6 - (C)arbon

3288 Words
Kabanata VI My wild imagination was interrupted when Mievienne barged in my room. I turned my swivel chair to her side as I stopped typing at my laptop. She smiled widely, showing me her entire white teeth. "Sorry. Pero kasi-" I glared. "Sabi ko nga." Bumalik ako sa pagtitipa at nagpatuloy sa pagsusulat nang sinara niya ang pintuan ng kwarto ko upang umalis. She knew how I hate when someone disturb my freaking mind when I am too occupied interpreting my thoughts into words. Hindi basta-basta gumagana ang utak ko, kaya kapag maayos ang andar nito nahihirapan akong i-handle ito. Kaya as much as possible, kapag may naiisip akong plots or events na pwede kong idugtong sa kwentong sinusulat ko, ay agaran ko itong sinusulat. Malapit nang matapos ang lockdown dito sa Hydro kaya binibilisan ko ang pagsulat para makapag-update ako. Since the connection was blocked, matagal-tagal rin akong hindi nakapag-upload ng ibang chapters. Marami-rami na rin akong na-ipublish na book, fyi. Mievienne was my editor, actually. At si papa ang naging producer ko. Both of us shared common likes in terms of a theme in a story; mystery and thriller. Kaya nang malaman niyang nagsusulat ako, he suggested to publicize it. Isang story lang naman ang ayokong i-publish by book. The story I am currently working. The story of Blairelaidy. "Lairaaaaaaaa." Inis kong sinara ang laptop ko nang marinig ang naka-prolong na sigaw ng bruha. "Ano ba?" Irita kong usal sabay lapit sa kanya sa pintuan. "Tapos na ako." She handed me an envelope. I checked it and saw her works. I rolled my eyes. "Sa wakas!" Binalik ko sa kanya ang papel niya. Last week pa dapat namin ipapasa ang blueprint and interior structure lay-out ng bago naming client. Pero dahil sa kapabayaan niya, hindi kagad kami nakasumite. "Ikaw na magpasa. Puntahan mo na rin si Anwir sa kanila, magpasama ka." Akma kong isasara ang pinto nang pigilan niya ako. I gave her a dagger look. "Eeiihhh~" "Anong eeeiiihh. Timang." Bahagya akong natawa nang mag-tantrums siya. Way angay. "Ano kasi-" "Ano na namang kaartehan to Mievienne ha?" Intriga ko. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at umupo sa gilid ng kama ko. Inayos ko naman ang mga papel na nakalatag sa study table ko at naupo sa swivel chair, paharap sa kanya. Taka ko siyang tiningnan nang tuliro siyang ngumingiti. "What the helium happened to you?" "May sasabihin ako. Secret lang natin to ha." I arched my brow. "Ano kasi..." Hindi niya natuloy ang gusto niyang sabihin nang bigla siyang tumili. "Aray!" Himas niya sa mukha niyang tinamaan. Inis kong binato sa kanya ang neck pillow kong nasa vanity table ko. Pero imbis na magalit ay ginamit niya pa ito upang itago ang mga tili niyang nakaka-umay. "Potassium." She cleared her throat after she satisfied herself by yelling and shouting. She then looked at me, like a fool. "May tanong muna ako sayo." Gigil niyang saad. I leaned my back at my chair as I rested. I crossed my arms and gave her a querying look. "Kilala mo yung anak ni Aling Marites? Yung senior nila Anwir sa rescue team?" "Hindi. Bakit?" "Seryoso ka!?" Napatawa ako nang magulat ang intsik niyang mga mata. "Bakit ba?" I asked. Anak niya pala yun? "Fine. How about the only son of Manong Nestor? Yung public defender ng Hydro?" I frowned. "Tanongan ba ako ng mga anak ng kapitbahay natin ha?" "Oh my! Hindi mo rin kilala?" Nagtataka ko siyang tinapunan ng tingin. "Ano bang gusto mong sabihin ha? Why can't you point it out without mentioning any other names?" I snorted. Napanganga siya. "Saang lupalop ka ba nakatira?" "Oblige bang kilalanin lahat ng tao dito sa Hydro?" "Oo!" Sigaw niya. "You need to know the details of all the people that surrounds you. Or at least?" She doubted. "Pero hindi! Importante kaya yun no. Your neighbor will be your first friend you can call for a help in case of unexpected events. Sila yung pwede mong hing-" "You know that that's not what I meant." I interrupted her long speech. "I knew some of the aliens here witch." I continued. "Kinikilala at kilala ko ang mga taong posibleng makakatulong o makakasama sa buhay ko. Kaya nga pili lang rin ang mga taong pinakikitungohan ko. I don't want to build a fire and be rub to those people who will never be good to me." I explained. "Pero yung sayo?" Umiling ako. "Mga gwapong anak ng mga kakilala ko ang hinahanap mo eh." Bumungisngis siya. See? Pergat nga Mibyin. "So kilala mo nga sila?" "I just knew them by face. Hindi ko naman alam na anak pala sila ni Pontio Pilato o ni Barabas." She wrinkled her nose as she chuckled. "Sabi ko nga." Pinagmasdan ko siya ng maayos nang hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mukha. Nahawa tuloy ako. Lalo na nang maisip ko na unti-unting bumabalik ang dati naming kulitan sa isat-isa. She won't avoid my gazes anymore. And instead of frowning face, she will look at me with admiration and joyfulness. Kung pinipilit nga lang ba niyang huwag isipin ang nangyari o tanggap na niya talaga kung ano ako at kung bakit ko nagawang umeksena nong araw na yon, ay hindi ko alam. What matters now is nakakayanan niya nang kausapin ako nang walang pag-aalinlangan. "So ano nga?" I asked. "Tomboy ka ba?" She confusingly said. She holds her chin and leaned closer to me as she stood up. "Tarantado ka?" She laughed. "Joke lang. Alam ko namang bakla ka talaga eh." And then she wildly laughed like a craziest witch of this city. Ay bwisit na pusit. "Heto na! Seryoso na." Inayos niya ang kanyang sarili sa pagkakaupo. She also fixed the curly strands of her hair. Napakagat siya sa kuko niya nang makaramdam ng kaba. "Potassium, ano ba? Mauubos lang yang kuko mo sa kaka-ingkit!" She took a verrryy long breathe before speaking. "There's... this someone w-who captures my attention." Napataas ang kilay ko.  Bahagya siyang tumango at ngumiti. "He's hot and cool at the same time." "And?" "Palagi niya akong ini-inis. And maybe that's one of the reason why I admire him. Ay ewan!" "Yun na yun?" Kainis, pabitin masyado. "I want him to be my date for the upcoming party this weekend." She pouted. "Pero hindi ko alam kung paano siya yayayain." I tsk-ed. "Ang laki ng problema mo ha." "Hoy!" Alma niya. "Oh, bakit?" Hamon ko sa kanya. "Tsaka ano? You don't know how to asked for a date!? Gaga ka!" "Aray!" Hinampas ko siya ng malakas sa braso. Nakita ko namang namula agad ito. "Ikaw talaga ang lalapit sa kanya ha? Hindi ka man lang magpapakipot o di kaya, maghintay man lang? Baka naman ikaw rin ang gusto niyang maka-date diba?" Lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa aking tinuran. "Oo nga no!? Oh my Laira! Kyaaaah- ang galing mo!" "Ano ba! Potassium ka." Tinulak ko siya ng marahan nang yugyugin niya ako. Naaalog mga braincells ko, magma-malfunction sila kapag nahilo. Nagpagulong-gulong siya sa kama ko at nagsimulang mag-isip ng kung anu-ano. At dahil inisturbo niya ako dahil lang dyan sa lintik na gusto-gusto na yan, sinira ko rin ang mala-drama niyang pag-iimagine. "Ipasa mo na yang papers natin. Baka kamo magka-moment kayo ni Anwir.  Malay mo madulas siya at mayaya ka niya bigla sa party." Napabangon siya bigla at gulat na gulat na tumingin sa akin. "Shuta." Napatawa ako nang magmura siya. "Don't you dare deny it witch. Wag ako." "Aaaack! Bakit alam mo!?" At hindi na nga natapos ang pagtitili niya at ang paulit-ulit na pagta-tumbling sa kama ko. Kaya wala na rin lang akong choice kundi ang pabayaan siyang maghalupasay sa kwarto ko. Ako na kamo ang mag-aasikaso ng mga papeles. Nakakaawa naman kung siya pa ang pumunta at baka masabon lang ni Anwir kung bakit ang pula-pula na nang mukha niya. "Jusko. Ang landi." - I knocked three times at Anwir's front door. Limang bahay lang naman ang pagitan namin sa kanya kaya mabilis akong nakarating. Pero imbis yung may ari ng bahay ang madatnan ko, yung mga alaga niyang pusa ang sumunggab sa akin. "Zinc!" Lumukso palayo sa hawak ko ang isang white furry persian cat nang tinawag ito ng kanyang amo. Napatayo naman ako habang akap ang isa niya pang pusang kulay orange. The cat looked like Garfield actually. Sabi ko naman sa kanya garfield na lang kamo ang ipangalan. "Hey." I greeted. Naka-ipit sa kili-kili ko ang envelope na may lamang mga papeles na kailangan naming i-submit. Umupo ako sa isahang sofa niya na may kalakihan. Iron didn't leave my lap, so do I busied myself massaging her. "Himala at lumabas ka ng bahay niyo." Umirap ako sa komento niya. "Aalis ka na?" I surveyed my eyes at him. Halatang kaka-ligo niya pa lang kasi basa pa ang mataas niyang buhok. He folded his dark blue long sleeve hanggang sa siko niya. He was wearing his slacks na pinaresan niya ng leather shoes niyang kulay black din. "After kumain. Wanna eat with me?" Umiling ako. "I'm full. I'll just wait here. Bilisan mo." "You sure?" I c****d my head as I closely stared at his face, ignoring his question. "Ang taba mo na." He looked offended as I uttered. Agad naman siyang napatingin sa katawan niya. "Excuse me? Ang macho ko kaya!" "I'm talking to your eyebags." I added. "Oh?" He consciously looked at his reflection at the near mirror placed beside his paino set. "Pagod lang." "Kumain ka na nga." Tumango naman siya at tumalima papunta sa kusina niya. Anwir was a pre-med student, as I said last time. He loves to heal and serve people kaya he joined the Hydro's rescue team. Three years na siyang kasali dun. He became busier than ever. Pero dahil nag-iisa lang naman siya dito sa bahay nila, it was more favorable to him. I didn't asked his family's background. But I heard from Mievienne na mag-isa lang talaga siya rito sa Hydro. Either his family was already dead nor he just wanted to escape from reality was the reason he's here- I'm not sure. It's either in the choices. Ayoko rin namang makialam pa kaya hindi na ako nagtanong. "Oo nga pala." I stopped caressing Iron's fur when he came out from the kitchen. May dalang baso, umiinom. "Mayor wanted to see you." I creased. "Why?" He shrugged. "I told you, he wants you." Yak! He laughed when he saw how I reacted. "As part of the agency, syempre. Not the idea you were thinking." He smirked. I stood up when Iron run towards him. Kinuha ko na rin ang envelope na nilagay ko sa itaas ng lumang piano niya at lumapit sa pintuan nang mapansing handa na siya. "Ang tigas ng bagul ng ulo niya ha." Anwir was appointed as part of the important pieces of a chess. Dahil sa kagalingan niya sa halos lahat ng larangan, the superior wanted him to be his assistant. Not just an assistant you were imagining. Also, the superior was the one who sent him here. Siya raw ang nakapulot dito. "Why not Lai? Nandoon naman ako, may makakasama ka pa rin." Napatigil ako sa paglalakad. "I'm not into politics, you know that." "That's given, of course. Pero hindi mo ba naisip Lai? Your wishes maybe granted if you will be part of the execom." Napangiwi ako. Look how manipulative power is. "Tsaka magaling ka! It is a rare opportunity Laira. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon, so why waste it?" Hindi ko na lamang siya pinansin at mabilis na lumakad papunta sa munisipyo ng bayan nato. Pakialam ko sa opportunity na yan? - "Done." I thanked the guy who submitted our works. Nandito ako sa computer room ng main office. Whenever the internet was blocked, dito lahat nagaganap ang mga transactions na kailangan ipadala outside the wall of this city. Pasikreto ko na rin lang naisingit ang pagdo-download ng bagong kabanata sa ginagawa kong story. "Thanks." I smiled at him. Pero snobber ang kuya, binalingan niya lamang ako ng tingin at bumalik agad sa ginagawa niya. Kaya ayokong mag-effort eh. Hindi rin naman pala masusuklian. Naghiwalay kami sandali ng landas ni Anwir. Ako ay nagpasa ng project namin ni Miev, samantalang siya ay pumunta sa opisina ni mayor. Balak ko sanang wag na siyang puntahan kaso may lumapit sa aking guwardiya na nagsasabing hinahanap daw ako ng lider nila. Tsk. "My dearest Laira." Akma niya akong yayakapin pero umilag ako at lumapit sa lalaking katabi niya. "Payakap lang naman daw." Saad ni Anwir. "Tungstenamo." "Ouch." Napadaing siya at agad napahawak sa tiyan niyang sinapak ko. "Ano bang kailangan mo?" Irritated, I asked at the bald guy who's staring at me, creepily. He looked at my side and signalled him to go out. "Bakit kailangan niya pang umalis?" Anwir stopped from walking away. Pinandilatan niya ako ng mata. "What? I'm just asking. Masama bang magtanong?" Nagsubukan pa kami ng tingin ni Anwir. He's afraid of his boss kaya ganyan siya umakto sa akin kapag sinasagot ko lang basta-basta ang amo niya. "Fine! Take a seat." Lihim akong napangiti nang marinig ang inis na boses ni kalbo. Ayoko ngang mag-isa rito sa silid nato kasama siya. Hindi ko dala ang armas ko, kaya hindi ko siya basta-basta masusugod if he might cause danger to me. Although I can defend him physically, mas komportable pa rin ako kapag nasa kamay ko ang Jagdkommando ko. "I want you to lead the military team." Napamaang ako. "Wala kang tiwala sa nasasakupan mo?" I smirked. Siniko ako ni Anwir nang barahin ko ang amo niya. "Umayos ka nga." "Tumahimik ka nga." Ganti kong usal. The current superior cleared his throat. Napaayos naman ng upo ang katabi ko nang makita ang seryosong mukha ng mayor. I was also afraid to face the said mayor of this city back then. Sabi nila, mahirap pakitunguhan ang mayor. You can't move freely when he's around. Bantay-sarado. He's known for being the scariest man on this place. Pero hindi ako masisindak ng isang kalbo. I can show him death, if he wants. "Let's make a deal." "Ayoko." Anwir sighed at my side. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ng kalbo. Parang aso. "Are you testing me Ms. Guerra?" I mockingly smiled. "You're not wishing a yes for an answer, aren't you?" Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Sa sobrang asar ay pinilit niya akong bigyan ng isang mapaklang tawa. Tumatawa ang isang minion ni Gru. Lol. "Tell me Ms. Guerra. Ikakatuwa mo kaya kapag ipatapon kita sa labas?" I seriously looked at him when I easily got what he meant. Now he looked really scary. Pansin ko sa katabi kong di mapirmi ang mga daliri. "And why would you threw me out?" Sumandal ako sa inuupuan ko at ginawaran siya ng matamis na ngiti. "Bakit hindi?" Sagot niya na halata namang kinakabahan. "Oh c'mon dude!" Anwir scoffed at me when I called our mayor dude. Bawal ba? "You can't just abandon me like a stranger cat. At alam kong alam mo kung bakit." I glanced at Anwir's confused face before looking at our superior.  "I can do whatever I want." He said firmly. "Okay."  I shrugged. "Mag-iimpake na ba ako?" "Laira." Awat ng katabi ko. Asar kong tinapunan ng tingin ang nasa harapan ko. I crossed my arms and smirked. Pero napalitan ng seryosong emosyon ang mukha ko nang mapansing may pinindot siya sa ilalim ng mesa niya. "Announce code red: 6241." Usal niya na para bang may kausap sa kabilang linya. Kinabahan naman ako nang marinig ang numerong binanggit niya. "Warn the guards to scatter and roam all around the city's boundaries in five minutes. Don't let them leave their spots not unless I order." He mandated and then smirked at me. Napalingon ako sa likod nang may mga armadong lalaki ang lumapit sa pwesto namin. Potassium. Bakit ba hindi ko dinala ang kutsilyo ko!? "Now you decide Ms. Guerra. It's a yes yes? Or a no no?" He playfully smiled. Kinagat niya pa ang ibaba niyang labi na siyang nagpataas ng balahibo ko. Helium, ampanget! "Your time is ticking!" He yelped. "Tungstenamo." Narinig ko naman ang pagkasa ng baril ng isa sa mga guwardiya kasunod ng malutong na mura ni Anwir. "Let me lead the said group instead, Sir." Mabilis akong napalingon sa tabi ko. "I aced my martial classes way back. You can trust my skills." "Tarantado ka ba?" Sapak ko sa braso niya. "Masasakal kita sa pinanggagawa mo eh." Napamaang ako sa sagot niya. "I want the girl at your side Mr. Ignacio, not you." Inis akong tumingin sa kalbo. Sumisingit pa eh! "But I can do better than her." Anwir firedback. "Really?" Napaayos ako ng upo nang tumayo ang kalbo. Pumunta siya sa harapan ng mesa niya para mas lumapit sa direksyon namin. He leaned at his table and crossed his arms. "Yes sir." Sagot ng tabi ko. "You have the guts to kill too?" What the helium? Hindi nakasagot ang katabi ko. Napayuko siya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. Tarantadong kalbo to ah! "I thought you want me to lead your group? Why would you said you want me to cut someone's life?" Tumayo si Anwir na siyang nagpakaba sa dibdib ko. Bahagya ko siyang hinila pero hindi siya nagpatinag. "That's part of the process, of course." The mayor reasoned out. Lintik na minion, sumasagot! "So, are you included on the list?" Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso ng katabi ko dahil sa narinig. Mabilis na tinutok ng mga guwardiya ang armas nila sa direksyon namin. "You will kill me, is that so?" He amazingly commented. "Wow! Magkaibigan nga talaga kayo." His little hands clapped. Sinenyasan niya ang mga nasasakupan niya na ibaba ang mga baril nito. I sighed after they followed his order. Natuon naman ang atensyon ko sa isang makalat na lamesa sa isang sulok ng silid na tinatayuan namin. "Laira." Hinawi ko ang kamay ni Anwir nang hilahin niya ako pabalik. At kahit sumasabay ang dagundong ng puso ko sa isa-isang paglapit ng mga guwardiya sa akin ay nilapitan ko pa rin ang mesang kapansin-pansin sa sulok. Potassium. "Don't be surprised honey. I told you, I know you." Nanginginig man ay kinuha ko ang mga nakakalat na iba't-ibang larawan at mga papeles ng dati kong pamilya sa maliit na mesa niya. "Blai-" At bago pa siya makapagsalita ay sinipa ko ng malakas ang mukha niya na siyang nagpatumba sa kanya. "Laira!" I ignored Anwir's worried voice and the guns that was pointed at me. Hinila ko ang kwelyo ng lalaking nakalupasay sa sahig at gigil siyang sinakal. I shrugged the small cut at his side lips. It was bleeding, but who cares? Ginusto niya yan. "Let go of him." Pero imbis na sumunod sa utos ng isa sa mga guwardiya ay nanggagalaiti kong sinakal pa lalo ang lider nila. I heard him moan because of pain. Pero hindi ako naawa. Hindi ako maaawa. "Laira, ano ba!?" Pigil sakin ni Anwir. Pilit na hinahawakan paalis ng lalaking sinasakal ko ang mga kamay kong nagpipigil sa kanyang huminga ng maayos. But, it's a big no no. At bago ko pa siya malagutan ng buhay ay marahas ko siyang tinulak palayo. He didn't leave his eyes on me, and so do I. Mabilis naman siyang inalalayan ng mga tauhan niya at agaran din akong nilapitan ni Anwir. "H-how d-dare you!" Naghihingalo niyang sigaw. I smirked when I saw how violet his face was. He was continously coughing, trying to recover for an air. "Don't give me reason to shoot your shining and shimmering head of yours, minion. You'll never like it to be slayed by a demon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD