7 - (N)itrogen

3196 Words
Kabanata VII "You did- what!?" I sighed with Miev's expression. I don't have any left strength para magpaliwanag sa kanya kung anong nangyari kanina. I let the guy with me do the pleasure to explain. Pero puro kalokohan lang yung pinagsasabi niya eh. Tarantado. "Mabuti naman at nasa opisina kayo ni Judas." Anwir laughed at mom's comment. Ewan ko ba ba't Judas ang tawag niya kay mayor. "So bakit mo nga sinunggaban si mayor?" Miev asked, persistently. Sumalampak ako sa upuang nasa sala tsaka tinapunan siya ng walang ganang ekspresyon. "Ano!?" She yelped. "Alam mo bang mapapahamak ka sa ginagawa mong yan ha? You're not thinking properly!" Tumingin ako kay mama nang dahan-dahan siyang umalis. Tumungo siyang kusina at mas pinili na lamang ang maghanda ng hapunan para sa amin kesa sa marinig ang nakakairitang boses ng nag-iisa niyang anak. "Siya ang wala sa katinuan Miev, hindi ako." "Seriously!?" She hissed. "May gusto nga kasi yung kalbo sa kanya. Eh sa ayaw niya rito, kaya niya sinakal." Pinandilatan ko si Anwir nang sumagot siya. "Parang yun lang?" Miev exclaimed. I snorted. "Ang dami mong tanong." "So ano ang parusa?" Napahinto ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko nang magtanong siya. "I know for sure that wasn't the only reason why you knocked him down. Now tell me Lai," she seriously looked into my eyes. "If you're not gonna tell me what really happened back there, well, please, at least tell me what's the punishment he condemned to you?" I looked at Anwir who was standing at her back trying to talk to me, telepathy. At kagaya ko, he doesn't want to startle her. So I decided to lie. "Hindi ko alam." Mahina kong sagot. Yumuko ako at pumikit ng mariin tsaka binalikan ang kaharap ko ng tingin. She arched her brow for disapproval. I sighed. "Hindi ko pa alam." I said with emphasis. At wala akong pakialam. "Kain na tayo?" Aya ni mama na siyang nagpatigil sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa ni Mievienne. "Anong ulam ma?" Birong tanong ni Anwir sabay angkla ng braso niya kay mama. "Ikaw talagang bata ka! Lumipat ka na lang kaya dito sa amin?" Lumakad ako pabalik sa baba at tinungo ang kusina upang kumain. Sumunod naman kagad si Miev at tumabi sa'kin. "Ba't mo naman patitirahan yan dito, ma?" Angal ni Miev. Anwir playfully displayed his usual smile at her. We were sitting in a rectangular table at nasa tapat ko nakaupo si Anwir. Si mama naman ay nakaupo sa sentro na nasa left side ko. "Bakit naman hindi?" Sabat ni Anwir. "Bawal mga mababaho dito." She hissed. "I smell more than good compared to you Miev. You have a nose, you can test it." Confidently, he said. "Bawal mga panget dito." "I am one of the creation of God, so I am handsome. Hindi ka naman bulag para di mo makita, right?" Naiinis na umirap ang katabi ko. "Bawal ang marupok dito." "Wow." I chuckled. Napadaing ako nang sikuhin ako ng katabi ko. I was about to glare at her but when I saw at her reddish face, I burst into laughter. "Sabi ko na nga ba may gusto ka sa akin, e." Gulat na tumingin si Miev kay Anwir nang magkomento ito. Samantalang kami ni mama ay hindi mapigilan ang matawa. "Ang kapal mo! Hindi ikaw yung crush ko no!" "Talaga?" Panghahamon ni Anwir. "Of course!" She said. I smirked when Mievienne dared to act, convincingly. "Kung hindi ako, e sino?" Palihim akong nanonood sa dalawa habang ine-enjoy ang pagkaing nakahain sa mesa. My friend at my side took a longer minute before she could utter an answer, which made me laugh harder. "Dwyn?" "Ha?" "Oo! Si Dwyn!" "Ano, duwende!?"  Panabayan naming usal ni Anwir. Ano ba namang pangalan yan? "Ajaxdwyn! Dwyn for short." She uttered with a wide smile. Napakunot noo naman ako. Ang labo niya! "Akala ko ba si-" Mabilis na tinakpan ng katabi ko ang aking bibig nang muntikan ko nang masabi ang hindi dapat banggitin na salita. "May dapat ba akong malaman ha?" Umayos sa pagkakaupo si Miev nang magtanong si Anwir samantalang pinaikotan ko naman siya ng mata. "Hoy!" "Ma!" Bahagyang tumawa si Anwir nang mapaigtad kami dahil sa sigaw ni mama. "Sino ba talaga sa inyo ang may gusto kay Anwir ha? At tsaka anong Ajakstone?" I chuckled.  "Ajaxdwyn ma." Miev corrected. "Oh yun nga! Crush mo?" "What!? No!" Napatawa ako dahil sa sagot ng katabi ko. Tangang atom. "So si Anwir ang gusto mo?" Mom smirked. "No! What? Ma!" Natatarantang usal ng kaibigan ko. Akala ko ako na ang wagi sa larong ito, lalo na nang makitang namumula na siya dahil sa kilig at hiya. Si Anwir naman kasi grabe kong makatitig sa kanya habang nakangisi. "Si Dwyn hindi ko gusto kasi mahal ko yung taong yun." Napangiwi ako. Mahal your atom! "Tsaka si Anwir?" She slowly shook her head and turned her gaze at me. I frowned. "Ayokong agawin siya kay Laira no. Patayin pa ako niyan." She bit her lip trying to suppressed her smile. "Animal ka." Kahit kailan talaga ang galing umarte nitong bruha nato! "Seryoso?" I rolled my eyes at mom and Anwir. They were in awe as they gasped because of Miev's statement. "Ewan ko sa inyo." Inis kong usal sabay alis patungo sa kwarto ko. Wala na talagang mabuting nangyayari sa buhay ko ngayon. Silicon! "Sorry naaaa. Ayoko lang naman na mabuking e." She pouted. "Tsaka, hindi naman totoo diba? You don't like him, right?" Instead of answering her dumbest question ever, I just busied myself eating with my greatest comfort; ice cream. "Pakilala ko sayo si Dwyn mamaya?" Umiling ako sa tanong niya.  Ma-engkanto pa kamo ako. "Fine. I'll be back." I creased my forehead as I felt the chillin' hot coming from the sun. Napatingala ako upang salubungin ang masustansyang sinag ng araw nang nakangiti. Sun sets with a smile. And so do I. "Ganda." Napalingon ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. "Did you just took a picture of me!? I can sue you for that, alam mo ba yun?" He c****d his head as he let his camera hanged on his neck. He smiled, exposing his brightest teeth to me. "Yeah." He shrugged. "Anong 'yeah'? Are you dumb?" Irita kong usal. "Ang sungit, parang kinukuhanan lang ng litrato eh." W-wow. Ako pa masungit ngayon? "I-" "-don't care." I intruded. He laughed. "I'm gonna be your partner. Nice meeting you."  I furrowed as he continued his sentence. Excuse me!? "The one and only!" Nang mapansin ang kabuoan niya ay napagtanto ko kagad ang ibig niyang sabihin. Based on his feature: matangkad, matipuno, malinis ang pangangatawan at sa ayos ng buhok, I knew for sure his part of the deadliest agency of this town. "See you at the party tomorrow." He winked and then flew away. Lakas ng saltik ah? "Sino yun?" I automatically turned my body at the girl at my side as I heard her voice. Nakuha ng atensyon ko ang mga paperbags na hawak niya. "Ang dami naman ata niyan?" She raised the bags she was holding and just smiled at me, brushing off my query. "We need to prepare, Laira dear. It's better na magsobra yung gamit natin kesa sa magkulang. I hate cramming, you know~" I help her carrying the baggages and just followed her trips without any complaints. "Bakit hindi niyo ko sinama?" Anwir reprimanded as we entered the house. Sinipat ko siya sandali bago binalikan ng tingin ang mga gamit na pinamili ni Miev. Kararating lang namin galing sentro. We were arranging Miev's stuffs. Make-ups. Wigs. Dresses. Gowns. Accessories. Everything! Ka-stress. "Ah ganun? Hindi niyo ko kakausapin?" I stared at Mievienne when she keeps on ignoring Anwir until now. Nananadya ba siya o hindi, ay hindi ko alam. Ang gulo ng utak ng babaeng yan! Ang hirap niyang intindihin simula pa kahapon. Gagawa pa kasi ng kung anu-anong kwento. Wala naman palang paninindigan. "Hoy Laira." I met his eyes. "Suntok, you want?" "Mapagmahal ka masyado." Ani niya. "Hoy Mievienne! Focus na focus ka diyan? Ikagaganda mo yan? Feeling mo ika-crush back ka na niyan?" Miev crossed her arms as she stopped checking her make-up kit. She tried to cross Anwir's intimidating aura as she glared at him. "Maganda na ako matagal na no. Tsaka, pwede ba? Can you at least move a bit? Matatapakan mo yung mga gamit ko, panira ka eh." Umalis ako sa sala at tinungo si mama sa labas ng bahay nang magsimula silang magrambulan. Kahit kailan talaga, ang gu-gulo! "Oh? Anong drama ni Mauiencia ngayon, aber?" I teased. "K-drama, nak. As in, potassium-drama." We laughed as she joked. Pasimple akong yumakap sa kanya nang maupo ako sa tabi niya. I leaned my head at her shoulder. Naramdaman ko naman ang magaan niyang pagtapik sa braso ko kasabay ang nakakahumali niyang pagkanta. I almost teared up as I felt the loveliest sensation I longed for almost a decade. Ang yakap ng isang ina. Ang yakap na siyang magpapakalma sa mainit at kumukulong dugo sa loob ng puso ko. The warmth touch that melts my hatred towards everything. The great touch of love I never felt from my biological parents. Ang pagkakataong pinagkait sa akin ng mundo mula pa sa aking pagkabata. I never imagined I could hate this feeling and love it at the same time. "Do you want to live here forever?" Napayuko ako. I took a profound sigh as I got confused of her question. Bakit nga ba may mga bagay na ang hirap sagutin? Madali lang naman yung tanong, pero bakit ang bigat sa pakiramdam kapag nanaisin mong ibuka ang iyong mga bibig upang magbigay ng sagot?  "Aalis ho ba kayo?" I asked. She caressed my hand and gently squeezed it. She smiled at me, which made me felt secure. Even just for the meantime. "Kung sakaling aalis nga kami, sasama ka ba?" "May problema ho ba kayo ma?" Ngumiti siya at umiling ng paulit-ulit. Pero alam ko ang ibig sabihin ng ganyang ngiti. Smiles aren't a smile, most of the times. Sometimes, smile is a just a facade. Smiles lure people. Smiles can kill people. "I... am very much happy to see you smiling, my dear." She spoke, stuttering. "Thank you ma." I touched her cheeks as she started to whip. "You made me smile, genuinely. You all saved me from my great fall." I hugged her when her tears started to flood her cheeks. Patuloy siya sa pag-iling nang walang pakundangan kaya't mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanya. How I wish this would last forever. How I wish we won't find ourselves in a different ways tomorrow and unto the next days. "Mahal ka namin Lai, tandaan mo yan." Ani niya na siyang nagpakawala sa matamis kong ngiti kasabay nang pagpatak ng luha sa mga mata ko. - "Umiiyak ka te?" "Pakialam mo te?" I mocked when he teased me. Tumawa siya at tumabi sa akin. Muntik pa akong mahulog sa tubig nang binangga niya ang braso ko. "Panira ka ng momentum, alam mo ba?" He just smiled as he wrinkled his nose. Ginaya niya ang ginagawa ko at nilunod ang sariling mga paa sa tubig nitong lawa. "Si Miev, di sumama?" Sumilip ako sa likod niya, nagbabakasaling nakasunod sa kanya. Pero wala akong nakitang bruhang lumilipad papunta sa dako namin kaya binalingan ko na lamang ng pansin ang lalaking katabi ko. Lumabas ako ng bahay nang mabagot kakahintay kung kailan mawawalang bisa ang curfew at lockdown sa bayan nato. Kahit gabi na ay hindi ako nagpapigil na pumunta rito para makapagpahinga. I left a note at home, kaya siguro nalaman nitong katabi ko kung nasaan ako. "I told her to go here, pero mukhang busy ata. Nakakulong lang sa kwarto niya." Napangiti ako nang sabihin niya ito sa walang ganang boses. "Didn't she mentioned she will date that guy?" He averted his gaze at me. Lihim akong tumawa. Yumuko ako habang pinaglalaruan ang mga paa ko sa ilalim ng tubig. Ang sarap maligo. "Gusto niya ba talaga yung duwende na yun?" Pangungusisa niya. "Nakita mo na yung engkanto?" Sabay kaming tumawa dahil sa naging tanong ko. Sorry Miev. "Hindi pa." Sagot niya. Napatango naman ako. "Baka bukas ipapakilala niya." Ani ko. "Eh ikaw?" "Hindi ko pa rin siya nakikita." Agaran kong sagot. "No, that's not what I meant." I creased. "May partner ka na for tomorrow's party?" Napaisip ako nang banggitin niya ang salitang partner. Naguluhan tuloy ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin ng 'I will be your partner'? Hindi naman siguro patungkol sa party diba? "Hoy?" "Ha- wala." "Huh?" I laughed. "I mean, wala akong partner para bukas?" "Bakit hindi ka sure?" "Ay ewan! Kung hindi lang compulsory, hindi naman talaga ako dadalo eh." "Ang dami mo talagang reklamo." Komento niya. Hinawi ko naman ang kamay niya nang malakas niyang pinitik ang tenga ko. Masama ko siyang tiningnan nang tawanan niya ako. Pero nawala kagad ang irita kong mukha nang makita ang nagkikislapang mga alitaptap sa likuran niya. "W-wow." Halos panabayan naming usal nang makitang parang nagsasayawan sa hangin ang mga alitaptap. They made a different formations in the air na siyang nagpangiti sa mga labi ko. Napatayo ako nang pumunta sila sa bahay kubo na nasa likurang bahagi namin. Naaliw din si Anwir sa nakita lalo na nang nagsilapitan ang mga ito sa kanya. "Why do you think they were called as fireflies?" Binuka ko ang aking kanang palad nang may lumapit na alitaptap sa dako ko. I touched it while smiling. "Because they are flies that has a fire on their butts?" I answered. Ngumiti siya sa akin, napatawa ng konti tsaka tumango. Inisa-isa niyang pindutin ang mga ito na para bang nagpapaputok siya ng mga bola ng sabon. "Alam mo bang hindi talaga fireflies ang tawag sa kanila?" "Naks, may pa-trivia si doc." Biro ko na siyang tinawanan niya. "The name firefly is a little misleading concept. They are really beetles not fireflies." He explained. Napatango naman ako sa sinabi niya. Namamangha sa alindog na dala ng mga insektong kumikinang sa paligid namin pati na rin sa totoong kwento ng lahi nila. Akalain mong may matutunan pala akong matino sa taong 'to? Kala ko puro katarantaduhan lang eh. "Fireflies are nocturnal members of Lampyridae which in Greek means 'to shine'. It is a family of winged beetles. Pero sa kadahilanan na mas magandang pakinggan ang fireflies kesa sa firebeetles, they decided to use, more often, the first one." "Ang galing maka-google ah." "Lolo ko si Einstein, don't me. Yan palagi niyang kinukwento sa akin noon bago ako matulog." Gatong niya sa biro ko. Buang. "Lahat ba ng fireflies umiilaw? Ay, firebeetles ba dapat?" Umiling siya sabay lapit sa akin. "Hindi ka nakikinig eh." "Sabi ko nga firebeetles." He mocked. Napahinto ako sa pagdadakip ng mga alitaptap nang yakapin  ng kamay niya ang espasyo sa bahaging itaas ng ulo ko. Napadungaw ako sa kamay niya nang may madakip siyang alitaptap na hindi umiilaw. "Woah? So hindi pala lahat umiilaw?" He nodded. "Those who doesn't produce light are usually most active during the day. And yes, few of those species doesn't have the ability to light up." Namamangha akong tumingin sa hawak niyang alitaptap. "Also, they differ in producing colors." "Seryoso?" He crossed his arms as he flew the beetle he was holding back then. "Yup. Each species has their own specific color they produce. Some glows with color blue or green. Others glow in orange or yellow light." Literal na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Wow. Hindi ko alam yan ha. I thought they only produces colors white and yellow." Napamaang ako dahil sa nalaman. "Akala mo lang yun." He laughed. Tsk. "Sadly to say, their numbers are declining." "What? Why?" He weakly curved his lips. "When their habitats were destroyed for roads or other construction purposes, they don't migrate to a new spot." "What do you mean?" "They simply disappear." My mouth was left opened as he ended his sentence. I felt nostalgic knowing their state. How painful to think, that we: people, are the reason why they loses their light. We, somehow, are the reason why they can't glow longer. "People come and go Lai. And so fireflies do. Parting is part of lives, don't be weary." I sighed. Napatahimik nang makadama ang puso ko ng kakaibang kalungkutan. Umiba ang pagtakbo ng pulso ko lalo na nang sakupin ng lalaking nasa harapan ko ang espasyong pumapagitna sa aming dalawa. My heart began to beat, erratically. It became wilder when he stared at my gray eyes. He dared to touch my inner soul as he sang and simply caressed my cheeks. When the tears come streaming down your face. When you lose something, you can't replace. When you love someone, but it goes to waste    Could it be worse? Pinaharap niya ako sa lawa tsaka siya pumwesto sa likuran ko. Napalitan ng galak ang kaninang lungkot na nadarama ko nang mas dumami pa ang mga munting alitaptap sa harapan namin. They dances, gleefully na para bang sinasabayan ang pagkanta ng kasama ko. Lights will guide you home And ignite your bones And I will try... "To fix you." I halted from wandering around when he whispered the last words at my ears. Napatingala ako nang patagilid at sinipat ang mukha niya ng hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko. And when he was about to enveloped the spaces between us, I interrupted. "Hindi kita gusto." Inayos ko ang pagkakatayo at nilingon siya. "Joke lang kasi yun ni Miev. Hindi yun totoo. Naniwala ka naman agad, alam mo naman ang trip ng babaeng yun." Pagpapaliwanag ko. Malilintikan ako nong bruha na yon kapag mahulog tong lalaking to sa akin. Na siyang, imposibleng mangyari. "Lai-" "Witch! Anwir!" Sabay kaming napalingon sa babaeng humahangos na tumatakbo papalapit sa amin. Agad siyang inalalayan ni Anwir nang muntikan na siyang madapa. "Shuta, kakapagod!" She wiped the sweat at her forehead using her palm. Naghintay kami ng ilang minuto para makahinga siya ng maluwag bago kami nagtanong.   "Wait-" She quickly grabbed our wrists and then glared at the both of us. Binawi ko naman agad ang kamay ko nang makita ang naiinis niyang kilay. "Kaya pala, kasi hindi niyo suot ang relo niyo. Ikaw!" Baling niya kay Anwir. "Naturingan ka pa namang executive officer tapos lumalabag ka sa mismong batas na pinipilit niyong ipaglandakan." "May problema ba?" Pagpuputol ko sa mala-drama niyang eksena. "Hindi ko alam kung problema ba 'to o hindi." Sagot niya na siyang nagpalito sa isipan ko. "The superior announces that the theme for tomorrow's party is masquerade." I frowned. "And?" "We will be using our codenames." Nagsimula akong dalawin ng kaba dahil sa ibinunyag niya. "I didn't know that thing." Anwir commented. "Heto pa." Taimtim kong tinapunan ng tingin si Mievienne nang magsalita pa siya. Anwir and I looked anxious, waiting for her news. I thought her words would be mind-blowing, pero hindi pala. Because it was more than breathtaking news. A mind-boggling one. "The gates are open for the outsiders. They will welcome our enemies, by embracing them to be one of us."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD