10 - (Ne)on

4034 Words
Kabanata X "Hindi mo naman ako kailangang sunduin." Walang gana kong usal sa lalaki. Umupo ako sa tabi ni Miev at nagsimulang magsandok ng pagkain. Siniko ko siya dahil pinapasok niya lang basta-basta ang lalaki nang walang pahintulot sa amin ni Anwir. For sure, if Anwir was here, nabatukan na siya dahil sa pagiging mapusok niya. I looked at the guy who comfortably seated at the chair in front of me. "Are you too excited to see me?" I mocked. He shrugged my remark. "What do you want as an answer?" Napaubo si Miev sa tabi ko kaya inirapan ko ang lalaki. "Hindi ako tataka-" "I know you. Tatakas at tatakas ka." I scoffed. Ayan na naman siya sa 'I know you, I know you' niya. For sure, he only know my background name, not my whole story! "I already informed you the schedule, right?" I boringly looked at him as I started eating my breakfast. "Ang aga mo naman atang nagising?" Sarcastically, he uttered. "Sabagay, you need enough strength for today's adventure. Marami pa naman tayong gagawin. Handa ka na bang mamatay?" He leaned closwr to me and then laughed. Uminom ako ng tubig at tiningnan si Mievienne na nasa tabi ko. "Palabasin mo nga to." "So sweet." The demon commented. I stood up and went to my room leaving those two at the kitchen. I lost my appetite. "Potassium." Tumalon ako pahiga sa kama ko nang makaramdam ng pagod. Hindi pa nga nagsisimula yung military training na siyang pangungunahan ko, napapagod na ako. I'm tired thinking over things. I'm tired of everything. Nadagdagan pa dahil sa sinabi nung n***o kahapon. May alam ba talaga siya sa pagkatao ko o nagkukunwari lang para takutin ako? O kung meron man, hanggang saang parte ng katauhan ko ang alam niya? Anong koneksyon niya sa dati kong pamilya? Bakit niya sinasabing nandito siya para iligtas ako? "Iligtas saan? Iligtas kanino?" I heaved a sigh as I got drown with my thoughts. Kaya kahit labag man sa kalooban ko ang pagiging malapit sa negrong iyon, gagawin ko pa rin ang gusto nilang mangyari. They want me to lead the group? Then, I'll go for it. They want to blackmail me for the information they've got from my past? Then, I'll play for it. I will do my part as a player until I dig their lives too. Let's see who will win this chaos. "Do you want to lead the group already? Or do you wanna start a fight by each of them first before leading as a group?" I inwardly sighed. I ignored him as I busied myself touching the different types of weapons that were scattered at the big wooden table at this huge field. I touched the knives and tasted the sharpness of it. "Stop fantasizing as if this is the first time you saw a bloody weapons." I stared at him. "What's your armor?" His lips curved as I asked. "Shuriken." Napayuko ako nang itapon niya sa may ulo ko ang armas niya. "You sly!" I madly shouted, but she just laughed. I stood up quickly and kicked his abdomen as I got irritated. He groaned as I hit it perfectly which made me laugh at his state. "What would I expect from an evil?" He smirked. "Rot in hell." I said in gritted teeth as I grab his collar. "Let's do it together then." Nang mapansing itataas niya ang kamay niya para kunin pabalik ang armas niyang papalapit ay agad ko siyang tinulak at sinipa sa may dibdib tsaka ko tinusok ang armas niyang muntik nang makasugat sa ulo ko gamit ang kutsilyo ko. "Not bad!" He said as he was panting, looking at me. Ngumisi ako. "Too bad for you." Mabilis kong inihagis sa kanya ang armas niya na siyang tumama sa paanan niya kaya napaungol siya. "What the hell!?" "Now we're fair." He scoffed at me as I glare. Isinukbit kong muli ang kutsilyo ko sa suot kong sapatos at iniwanan siyang nakahandusay sa lupa. I walked a few steps forward and busied myself watching the armies enhancing their fighting skills. Mangilan-ngilan sa kanila ay mga lalaki, karamihan din sa kasali ay nasa edad dalawampu pataas na gulang pa. "They we're trained well." I sighed. Hindi ko pinansin ang lalaking nasa gilid ko at nagpatuloy lang sa pag-obserba ng mga mababangis na tao. Ang bata pa nila. Ang bata ko pa. Ang bata pa namin pero ang dami na naming alam. Ang dami na naming kayang gawin na hindi naman tama at angkop sa kalagayang kinahahantungan ng isang normal na tao. "Don't think of them, young lady. They doesn't care about you, so stop caring about their lives." I c****d my head and looked at him. "Never in my life would I care about people who doesn't even think of me as a human. Stop blurting nonsense at me." A chuckle escaped from his mouth. "So you only care for your family." I blankly stared at him. "You should think more than twice in making decisions, dear. You can't just trust people easily." Umatras ako. "Definitely." He shook his head and smirked. "Nah! You got it wrong." I frowned. "What do you mean?" He leaned closer to me my ears and whispered. "Find it by yourself." Napasandal ako sa sofa at napapikit dahil sa pagod. "Holy gold, I need a rest." I mumbled. It's been a week since the training started, pero parang hindi parin nasasanay ang katawan ko sa pagod. Halos kada-araw may nakaka-kalaban akong mahigit sa labinlimang tao tuwing hapon para sa pag-eensayo gamit ang mga armas. Nakakapagod silang kalabanin dahil sa mabilis at eksperto nilang mga kilos. Potassium! Hindi na sanay ang katawan ko sa maiging labanan kaya agrabyado talaga ako. Mabuti na lang at praktisado ko ang paghawak ng kutsilyo kaya mabilis kong natatalo ang mga kalaban ko bago pa nila ako masugatan. "Laira!" "Bakit ba?" Walang gana kong usal habang nakapikit pa rin. "You, witch! I told you to wash first before coming home!" She yelped in frustration. "I'm sorry. Pero please, mamaya na, patulugin mo muna ako kahit saglit." Ani ko sa mahinang boses. I'm really tired, honestly. Physically and mentally.  "Do you have a problem?" I opened my eyes as I heard her asked, worriedly. She seated at the table in front of me and waited for my answer. Napangiwi siya nang suriin ang katawan kong puno ng dugo. "Magbihis ka na nga!" I slowly nodded. "Bilisan mo at maghahapunan na tayo. Palagi na lang akong walang kasabay kumain, kainis ka." Pagod akong ngumiti. "Oo na." Tinahak ko ang daan papasok sa kwarto ko at agad nilapag ang kutsilyo ko sa lagayan nito. It was already clean, kaya sarili ko na lang ang proproblemahin ko. "Laira, bilis!" Nang marinig ang sigaw ng babae ay agad kong tinapon ang sarili sa banyo para maligo. Nang matapos ay mabilis akong nagbihis at sinuri ang buong katawan sa salamin. I gulped as I saw my reflection. I touched all the evident wounds at my face down to my hands. "Ilang pasa at sugat ba ang kaya mong tiisin? Ilang beses ka bang dapat balaan at pagsabihan kung ano ang dapat gawin? Ilang beses ka bang magpapakatanga sa katotohanang pilit mong winawaksi, Blairelaidy!?" I shut my eyes as I heard Dwyn's voice at my head. Sa ilang araw naming pagtatagpo, hindi niya talaga ako tatantanan buong araw hangga't wala siyang masabi sa pagkatao ko. Nakakainis lang dahil alam ko namang walang kwenta ang mga lumalabas sa bibig niya pero hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa kakaibang nararamdaman ko kapag binabalaan niya ako. "Zinc." Napaigtad ako nang makarinig ng malakas na dagundong ng kidlat. I groaned. "Bakit ko ba iniisip yun? For sure, they are doing an another plan with his bald boss, kaya pilit niya akong binibilog sa mga salita niyang wala namang kwenta!" Lumabas ako ng kwarto at tinungo na lamang ang kusina. They want a throw a bomb? Then, I'll give them a fire. "Hey." I tapped Mievienne when she didn't moved her food. Malakas ang ulan sa labas at napapadalas ang pagkidlat kaya medyo nagugulat ako. Pero ang katabi ko, hindi man lang naapektuhan. "Do you really love the sound of the thunder and loud raindrops?" She sighed and then smiled at me. "Hmmm." "How contrary to my situation." I mumbled as I started eating. Nang mapansing hindi pa rin siya kumikibo ay napahinga ako ng malalim. I put down my utensil and looked at her. "Palagi kang wala sa sarili kapag umuulan ng malakas. You never told me the reason, tho." Maingat kong usal. She faced me and gave me a serious stare. I felt goosebumps when she smirked. I blinked and shook my head before turning a gaze at her again, pero napatayo ako sa inuupuan ko dahil sa mukha niyang duguan. "Hey, Laira! Laira! Hey, witch!" Napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na napahawak sa kumot ko. Helium. "Binabangungot ka na naman." Pumikit ako at pilit iwinaglit ang di kanais-nais na panaginip ko. "Tubig." Hinawakan ko ang basong inilahad niya nang hindi lumilingon sa dako niya. "Salama- tungstena!" Napasigaw ako dahil sa gulat. "Oa masyado. Palibhasa napaka-ignorante sa gantong bagay." Inis akong napahinga ng malalim. "Kumain ka na, hoy! Animal ka, naghintay ako kanina para sana sabay tayong kakain, di ka bumaba! Ayun pala, tulog ang bruha." Napakamot ako sa batok. "Tanggalin mo nga yang nasa mukha mo." "Hindi pwede! Buong gabi tong nasa mukha ko para mas maging effective. Pampakinis to, try mo!" I furrowed. "Nagmumukha kang alien diyan sa face mask na yan." "Aduh, whatever! Go downstair and just eat." Napalingon ako sa bintana nang mapansing hindi naman pala umuulan. Panaginip lang pala. "Do you like stars, Lai?" Napalingon ako sa kanya nang magtanong siya. She was blankly staring the night sky while resting her head at the window. Nilapitan ko siya at sinabayan sa pagtitig sa mga bituing di matigil sa pagningning. "I despise them." I answered and then looked at her. "Bakit naman? Ang ganda kaya nila!" I chuckled. "Hindi ko naman sinabing panget sila ah?" "Jeez. E bakit nga?" Nagkibit-balikat ako. "They never guided me at my darkest times. They didn't shine for me when I needed a light." She heaved deeply. "Maybe you didn't saw their light due to the thunders and rain." I mocked. "I don't know." "I used to play with someone with the stars back then. I love them and I can never hate them." I smiled and teasingly looked at her. "With Anwir?" Namilog ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Gosh, no! I mean, I am happy and contented with my life before when I was a kid. Noong wala pa kami nila mama dito sa Hydro. Noong buo pa ang pamilya ko. Noong kasama pa namin ang ate ko." "May ate ka?" Napatawa siya tsaka ako hinampas sa braso. "Urur! Alam mo namang wala diba? Patawa to." "Kaya nga ako nagtanong kasi nagtaka ako. Ikaw kaya ang patawa." "Edi patawa na tayong dalawa! Kagigil ka." We both laughed as she ended an arguement. Napailing ako at pinili na lamang na tahakin ang kusina para kumain. "Laira! Miev!" Napalingon kami pareho ni Miev nang pumasok sa bahay si Anwir. Linggo ngayon at wala kaming magawa kaya napagpasyahan naming mag-movie marathon. Pa-farewell party na rin kay Anwir dahil kailangan nilang lumabas ng Hydro for a medical mission. "Kailan balik niyo?" Tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko. Pasimple ko namang binalingan si Mievienne na nagkukunwaring busy sa paghahanap ng cd na panonoorin namin. Nagtatampo siya kasi hindi raw kami sinabihan ni Anwir ng mas maaga na aalis siya. Kanina niya lang kasi kami sinabihan, tapos alam na pala niya na aalis sila nung nakaraang linggo pa. "Sa susunod pang linggo." I nodded. "Galit pa ba yan?" Bulong niya sa akin na siyang tinawanan ko lang. "Miev." I called her, but she didn't listen. "Mievienne!" She rolled her eyes and looked at me. "Ano?" Irita niyang usal. "Kung sasabihin mo na patawarin ko yang isa diyan, hindi! Wag ako!" "Arte nito. Sinabihan na kaya kita nung una, kaso hindi ka nakinig!" "Kailan yun ha? Kailan!? Tang'na nito, wag mo ko maloko-" "Nung panahong busy ka sa lovelife mo." Napatawa ako sa pang-iinis ni Anwir. I smirked at Mievienne who's now pissed off. "Kailan pa ako nagkalovelife!?" "Tanong mo sa Dwyn-de mo." Miev gasped as Anwir mocked. "H-hindi naman kami!" "Hindi raw, pero nauutal." "Are you jealous!?" "Bakit naman ako magseselos, e hindi naman kita gusto. Tsaka, Mibyin! Hindi ka gusto nung Dwyn-de na yon kaya wag ka nang umasa." Miev sneered. "Kung wala akong pag-asa kay Dwyn, mas lalong wala kang pag-asa kay Laira!" "Halika nga dito ng matahi ko yang bibig mo." Naiiritang usal ng katabi ko. Napasapo na lamang ako sa noo. I get the cd at Miev's hand and played it on tv. I seated in front of the television, between the two when they didn't stopped from arguing. Mga isip-bata. Nang magsimula na ang palabas ay nagsitigil na ang dalawa sa pagbabangayan at pinili na lamang manood at kumain sa tabi ko. "Kailan nga pala uuwi sila Tita?" Anwir asked. "Hindi ko alam." Shockingly, I turned at Miev when we answered in chorus. "Bakit hindi mo alam?" "I mean, I don't know the exact date if when. They are busy with something kaya medyo matatagalan pa talaga." Mahinahon niyang pagpapaliwanag. "Anong inaasikaso nila?" Hindi ko maiwasang magtanong. Tinaasan ko siya ng kilay pero umiwas lang siya ng tingin tsaka nagkibit-balikat. Kaya binalewala ko na lamang at hindi na lang siya kinulit. Anong pinagkaka-abalahan nila at tinagal sila ng mahigit dalawang linggo na? "Mievienne, labas na! Paalis na sila Anwir!" Galit kong sigaw habang kumakatok sa pintuan niya. "What the helium. Mievienne!" Napaatras ako nang bumukas ang pinto. I surveyed my eyes at her hand. "What's with the bags!?" "Tara!" She quickly run downstair as she fixed herself. Nakailing ko naman siyang sinundan palabas ng bahay. "Kunwari, nagtatampo." I tsked. I crossed my arms as I looked at the two. They look cute, thou, hindi matigil sa pag-aasaran. "Tama na yan." I intruded. Inis na lumapit sa akin si Miev saka ini-angkla ang braso nito sa akin. "Umalis ka na." "Wow. Ang sweet mo talaga kahit kailan." I snorted. "Wala na akong sasabihin at ihahabilin, nasabi at nabigay na ata ni Miev lahat e." "Hoy, h-hindi!" I rolled my eyes at her. "Ewan ko sayo." She pouted and then walked towards our house. Padabog niyang sinirado ang pintuan kaya napatawa lang kami pareho ni Anwir sa kanya. "Pikon masyado ng kaibigan mo." I uttered. "Hindi ka pa nasanay?" Napatawa kami't napailing. Nang makarinig ng malakas na siren ay napatingin ako sa parte ng sentro kung saan makikita mo ang nag-iisang mataas na gusali. Doon nagmumula ang tunog at doon rin ang opisina ng mayor. Napaisip tuloy ako. Ano na kaya ang pinaplano ng kalbong yon? "Don't involve yourself too much in chaos, Lai." I gave him a smile and tapped his shoulder. "Don't worry, I can handle the game." "Seryoso ako." "Seryoso rin ako." He sighed. "Huwag kang magpapaniwala sa lalaking yun ah, yung Dwyn-de! Tsaka, sana kung pwede lang, huwag ka munang gumawa ng hakbang na ikagagalit ng mayor. He warned me last time about you, thinking about the incident at that night. So please, Lai. Keep your knife at the ground as long as they won't put a gun on your head. Keep yourself lowkey for the meantime." I heavily sighed as I nodded. "Good. And also, be safe with Mievinne, okay?" He gave me a brief hug before leaving and reaching their service car. Napatitig ako sa mga pigurang papalayo sa pwesto ko. Nang marinig na naman ang siren, senyales na aalis na sila ay nakaramdam ako ng kakaibang takot. Agad kong hinanap sa paningin si Anwir pero mas lalo lang akong kinabahan nang hindi ko siya makita. "Hoy bruha, saan ka pupunta!?" Mabilis kong tinakbo ang daan palabas ng siyudad pero huli na nang makarating ako. Hinihingal akong napahawak sa aking tuhod at mangiyak-ngiyak na tinatanaw ang daan palabas ng Hydro. "B-akit ako kinakabahan?" I wiped the batallion of sweats at my forehead as I run out of breath. "Potassium." Dahan-dahan akong huminga ng malalim upang kumalma. Pinakiramdaman ang sariling hininga habang nakapikit ang mata. I felt relief when I heard how calming the birds' voices are. I felt safe when I heard the breeze of the waves coming from the river. Unconsciously, I found myself soaking under the cold water of Hydro. Ayokong pasukin ng kung ano-ano ang isipan ko kaya napagdesisyonan kong maidlip habang nakalutang sa tubig. Ilang minuto pa ang lumipas bago naisturbo ang tahimik kong pagtulog. "Found you." I drowned myself under as his voice. Mabilis akong tumalikod sa gawi niya at mabilisang tinungo ang suot kong damit kanina. "It's fine, I'm not going to peek!" Inis kong tinali ang buhok ko at binalingan siya ng tingin. Good thing, he was just leaning at a tree that was contrary to my position. Sabagay, ilang beses na naman niya talaga akong natagpuang naliligo dito sa ilog pero kahit isang beses, hindi niya nagawang lumingon sa dako ko. Ewan ko kung bakit, takot ata sa babaeng naliligo sa ilog. "You're ruining my day." He stood up and then stared at me. "You're supposedly at the field by now." I ignored him and walked away. Napansin kong sumunod siya at tumabi sa akin habang naglalakad, kaya mas binilisan ko ang paghakbang. "You're going to fight with me today." I halted. "Bakit ikaw?" "Nasugatan mo na lahat ng kasamahan natin." Napangisi ako. "Nasugatan na rin kita." Tumingin ako sa kaliwang paa niyang tinamaan ng kutsilyo ko nung nakaraan. "At natamaan na rin kita." He smirked. Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Malayo-layo pa ang field na pinag-eensayohan namin kaya kailangang takbuhin kong gusto mong makarating agad. It was placed at the darkest site of this city and no one is allowed to enter that cage unless you were told to do so. It's a secret place from everyone who weren't involved in military cases. "We're gonna fight without any armors." Napabitaw ako sa hawak kong kutsilyo. I sighed and glared at him. "Anong kahibangan na naman to?" "Hindi to kahibangan. Alam mong lumaban ng may armas kaya kayanin mong lumaban nang walang dalang alas." He said while putting his things at the near bench of this field. Sa lumipas na mga araw, napapaisip talaga ako kung ano bang ginagawa ko dito. It doesn't look like I was leading a group! It looks like I was here to be trained. Ay ewan! "Come on, Blair-" Agad ko siyang sinipa sa dibdib nang magsalita siya. Narinig ko ang pagkabigla ng mga kasamahan namin pero hindi ko sila inintindi. "I told you to stop calling me with that name." I madly uttered. Karamihan sa mga nakakarinig sa kanya ay nagtataka na at alam kong gusto nilang magtanong patungkol dito pero hindi nila magawa kasi takot sila sa akin. At yun ang ayokong mangyari, ang makilala at ang maging takot sila sa akin. Ayokong makilala nila ang dating ako dahil ang pagtuklas sa pagkatao ko ay may kaakibat na kamatayan. Ayokong makilala ako ng ibang tao dahil alam kong panghuhusga at takot lamang ang kanilang ibabato. Ayokong hinuhukay ang pagkatao ko dahil pati mga pait na alaala na pilit kong binabaon ay bumabalik sa isip ko na siyang nagpapagulo sa buhay ko ngayon. "Stop running from the chaos!" I swiftly lifted my right leg at his face as shouted at me. Mabilis siyang nakabawi kaya nahila niya ang kamay ko palapit sa kanya. I cursed him when I felt the tightness of his grip. With raging eyes, he stared at me. With a clenched jaw he moved his face closer to me. "Bakit ba takot na takot kang malaman nila kung sino ka?" I seriously stared at him for a moment before I hardly punched his face. Sabay kaming napaaray at napaatras dahil sa sakit. "Bakit ka ba nangingialam!?" Mabilis kong sinipa pagilid ang tuhod niya kaya napaluhod siya sa lupa. Mabilis akong umikot sa pwesto ko at sinubukang sipain ang mukha niya pero nigawa niyang mahila ang paa ko kaya ako napaungol sa pagkakatumba. Potassium, ang likod ko! I tried to stood up even though my back hardly stings in pain. Masama kong tinitigan ang lalaking nasa harapan kong nakangisi na parang asong ulol. "Lumaban ka kasi, wag kang duwag!" Sigaw niya sabay tulak sa akin ng napakalakas. Natumba ako hindi lamang dahil sa pagkakatulak niya kundi dahil na rin sa sakit na hindi ko makayanang labanan. "Duwag kang bata ka! Wala kang silbi!" Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimula akong kapusin ng hangin. Napayuko ako habang paulit-ulit na umuubo. "Ano, hindi mo na kaya?" "Hindi mo kaya!? Ha, walang hiya ka! Bakit hindi mo kayanin ha!?" Napahiga ako sa lupa nang hindi ko na makayananang bumangon. Napapikit ako at pilit winawaksi ang mga memoryang unti-unting pumapatay sa pagkatao ko. "Aaaccckkkk!" I shouted as I tried to stood up again. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ng lalaking pinapasadahan ang sitwasyon ko. "Let's stop this already." He said in monotone while staring at me. Mapakla akong tumawa. "Bakit, naaawa ka sa akin?" He tried to reach me but I swayed his hand, aggresively. "Hell, you're bleeding." He stated. Napahawak ako sa ilong ko at naramdamang may dugong tumutulo rito kaya napatawa ako. Instead of feeling troubled, I harshly swiped it by my palm and blankly stared at him. Pero lumagpas sa likod niya ang tingin ko nang makita kung sino ang taong papalapit sa dako namin. "Hello, my dearest Blairelaidy! Nagiging mahina ka na ata ah?" I frowned when I saw Dwyn stayed at his position. He's supposedly at that bald's side already, what the helium he's doing!? "Napasobra naman ata ang away niyo, Ajaxdwyn. Sabagay, kulang pa nga yang ginawa mo sa kanya e." "Mayor." Mas nangunot ang noo ko nang pagtaasan niya ng boses ang lider nila. Anong nangyayari? Parte ba to ng panibagong plano? "Oh bakit? Are you afraid of killing her?" I scoffed. "What a helium sly." "Ajaxdwyn, you can't be afraid of putting her life on the line! She's a daughter of a Lucifer! For Pete's sake, she's capable of killing all of us-" Halo-halong emosyon ang narinig ko sa pagsinghap ng mga taong nakakita kung paano ko sinipa ang mukha ng lider nila. Mas lalo lang akong nainis nang makumpirma kong may plano nga sila dahil ni-isa sa mga guwardiya niya pati na rin si Dwyn ay hindi umapela at hindi ako pinigilan. The baldy man groaned to tease me. "I guess it really runs on the blood, ha?" Isa pang sipa ang pinakawalan ko nang manginig ako sa galit. "Laira, stop it." Inis kong binalingan si Dwyn nang magsalita siya. "Watch me how I play my game." Mabilis kong kinuha ang maliit na kutsilyong nakatago sa sapatos ko at inihagis ng malakas sa lalaking kaharap ko. "Back off or else I'll cut your life." Pagbabanta ko sa mga tauhan ng n***o. Gigil kong nilapitan ang kanilang lider na siyang naninigas sa kinatatayuan niya dahil sa kutsilyong tumama sa braso nito. "Laira, tama na!" Pero hindi ako nakinig sa kahit sino. Nanggagalaiti kong kinuha sa braso ng kalbo ang nakabaong kutsilyo at itinapat ito sa leeg niyang pawisan na. "You're k-killing the wrong people." Nahihirapan niyang bulong. "So you're saying you were belong to the wrong people?" I snorted. "Y-you should've trusted them at the first place." "The hell, shut up!" Kasabay ng malakas kong sigaw ay ang walang pasubali kong paghiwa sa leeg niya. Napaluhod siya dahil roon at mabilis na hinawakan ang leeg na hindi matigil sa pagdurugo. "Y-you, witch!" Mabilis na humarang sa akin si Dwyn nang mapansing susunggaban ko na naman sana ang lider nila. Pero hindi ako takot sa kanya o sa kahit kanino kaya malakas ko siyang tinulak at pinuntahan ang lider nila. Yumuko ako para mapantayan siya tsaka bumulong. "Stop testing me, dickhead. You know how venomous I can be to a people like you. Stop digging your own grave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD