Kabanata XIII
"Hindi to pwede." Naghihikayos kong pakiusap sa lahat. "Hindi to pwede!"
A defeaning silence covered Hydro when I shouted in frustration. Lahat sila napatigil at napaiyak sa sitwasyon ko. Pero hindi iyak para ramayan ako, kundi ungol ng mga matang may galit at nadaramang poot para sa kinahihinatnan ko.
"Hindi talaga pwede."
I madly faced Dwyn he commented. "Anong kagaguhan to ha!? Bakit mo to ginagawa sa akin!?"
Pero imbis na masindak siya sa galit kong pagsigaw ay mas lalo lamang kumurba ang pagkainis sa mukha nito.
"I didn't do this to you. You're the one who did it to yourself!"
"No! This is just a pure suspicion of yours!"
"No!"
Napapitlag ako nang sigawan niya ako kasabay ng malakas na paghila sa akin palapit sa mukha niya.
"Don't touch me."
Pero mas diniin niya lamang ang paghawak sa braso ko kaya napapapikit ako sa sakit.
"Sabi ko, huwag mo ko-"
"Wala ka ngang pinagkaiba sa mga magulang mo."
I halted when he mentioned those words.
"A-anong sabi mo?" Gigil kong usal sabay hawi sa kamay niya.
Ang hilig niya talagang magpainit ng ulo ko e no?
"Wala kang pinagkaiba sa mga magulang mo."
My fist started to form when he said those words again. Yung pagkakainis ko sa kanya ay mas lalo lang nadagdagan dahil sa mga mababahong salitang lumalabas sa bunganga niya.
"Isa ka ring mamamatay tao-"
"How dare you!"
Everyone gasped when I slapped their so called commander. Mabilis naman akong hinawakan ng mga guwardiya upang pigilan sa maaari kong pagsalakay. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ko makawala lamang sa mga mahihigpit na mga kamay na nakayapos sa akin.
"How dare you test my temper with that topic, again. Hindi ka ba nadadala!? Baka akala mo hindi kita kayang pata-"
He scoffed. "Na ano, ha!? Na kaya mo akong patayin? Sige! Dito mismo, ano game!? Sige, dali!"
"Tungstenamo." Galit kong usal kasabay ng panibagong batalyon nga mga luha ko.
"Dalhin siya sa kulungan." Malamig na usal nito na siya namang mabilis na sinunod ng mga kabilang niya.
I cried harder when they started to force me again."No! No! Hindi pwede! Ano ba!? Hindi mo maari-"
"Shut the f*ck up, witch! Please!"
Nakanganga at nanghihina akong napalingon sa dako ng babaeng tinuring kong pamilya sa loob ng isang dekada kong pamumuhay dito sa Hydro.
"W-what?" I mumbled. "Miev, you really believed them? Mievienne, no."
I took a step closer to her but I stopped when I saw how scared she was seeing me closer to her.
"M-miev, p-please..."
"You could've save yourself from this, Laira! Sana nakinig ka sa akin! Sana hindi mo na inulit ang pumatay ng tao-"
"I didn't!"
She shook her head when I interrupted her words and then turn her back against mine.
"M-miev, please naman oh. M-maniwala ka naman sa a-"
"Ilang ulit pa ba akong maniniwala sayo, Laira!?"
I bit my lower lip when a moan escaped from my mouth. Mas lalo lang akong napahagulhol nang makita silang dalawa ni Anwir na natatakot sa paglapit ko.
"Ilang ulit pa ba kitang patatawarin!? Ilang ulit pa ba akong magpapatay-malisya!? Ilang ulit pa ba kitang itatago at pagtatakpan sa mga kasalanan mo, ha!?"
Napailing ako at pilit na hinawakan siya pero mabilis niya akong hinawi kaya natumba ako.
I sniffed. "Miev, naman e. Hindi nga ako yun. Mahirap bang paniwalaan yun?"
"Simula ngayon, huwag mo na akong tawagin sa pangalan ko."
My vision got blurred as she said those words. Pero sinikap ko pa ring tingnan siya upang ipaliwanag ang sarili ko pero mukhang ayaw na nga ata niyang tumanggap ng mga paliwanag ko.
"Mark this day, witch. Dahil simula sa araw na ito, hindi na tayo magkadugo. Dahil wala akong kamag-anak o kaibigan na mamamatay tao."
Napayuko ako habang patuloy pa rin sa pagdaloy sa aking mukha ang mga luha ko. Kinapos ako sa hininga. Hindi dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko kundi dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya na nagsilbing lason sa sistema ko.
How can she said those words, easily?
"Anwir, let's go."
Napahagulhol ako ng ilang beses bago sinubukang tumanaw sa dako niya ngunit huli na pala. She wasn't at my sight anymore. Kasi tuluyan na nga niya akong iniwan at inabandona na parang hindi isang kapamilya.
That was so unfair.
The guy at my side cleared his throat which made me look at him for a second.
"Tell everyone to evacuate to my home. Lahat nga mga bata ay isama sa paglisan at dapat ay walang matitira na hindi lalaban sa mangyayaring sugpaan sa daraang araw."
I wiped my tears off as I heard Dwyn's command to his subordinates. Isang nakakarindi at nakakabinging siren ang aming narinig mula sa pasilyo ng dating mayor pagkatapos niyang magsalita.
"Move!"
I tried to stand up and move my feet towards our house pero hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa bakuran namin ay isinara na ni Miev ang pintuan ng bahay, senyales na ayaw na nga niya sa akin. Kaya wala akong nagawa, kundi ang impit na umiyak sa gitna ng kalsada.
I roamed my eyes to see the suspicious eyes from everyone. Inisa-isa ko silang tiningnan upang magpaliwanag ngunit wala ni isa ang gustong makinig. Mabilis pa nga silang pumasok sa kanya-kanya nilang pamamahay makawala lang sa paningin ko.
Kaya sa isang iglap ay ako na lang ang naiwang mag-isa sa gitna ng kalsada kasama si Dwyn at ng mga guwardiya niyang inaalalayan ang mga tao sa paglikas.
"Saan sila pupunta?"
"In a safer place."
I gulped as I heard his monotonous voice. "At ako?" I made a frown when I looked at his poker face.
"Anong ikaw?"
"S-saan ako dadalhin?"
He smirked. "What do you think?"
Pinulot niya ang malaki niyang armas na nasa sahig tsaka ako binalingan ng tingin.
"B-bakit ako ang pinagbibintangan niyo?"
He snorted as I asked. "Do you hear yourself clearly? Kailangan pa bang tanungin yan?"
Umayos ako ng tayo at piniling pantayan ang mga titig niya. "Anong ebidensya niyo? Diba wala?"
He stopped for a minute and then bursted into laughter afterwards.
"Hindi pa ba sapat ang mga pagbabanta mo sa kanya sa mga nagdaang araw ha? Ano ka ba tanga o nagtatanga-tangahan!?"
Inis siyang lumapit sa dako ko at sinundot ang kaliwang braso ko nang paulit-ulit kaya napapaatras ako.
"Umayos ka kung ayaw mong mapatay ka kaagad sa laban nato, babae. Hindi mo pa lubos na kilala ang mga kinakalaban mo, kaya pumirmi ka sa kinatatayuan mo. Naiintindihan mo!?"
Mabilis kong hinawi ang kamay niyang kanina pa inaabuso ang katawan kong walang laban sa oras na ito.
His lips curved as I did it. "Kakasabi ko lang diba?"
I harshly sighed and bit my lip to suppress my anger. Nang mapansing tapos na ang mga alagad niya sa pagtago ng mga tao ay agaran nila akong hinawakan at itinulak papasok sa isang sasakyan. Pero bago pa man ako naipasok nila ay may ibinulong pa si Dwyn sa akin na siyang mas nagpalito sa tuliro kong pag-iisip.
I halted as I can't move my lips to open for a words.
"I told you, not to trust anyone. I warned you not to trust people who makes you fluttered and smile, right?"
"A-ano?"
"Now enjoy the consequences of your actions. Enjoy the vengeance of all the wandered souls you killed for an unacceptable reasons."
Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa isang masalimuot na panaginip. I explore my eyes to check if I was really dreaming, but I failed to see lightness kaya napaiyak na naman ako.
Isang araw na akong nakakulong sa mabaho at madilim na kulungan dito malapit gitna ng kagubatan ng Hydro. I wasn't familiar with the place kase wala namang nakakaalam ng lugar na ito. My eyes were blindfolded when I was dumped here kaya hindi ko talaga alam kung saang parte ako ng kagubatan nakakulong.
"Where is she?"
"Nasa loob lang ho, walang kibo buong magdamag. Patay na nga ata e."
I quickly stood up when I heard Dwyn's voice coming towards my cell.
"Hoy, babae!"
Pinunasan ko ang laway na namuo sa gilid ng labi ko tsaka napalunok ng ilang beses. Kahapon ko pa gustong uminom ng tubig. Gusto ko ng uminom.
"Bakit ayaw mong kumain? Nagmamatigas ka na?"
Walang-gana ko siyang tinapunan ng tingin nang magsalita siya. "Bakit hindi mo na lang ako patayin?"
"Why would I? Ang aga-aga pa para diyan. Just wait and see your death, okay?"
I sighed.
"Oh!"
Tinapunan ko ng tingin ang pagkaing tinulak niya sa dako ko pagkatapos ay binalingan ko siya ng isang matalim na tingin.
"Anong gusto mo, subuan pa kita?"
"Tubig."
"Walang tubig! Magdusa ka."
Nagsimula na namang manghina ang mga tuhod ko dahil sa natatanggap na pagtrato nila sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak ng paulit-ulit sa nangyayari sa akin ngayon.
Bakit ba ayaw nilang maniwala?
"Ano, iiyak ka na naman? Hoy, ano ba!? Huwag mo nga akong dramahan, babae!"
I gulped and almost jumped at my place when he draw closer to me. Umingay ang marahas na paghawak niya sa bakal ng seldang nakakahon sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot at kaba. Dagdagan pa ng nakakasindak at galit na mga matang ipinupukol niya sa akin.
Pero hindi e! May karapatan akong magdrama!
"Ano!?"
"Hindi nga ako yun!" I yelped, almost a croak, with another tear on my eyes.
Nagkukumahog ako sa kakaiyak at sa pagpapaliwanag sa kanila kahapon pa. Pati sina Mievienne at Anwir, ayaw pa akong kausapin!
Sinong hindi iiyak at masasaktan kung ang mga taong pinagkakatiwalaan mo at tinuturing mong pamilya ang siyang una pang tatalikod sa iyo sa lahat ng mga pagdududa ng mga tao sayo?
"Shut your asses, Blaire." He uttered with gritted teeth which made me frozen in my place for a moment. "Pinatay mo ang lider ng Hydro kaya harapin mo ang dobleng sakit at pighating nararamdaman ng mga tao ngayon dahil sa ginawa mo."
Humakbang ako palapit sa kanya tsaka siya binigyan ng galit na mga tingin.
"Hindi kayo sigurado. Wala kayong sapat na ebidensya na ako ang pumatay sa kanya!"
"Tumahimik ka!"
His voice echoed within this cave which made it more horrible and scary for my state. Nanginig ang sistema ko sa pagsigaw niya kaya ang pag-iyak na lamang ang siyang naiganti ko sa kanya.
"H-hindi nga ako yun. Hindi a-ako yun. Hindi ako yun!" Paulit-ulit kong usal pero hindi siya nakinig sa mga pagsusumamo ko.
Walang ni isa ang nakinig sa mga hagulhol ko. Walang ni isa ang nagbigay sa akin ng oras para magpaliwanag sa sarili ko. Walang ni isa ang nagbigay konsiderasyon sa nararamdaman ko.
People were blinded with their suspicions kaya hindi na nila nakikita kung ano ang tama sa mali. People were focused on wrong information kaya hindi na nila nasusuri ng maayos ang tama sa mali- ang inosente sa hindi.
"Kumain ka, kung ayaw mong mamatay ng maaga."
I didn't dare to look at him as he commanded. Mas masasaktan lang naman ako sa mga titig niya e.
"I will fetch you at dawn so sleep early tonight."
I sighed and wiped my tears. "Sa tingin mo nakakatulog ako ng maayos dito?"
"E ano gusto mo, ikulong ka sa isang palasyo? Ano ka, prinsesa?"
Napairap ako nang makuha niya pang magbiro. Yumuko na lamang ako para umupo sa isang sulok. Hinagkan ko ang magkabila kong tuhod upang makapagpahinga.
Anong oras na kaya ngayon? Para naman kasing gabi palagi rito e, sa sobrang dilim pati kamay ko hindi ko na masyadong maaninag. Well, may isang maliit na bintana naman sa itaas na parte nitong dingding pero hindi pa rin yun sapat.
"Ayaw mo talagang kumain?"
I took a deep breathe and faced him while leaning at my knees.
"Saan dadalhin ang mga bata? Bakit parang lahat ata nagsilikas?"
His brow knitted as I asked out of the blue. "Concern ka na sa ibang tao ngayon?"
Napayuko na lamang ako nang wala akong makuhang matinong sagot galing sa kanya. I busied myself playing with the dust, kunwari nagsusulat ng pangalan ko gamit ang mga alikabok.
"Ilang araw ka pang makukulong dito."
I took a glance at him when he leaned at the metal grills of this cell. Ipinagpahinga niya ang ulo niya sa selda nitong kulungan habang pilit inaabot ang munting liwanag na nanggagaling sa labas.
"Alam ko." Mahina kong usal sa pangungusap niya.
"Mas magiging madilim pa ang mga gabi mo sa susunod na mga araw mo dito."
I sighed again. "Alam ko."
"Aalis na ako."
I rolled my eyes. "Pake ko?"
Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga pagkatapos niyang tumawa.
"We found your name written in blood beside Santiago's dead body."
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa narinig. "A-ano?"
"Kill, Blaire."
I gulped and immediately draw the spaces towards him.
"Are you sure? Wala na bang ibang nakasulat, yun lang? Baka naman meron pa, nabura lang? O di kaya, binu-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang lumingon siya sa dako ko.
"Baka naman binura lang." Bulong kong usal, makapagsalita lang.
But he didn't listen to me and just gave me a deep breathe then he seriously eyed me. I touched my chest as a sign of grimaced.
Bakit nga ba ako nasasaktan sa mga titig niya? Bakit nga ba hindi pa ako masanay sa mga titig ng mga taong mapanghusga?
"Can't you just admit it?"
Napapikit ako dahil sa inis. "Potassium ka."
"Look, young lady. Halata naman talagang ikaw ang pumata-"
"Gago ka ba?"
He groaned when I asked. "Ewan ko sayo!"
May pagkabagot siyang lumakad paalis ng pasilyo at iniwanan ako nang ni isa sa amin ang ayaw magpatalo.
"Hindi man lang ako binigyan ng tubig."
Gago nga!
"Hoy babae, gising!"
Nagulat ako sa malakas na paghampas ng bakal ng selda ko kaya napabangon ako ng wala sa oras.
Takneneng atom.
"Posasan niyo na."
Napalunok ako sa sariling laway nang makita ang mga armadong lalaki papunta sa dako ko. Napaungol ako ng marahas nila akong hinila patayo.
"Dahan-dahan naman oh." Reklamo ko na binalewala lamang nila.
"Ang bango mo pa rin, master ah!"
"Ano ba!?"
Napaatras ako nang amuyin ng isang lalaki ang buhok at batok ko.
"Nako! Umaarte pa!"
Kinilabutan ako sa malaswang tawa ng dalawang lalaki kaya mas isiniksik ko pa ang sarili sa mabahong selda na'to makatakas lang sa mga hawak nila.
"Bossing oh, ayaw pahawak ng alaga mo!"
I turned to Dwyn when his subordinate tried to ask for his permission to touch me. My trembled heart started to race crazily as our eyes met. Dagdagan pa ng mga nakakakilabot na mga tawa ng mga tauhan niyang unti-unti ng lumalapit sa dako ko.
The helium, the heck. Ano bang kailangan nila sa akin!?
"Ang tagal ah!"
I gasped when Dwyn harshly grabbed the handcuffs from his subordinate. Mabilis siyang lumapit sa akin nang nanlilisik ang mga mata at umiigting ang panga kaya kinabahan ako. Lalo na nang hilahin niya ang batok ko.
"Don't move if you don't want to get hurt."
I gulped for nth times as he speaks directly to my ears. Nakahinga lang ako ng maayos nang matapos siya sa pagkabit ng posas sa leeg ko.
"Labas!"
Napapikit ako nang sinigawan niya ang mga tauhan niya. Mabilis namang nagsikilos ang mga ito sa naaayon ng lider nila kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Asshole." I whispered as they run towards the door of this cell.
"Ikaw."
"Ha?"
Nanindig ang balahibo ko sa tono ng boses niya nang lumingon siya sa dako ko. Bumalik na naman tuloy ang kaba sa dibdib ko.
"Tubig."
"Holy gold! Ano ba!?"
He boringly looked at me as I exclaimed.
"Gago ka talaga e no!?"
He sighed. "Yeah, you're welcome."
Inis kong pinahiran ang basa kong mukha dahil sa ginawa niyang pagsaboy ng tubig sa akin. Gago talaga!
"Magbihis ka."
Napamaang ako nang ihagis niya ang isang puting bestida sa mukha ko.
"Bilis!"
Namilog ang mga mata ko. "Napipikon na talaga ako sayo ha! At tsaka, ano!? Nang nakaharap ka sa akin!?"
He tsked. "Ang dami mong arte."
Hinawakan niya ng maigi ang kadena na nakakabit sa posas na nasa leeg ko tsaka siya tumalikod sa pwesto ko.
"Bilisan mo!"
I rolled my eyes with his tone. "Huwag kang lilingon."
"Asa ka pa."
I snorted as he firedback. Nang masigurong hindi niya ako sisilipan ay sinimulan kong hubarin ang pang-itaas na damit ko habang nakaharap sa nakatalikod niyang katawan. Ginawa ko na ring pampunas ang marumi kong damit sa nabasa kong mukha papunta sa mga binti at paa ko.
"Can you do it quicker?"
I unbelievably scoffed. "Ikaw kaya nakakadena!"
Inabot ko ang likod ko upang maisara ang zipper nitong damit. Nang matapos ay hinila ko ang kadenang hawak niya indikasyon na ayos na ako.
"Tapos na po!" I glared at him when he turned his face at me. Pinasadahan niya ako ng tingin pagkatapos ay marahas na hinila ang kadenang hawak niya.
"Potassium na n***o. Ano ba, nananadya ka ba!?"
I moved faster as he keep on pulling my neck intentionally just to tease me. Nilagyan pa ako ng posas sa kamay may posas pa sa leeg. Lecheng buhay!
I stopped from walking when a sunrays tried to peek at my vision. Saglit akong nakaramdam ng saya dahil sa nasisilayang liwanag mula sa sinag ng araw. Ngunit mabilis din itong napalitan ng lungkot nang maaninag ang mga taong nakatingin sa sitwasyon ko. My eyes started to water but I tried not to be affected by it, so I made a blank stare to cover my tears.
Enough of being a weakling, self.
"Laira."
Huminga ako ng malalim bago lumingon sa lalaking nasa harapan ko.
Parang nung nakaraang araw lang pinandirihan at kinatakutan ako nga mga mata nila ah? Anong nangyare ngayon? Bakit may palapit-lapit pang nalalaman?
"Can we talk?"
I almost fell by his concerned voice as he plead. Pero hindi ako ganun karupok para bumigay agad.
"Lai, please. I really need to talk with you. Kailangan nating pag-usapan to. Let's clear this with one another."
"Tsk."
I glared at the guy at my side when he scowled.
"Laira, please."
"Ano pa bang pag-uusapan niyo?"
Peste, nakisali na nga talaga.
"Can you shut up, little creature? Hindi ikaw yung kinakausap ko kaya tumahimik ka."
Dwyn annoyingly smirked at Anwir and spoke. "E hindi ka naman sinasagot ng kinakausap mo e!"
I inwardly groaned with his stupidity.
"How could you even talk when your neck is handcuffed!?"
Dwyn snorted. "Bibig ang gamit para makapagsakita tol, hindi leeg."
"Gago! How could you open your mouth to speak if your throat is blocked for an air to gasp!?"
Napairap ako nang gumawa sila agad ng eksena, e kakatapos pa lamang ng libing ng kalbo. Hindi ko nga kinausap ang Dwyn-de e, para lamang makatakas sa mga mata ng mga tao, gumawa pa ng kagaguhan tong dalawang 'to!
"Anwir."
"Please, Miev. I need to talk with her!"
Miev took a glance at me and quickly turned at Anwir when our visions met. I sighed as I felt a great pain in my chest with her simple action.
Bakit ba hindi niya ako mapagbigyan?
"Bahala ka sa buhay mo." Pagalit niyang usal kay Anwir bago niya nilisan ang lugar.
Mabilis namang nakabawi si Anwir sa nangyari kaya agad niya akong binalingan ng tingin. I saw how his adam apple moved as he gulped when he saw my state. Nanginginig niya inabot ang mukha ko na agad ko namang napigilan.
"Tell me, it wasn't you." He whispered as he asked.
Narinig ko naman ang agarang pag-angal ni Dwyn sa tabi ko nang maarte siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ko na lamang siya pinansin at binalingan ng seryosong tingin ang lalaking nasa harapan ko.
"Why can't you answer me? Please, Laira sagutin mo ako! Yung totoo, sabihin mo sa akin yung totoo."
I bitterly chuckled as he begged off for an answer.
"Laira Anon."
"Bakit? Paniniwalaan m ba ako?"
"S-susubukan ko. Lai, s-susubukan kong maniwala."
I smiled. I made a beam as my tears didn't hold themselves not to burst.
"Nasabi ko na, Anwir. I already made myself clear at the very beginning but no one listened."
Napailing siya. "I'm s-sorry."
"You didn't listened. You and Mievienne never tried to listen."
"Lai, I'm so s-sorry."
Mabilis na hinarang ni Dwyn ang kamay niya sa katawan ko nang akmang hahawakan ako ni Anwir na siyang sinang-ayunan ko naman. I don't want to hear his apologies and weeps. Not this time, please. Not at this moment when I needed the most is their trust not their sorry's.
"Time is up, dude." Ani ni Dwyn bago niya inutusan ang mga kasamahan niya na ilayo sa amin ang ngayo'y umiiyak kong kaibigan.
He groaned in irritation as he hold my wrist. "Not again, Blaire."
I quickly removed my tears off at my face and firmly looked at the guy whose now begging for my time, explanation and forgiveness.
"Tara na, ang daming drama!"
Nagpatianod ako sa paraan ng paghila ng mga guwardiya sa akin nang ipasa ako ni Dwyn sa kanila. Sa kalapit na libingan at estatwa ng founder ng bayang ito ay may isang posteng nakatayo na siyang pinalilibutan ng mga tao.
Ang dami ng mga tao sa ngayon ay naging maliit kontra sa totoong populasyon ng mga taga-rito. Siguro nga nagsilikasan na ang mga karamihan kaya konti na lang nag natitira rito sa Hydro.
"Ang ganda naman masyado ng damit na binigay mo sa kanya, Ajaxdwyn!" One of his armies from the crowd laughed. "Madudungisan din naman ng dugo!"
I sighed when I heard their nonstop gags. Nabigla ako sa paghila ng isang guwardiya sa akin kaya napaluhod ako patungo sa posteng nakalaan pala para sa akin.
"Sa tingin mo, sino ang papalit na pangulo nitong lungsod?"
Napatingala ako hindi dahil sa tanong kundi dahil sa paghila ng ulo ko paitaas. My knees began to wobble as they pinned me on the post. Ang kadenang nasa leeg ko ay nakayapos sa malaking poste samantalang ang magkabila kong mga kamay ay nakatali sa dalawang maliit na poste magkabilang gilid ko.
"Ayaw kang sagutin tol oh! Nakakagago!"
Nagpupuyos ako sa galit habang nakikinig sa mga walang sawa nilang satsat. Mas pinili ko na lamang na yumuko at pumikit kesa sa makipagtitigan sa mga mukha ng mga guwardiyang pinaglihi sa isang malaswang piranha.
"Hoy!"
I slightly opened my eyelid as someone grabbed my chin.
"Bakit ayaw mong makinig ha? Anong akala mo sa sarili mo, malakas at kaya kaming tumbahin!?"
"Ulol." I hissed as I tried to get off of his tight grip.
Sumasakit panga ko sa lalaking to e. Peste!
"At talagang!"
"Laira!"
Napaubo ako ng dugo nang makatanggap ng isang suntok galing sa isang manyakis na gago. Panigurado marami ang nakakita base sa mga boses ng pagkabigla na narinig ko kanina. I even heard Anwir's voice calling my name. Pero wala rin naman silang magagawa. Wala silang ibang magagawa kundi panoorin ang dahan-dahan kong pagkalugmok sa laban nato.
"Tama na!" I heard Anwir demanded but just like me as I begged, no one listened to his plead.
"Ang dapat sayo, mamatay din!"
I bit my lip when he didn't stopped punching and kicking me. Hindi pa siya nakuntento sa ganun lang kaya pinilit niya pa akong itinayo tsaka hinampas ng malakas ang mga binti ko ng isang makapal na kahoy na siyang nagpakawala ng sigaw ko.
"Tungstenaniyo." Mura ko habang nahihirapan sa pagkilos dahil sa pagkatumba.
"Mievienne, let me help her! Let's help her up!"
Napahagulhol ako nang marinig ang nagmamakaawang tinig ni Anwir di kalayuan.
"Mievienne, ano ba!?"
Kaya kahit nahihilo at naghihingalo ay sinikap ko pa ring tumayo at tumingala para ipakita sa kanila na maayos lang ako. Na kaya ko pa. Na kaya ko pang tumayo.
"Kaya ko - ah!"
I fell to the ground as another bunch of whack hit me from behind. Mabilis naman na nagsitawanan ang mga guwardiyang nakapaligid sa akin dahil sa pagkatumba ko na mas lalo lamang nagpaubos ng iyak ko. Nakakamanghang isipin na sa kasabay na pagbagsak ng nanghihina kong katawan ay ang pagsilay ng maitim na mga ulap sa kalangitan.
Hindi, kaya ko to. Kaya ko to.
With a raging heartbeat as I was lying in the ground, I opened my eye to see what was currently happening. Pero sana pala hindi ko na lang binuksan ang kanang mata ko. Sana pala hindi ko na sinubukang tumingala para masilayan ang liwanag na siyang nais kong pagmasdan. Sana pala pinili ko na lamang na mahimatay kesa sa masilayan ang taong nagdala sa akin sa napakababang parte nitong mundo. Edi sana pala hindi ko makikita ang isang demonyong labis na kinamuhian ko sa buong buhay ko.
"How's your stay here, my dear?"
I meaningfully looked at Dwyn trying to look for an answer but he persist not to give me one. Instead, he look away from me and bowed down with all his armies to the evil queen I loath for my whole life.
What the helium is she doing here!?
"Did you have fun, my princess?"
I horribly looked at her face when she draw nearer to me and touched my cheeks, dramatically. At wala na nga atang mas ikamamalas ang araw na to lalo na nang masaksihan kong muli ang ngiti ng isang demonyong kakaahon lamang sa lupa.
Helium, no way.
"Did you miss me?