your feelings anymore. Just sit right next to me." Nagpang-abot ang kilay ko sa sinabi niya, parang gusto ko siyang murahin sa ginagawa niya. Ramdam ko ang kumukulo kong dugo na umaakyat papunta sa aking ulo. Napansin ko ang seryoso niyang mukha at bagsak ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na yelo, at parang may dagang gustong kumawala sa aking dibdib na tila hinahabol ng malaking pusa— nagmukha tuloy kaming gumagawa ng eksena sa isang pelikula. Hindi na ako umimik dahil lalo kaming naging kumpulan ng tukso. Humugot ako ng malalim na hininga at malayang ibinuga. Isa sa ayaw ko sa lahat ang maging sentro o maging bahagi ng atensyon, dahil ayaw kong pinag-uusapan ako ng kahit na sino. "Cut! Tapos na ang eksena," boses ng kaibigan kong si Jane. Tuwang-tuwa na naman ang aking mga kaklase. Para akong nabunutan ng tinik sa ginawa ni Jane. Alam nitong naiinis na ako. Kinuha ko ang aking art materials sa ibabaw ng aking mesa. "Nakikiusap ako, huwag ako ang pag-tripan mo," garalgal kong boses habang kausap si Gabriel. Itinulak ko ang aking upuan paatras at dito na ako lumusot para makaalis sa aking puwesto. Natuod ako sa kinatatayuan nang may bumulwak palabas mula sa aking p********e. Naalala kong nireregla pala ako at malakas ito. Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan ni Gabriel ang aking kamay at tumayo siya sa mismong likod ko na isang dipa lang marahil ang aming pagitan. "Natagusan ka," bulong niya. Para akong binuhusan ng yelo sa kanyang sinabi. Hindi ko man lang naramdaman na malakas pala ang kabuwanang dalaw ko sa araw na 'yon. Lalong hiyawan ang mga walang kamalay-malay kong kaklase na akala nila ay naglalandian kaming dalawa sa harap nila. I bit my lower lip. Humugot ako ng malalim na hininga at malayang ibinuga. Napaatras ako nang nasa harap ko na si Mae, bitbit ang gamit niya. Nilingon ko si Gabriel sa aking likuran nang nagtama ang likod ko sa katawan niya at naapakan ko ang kanyang sapatos na suot. "Sorry," anas ko. "Ayos lang. She will stay here, Pres. Hindi na siya lilipat," sabi niya kay Mae. Hindi lang hiyawan ang nangyari sa loob ng klase, kun'di pukpukan ng kamay rin sa ibabaw ng bawat arm chair. "Bakit ang ingay-ingay niyo?" Biglang tahimik lahat na parang may anghel na bumaba sa langit at nagsalita. "Pasensya na po Ms. Reyes," pagpapaumanhin ni Mae. Walang ano-ano'y bumalik rin siya sa kanyang kinauupuan sa harap. "May nagkaklase sa ibang classroom. Sa pagkakaalam ko may iniwang activity si Ma'am Auni," pahayag ng guro. Parang maamong tupa na yumuko kaming lahat at ni isa ay walang nagsalita hanggang sa umalis si Mrs.Reyes. Nahagip ng mga mata kong tumayo si Gabriel at lumabas ng silid, pero wala akong pakialam. Dahil hapon pa ang pasok ni Kuya ay nagtipa ako ng mensahe para sa kanya at sinabing kailangan ko ng pampalit dahil natagusan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa reply niya: Kuya John: Wala si Mama. Hanap ako butas-butas mong panty. Ayos lang? lol Nagsalpukan ang dalawa kong kilay habang nag-re-reply sa kanya. "Kung may mahanap ka," anas ko at gigil na gigil na nai-send ang message ko. Uminit ang tainga ko sa Mabilis na sagot ni Kuya. Pakiramdam ko ay may usok na gustong lumabas sa mga butas ng aking ilong. Kuya John: Wala nga akong nahanap. Pero gunting may nakita ako. lol Hindi na ako sumagot pa. Umagang-umaga ay nakaka-bad trip na. May guwapo ngang bagong kaklase lakas naman maka-bagyong Hagupit dahil sa lakas ng hanging dala niya, idagdag pa ang kabuwanang dalaw na walang pasabi at walang ano-ano ay lalabas sa kuweba. Dagdagan pa ng kapatid kong wagas ang pagkaalaskador. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa nangyari at dumungaw sa labas ng bintana. "Ayos ka lang?" Nagulat ako sa biglang sulpot ni Gabriel na parang kabute. Napalingon ako sa direksyon niya. Ni hindi ko naramdam o nakitang nakapasok na pala siya. "Amparo, take this," sabi niya kaya napalingon ang kaklase naming nakaupo sa aming harapan. Nginitian sila ni Gabriel at kasing tamis ng kendi naman silang ngumiti at tila nahiya pa na muling ibinaling ang mga mata sa kanilang ginagawa. Inilapag ni Gabriel ang bagay na nakabalot sa isang kulay blue ang pakete— sanitary pad. Kaya hinablot ko agad ito sa mesa at mabilis na tumayo. Agad akong nagtungo sa CR na nasa loob lang ng classroom namin. Hindi ko napigilang matawa habang nasa loob kaya lalong nagpalabas ng regla ko. Nakarinig ako ng katok mula sa loob ng pinto. "Amparo, may naghahanap sa 'yo. Guwapo," sabi nito at halos pabulong ang huling salita. "Oh, sandali. Patapos na," sagot ko, "Guwapo?" sambit ko at napangiwi habang unsatisfied sa sarili na kaharap ang salamin. Lumabas ako at eksaktong bumungad sa akin ang kumakaway at nakangising lalaki na nasa bukana ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD