Kabanata V
"You're.both.wet." Miev scrutinized.
Inis akong bumaling sa lalaking tumatawa sa gilid ko. Pabaling-baling naman ang tingin sa amin ni Miev.
"Ano!? You won't say something?"
Anwir shushed her mouth as he push Mievienne inside of our house. I rolled my eyes as I went to my room. Iniwan ko sa sala ang dalawang nagbubulungan na nag-aaway.
"Hoy Laira!" Padabog na pumasok sa kwarto si Miev at sumigaw.
"What the s**t are you two doing? Sabihin mo nga sa'kin! You l-"
She automatically shut her mouth as the sharp edge of my knife touched her nose. Nakita ko namang napatigil si Anwir sa paglapit sa amin na siyang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.
I boringly looked at Mievienne who was already sweating.
"Why don't you give us time to change first?"
Agaran naman siyang tumango at napangiti ng pilit. "S-sabi ko nga."
I put my knife at my drawer and averted my gaze at the guy who's now sitting at my swivel chair. Mabilis siyang tumayo at ngumisi ng nakakaloko.
Potassium.
"Ano?" He smirked.
"Forget it, will you?" I hissed.
"Ang alin ba?" He teasingly played.
Miev at my side exchanged glances at us, curiously.
"Sasabihin ko ba kay Miev?" He grinned.
I groaned. "Tungstenamo!"
Akma ko siyang sasakalin nang mapadako ang tingin ko sa leeg niya kaya't saglit akong napahinto. Mabilis namang hinawi ni Miev ang kamay ko nang makitang dumudugo ang leeg niya.
"Oh my! Anong nangyari dito?" She dramatically yelped. She then turned her gaze at me as she glared.
"You did this!?"
"Tsk."
Inutusan niya pa akong kumuha ng first-aid kit pagkatapos akong pagbintangan. Pero dahil mabait ako ay iniwan ko ang dalawa at pumasok sa loob ng banyo para makapagbihis. Mabilis kong hinubad ang damit ko pagkatapos maisarado ang pintuan. At inis ko ring inihagis sa basurahan ang padding na ginamit ko kanina.
"Kahit kailan talaga Blaire, ang swerte mo." Gigil kong sambit sa sarili.
Napahinga ako ng malalim nang matagpuang wala ng tao sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos makapagbihis ay tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower na ibinigay ni Miev sa akin nung nakaraang taon.
"Magagamit din pala kita ano?" I smiled as I talked to my blower. "I thought you'll just a display in my room."
Nang matapos ako sa pagku-kuwento sa blower ko ay nagsuklay naman ako. Habang tumitingin sa sariling repleksyon sa salamin ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
Napasabunot ako sa buhok ko at napasigaw dahil sa inis nang pumasok sa isipan ko ang eksenang huling nangyari kanina sa amin ni Anwir.
"Why would he spit non-sense words?"
Nilagay ko sa maliit kong mesa ang ginamit kong suklay at humakbang papalapit sa kama ko. Pahiga kong pinatong doon ang katawan ko. I closed my eyes as I cleared my mind.
Nakakapagod ang araw na 'to at deserve ko ang isang mahabang pahinga.
-
"Good morning Señorita!"
I frowned at Miev. Nasa panghuling ang-ang na ako ng hagdan nang mapahinto ako dahil sa bungad niya. Naka-upo siya sa sofa na nasa sala habang kumakain ng street foods.
"Street foods?"
Lumapit ako sa kanya at sinipat ang pagkaing nasa harapan niya.
"Sinasapian ka ba?" I asked. But she laughed as a reply.
"May sapi nga."
Una, hindi kami magkabati para batiin niya ako. Pangalawa, hindi siya mahilig sa street foods na palagi naming pinagsasaluhan ni Anwir kapag dumadayo kami sa sentro nitong Hydro. So what's with her?
"Bowol bong komoon-"
"Staap!" Napalunok siya sa sigaw ko.
"You look like a pig." I stated as she unremittingly eat her foods.
Uminom siya ng tubig bago nagsalita. "Magandang baboy." Pagpatol niya sa sinabi ko.
Napailing ako. "Ewan ko sayo."
Pumunta ako sa kusina at doon ko nakita si mama. I greeted her 'good morning' as I sat at my usual spot.
"Napasarap ata ang tulog mo?"
Kumuha ako ng pagkaing kakahain lamang ni mama at sinulyapan siya. Umupo naman siya sa upuang bakante na nasa harapan ko pagkatapos makakuha ng tubig inumin.
"Pagod lang po ma." Sabi ko sabay subo ng kanin.
"So..."
I looked at her as she paused for a while. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakitang si Mievienne ang tinitingnan niya.
"Hindi ko rin alam ma." Putol ko sa gusto niyang sabihin.
"Alam mo bang ang aga niyang bumangon kanina." Intriga ni mama. Napatawa naman ako.
"Maybe she's done with her papers." I shrugged. "And she's just giving herself a reward?"
Pero bakit yung pagkaing hindi niya naman gustong kainin?
"Ay ambot ma uy. Tanungin niyo na lang."
Tumango si mama at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Puro kami kwentuhan at tawa habang kumakain. Minsan nga napapansin kong tumitingin sa dako namin si Miev pero pinipili niyang wag lumapit at makisali sa usapan.
Akala ko ba okay na kami?
Nagpunas ako ng kamay ko nang matapos ako sa paghuhugas ng mga pinggan. Samantalang si mama ay nasa tabi ko, nakikipagkwentuhan.
"Ma!"
"Ay anak ng! Mievienne!"
Napatawa kami ni Miev nang mapatalon si mama dahil sa gulat.
"Sorriii." Tawa nito.
Akma akong aalis palayo nang hatakin ako ni Miev paharap sa mama niya. Gulat akong tumingin sa kanya. Pero isang kindat lamang ang natanggap ko sa kanya.
"Ano bang trip mo ha?" Bulong ko. Pero hindi niya ako sinagot.
"May gagawin nga po pala kami ni Laira sa sentro mamaya ma."
I frowned. "Tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo pa alam hija?" Kunot-noo akong tumingin kay mama.
"No?"
"Akala ko alam mo. Kaya nga hinahayaan ko kayo sa ginagawa niyo eh."
Huh?
"Ah basta, sige. Mag-iingat kayo run ha. Umuwi nang mas maaga sa curfew hour."
"Sure ma." Miev answered and joyfully dragged me.
Tinulak niya ako papasok sa kwarto niya at tinungo ang closet niya.
"Ano bang nangyayari?" Untag ko. "Hoy Mievienne!" Hatak ko sa kanya.
"Ano ba. Oo na! Alam ko na. Apology accepted."
My brow furrowed. Bumalik naman siya sa paghuhukay ng mga gamit niya at in-ignora ako. Nilagay niya ang mga napili niyang damit sa kulay pink niyang kama at hinarap ako.
"I didn't said I'm sorry."
She held her chin. "Alam ko." Tumingin siya sa mga damit na nasa gilid ko at kinuha ang isang black cocktail dress at tinapat sa katawan ko.
"Miev!" Hawi ko rito.
"Shuta ka! Nasabi na sa akin ni Anwir, okay? Kaya no need to explain anymore."
At ano naman ang sinabi ng ugok na yun!?
"I'm sorry din." She put down the dress she was holding and hugged me.
Hinawi ko ang brasong nakayakap sa akin at hinarap siya.
"Wala naman akong sinabi kay Anwir ah? Wag kang maniwala ron!"
She rolled her eyes as she chuckled. "May sinabi ba akong may sinabi siya?"
"Ang gulo mo."
Tumawa siya. I just crossed my arms and decided to sit at her mini-sofa beside of her closet.
"Walang taong walang sekreto."
I stared at her as she mumbled those words. Umupo naman siya sa kama niya na siyang kaharap ng sofa'ng inuupuan ko.
"Those were the lines he said to me." She intently looked at me. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Indeed, it's true. Kahit nga ako may sekretong tinatago rin sa lahat. And we wouldn't be here at Hydro if we weren't hiding something on public, right?"
I heaved.
"Kaya naiintindihan na kita ngayon." Napatingin ako sa kanya nang marinig ang basag niyang boses. I looked at her wearingly as she started to tear up.
"I'm sorry." I uttered.
Umiling siya. "Don't be. Just promise me one thing Lai."
I gulped. "Ano?"
"Don't do it again."
I almost run off an air as I heard her sentence. Gustuhin ko mang um-oo pero hindi ko kaya. I don't want to lie again. Not anymore.
"Laira."
"I'm sorry."
She sighed. "Then at least run away from the chaos. Kung hinahabol ka ng panganib then run at us. We will help you."
"No Miev." Nanlambot siya sa naging sagot ko.
No one can help myself. No one would kill someone just to save me. No one.
"So anong gusto mong gawin? Ang magpakamatay, ganun ba?" Tumayo siya dahil sa inis.
"I'm not that dumb to kill myself, Miev."
I dismissively said as I stood up to met her eyes, at the same level of our height.
"That's why you chose to kill someone else!?"
My mouth was left half-open as she yelled.
"Mievienne."
Napa-upo ako sa sofa at napabuga ng mga malalim na hininga. Narinig ko naman ang mga yabag na siyang lumapit sa dako namin.
"Miev..." Ulit ni Anwir sabay hawak sa braso nito.
"I'm sorry."
Pero hinawi ni Miev ang kamay na nakadapo sa braso niya. Kasabay ng paglandas ng tingin niya sa akin ay ang pagbabadya ng mga malalamig na tubig sa mga mata niya.
"I think I need more- " She bit her lips trying to stop her tears. "Just give me an ample time to accept what you did."
Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko para lapitan siya pero umatras siya nang mapansin ito, kaya't nawalan ako ng lakas para kausapin siya.
She let out a heavy sigh. "I need more time to convince myself that you are who and what really you are." In arid, she uttered.
Nanghihina akong napatayo sa sulok habang sinusunod ng tingin ang daan na tinahak niya palabas ng kwarto niya.
-
Pagsapit ng ala una ng hapon ay pinuntahan ako ni Anwir sa bahay. Hindi ko alam kung nagkausap ba sila ni Miev nang sundan niya ito kanina o hindi. I don't want to ask either. Wala rin naman akong masasabi na karugtong.
"Anong meron ba?"
Naglalakad kami patungo sa sentro. Sabi niya nasa sentro na raw si Miev at hinihintay kami.
"May bibilhin tayo. Hindi mo alam?"
Pareho kaming nakasuot ng puting damit sa pan-itaas. I also wore my jagger pants na pinaresan ko ng white sneaker shoes ko. While he used his black shorts and his brown sandal.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" I snorted.
Tanga nito ah.
Tumawa siya at iniayos ang suot niyang pangsangga ng init ng araw: his favourite black cap imprinted AMI at the back part. Initials of his name.
"Galit ka na niyan?" Pang-aasar niya. "Don't be pissed Lai. Mastre-stress pad mo."
Mabilis ko siyang sinuntok sa tiyan. "Bwisit ka talaga eh no?"
Pero tumawa lang siya na para bang kakalabas niya lang sa mental hospital.
"Mapanakit ka talaga masyado! Hoy Laira, baka nakakalimutan mong sugatan pa ako oh."
Ipinakita niya sa akin ang naka-bandage niyang sugat sa leeg. Napatahimik naman ako.
Pakialam ko diyan? Kasalanan mo rin naman.
Habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Miev ay hindi ko maiwasang mamangha sa structura ng Hydro.
Who would've think na mayroon palang sikretong paraisong nakatago dito sa pulo ng Mindanao?
"Hoy Anwir! Saan kayo? Ang gara ng pormahan natin ngayon ah!"
Napalingon ako sa isang matandang lalaki na tumawag sa pangalan ni Anwir. Napahinto naman ako sa paglalakad nang pinuntahan niya muna ito upang kausapin.
Sa aming tatlo talaga, ako lang yung walang masyadong kaibigan dito. Kahit na magkatabi-tabi lang naman yung bahay namin, hindi ako palakibo kahit kanino.
Maybe I don't want to be friend to all. Nasanay akong nakakulong lang sa bahay, kaya hindi ako sanay na makihalubilo sa lahat.
And I don't have plans to look for another friends or someone whom I can talk to. I have already enough family members and friends.
Less friends, less priorities and responsibilities.
Few is enough, I guess.
Aanhin mo naman kasi ang 'sang-katerbang kaibigan kung halos naman lahat ay hindi mapagkakatiwalaan?
"Oh Laira? Mabuti't lumalabas-labas ka ng bahay niyo."
Napilitan akong ngumiti kay Manong Nestor nang makita ako.
"O-opo." Sabi ko.
Potassium. Wala akong ibang masabi!
"Opo. Pfft." Sinamaan ko ng tingin si Anwir nang magkomento siya.
"Alam mo, mabuti yan. Walang maidudulot na kabutihan ang pagkukulong lang sa isang tabi. Dapat kailangan mo ring harapin si Haring Araw para batiin nang nakangiti. Always look at the brighter side, ika nga."
My lips automatically formed into smile as I heard his words of wisdom. Ang alam kasi ng lahat dito sa amin, ay isa akong introvert na tao. Na medyo- halata naman.
And most of the cases of an introvert people like me, suffers from stress or anxiety. Kaya niya siguro nasabi ang huling katagang lumabas sa bibig niya, dahil akala niyang stress ako over something.
Which is, somehow true.
"Naks naman maka-advice ni Manong Nestor! Appear nga tayo." Pinagdaop nila ang kanilang mga kamay at nag-appear nga.
Tarantado talaga tong lalaking to. Ginagawang uto-uto si manong.
"Oh siya sige manong! Naghihintay pa si Miev sa sentro eh, baka nagliliyab na kamo yun dun." Biro niya sabay lakad palapit sa akin.
"Mag-iingat kayo!"
Wala naman kaming sinayang na oras at nilakad ng mabilis ang sentro. I can imagine the pissed face of Mievienne burning like a bonfire. Mainipin pa naman yun. Hindi marunong maghintay.
"You should've told me to meet me her at night, instead. Hindi ko naman alam na gagabihin kayo sa paglalakad papapunta rito." Nakabusangot niyang untag.
I just shrugged that rants of her and followed her as she entered a small botique near an icecream parlor.
May isang malaking pavilion sa gitna ng Hydro na pinagtatayuan ng isang statwa ng dating Mayor nitong Hydro. The late Sgt. Warren Velendezua founded this city. He died after he established: the reason of his death was proclaimed unknown. The whole story of him was untold.
Everything in this city lies in secrets.
"May damit pa naman kayo ah? Yung nasa kama mo kanina, maganda naman yun ah."
Nasa likod lang ako ng dalawa habang busy sa pamimili ng damit si Miev. Si Anwir naman panay ang pangungulit dito.
"Hindi bagay sa theme ng party." She boringly said.
Nagpatuloy siya sa pagtingin ng iba't-ibang damit na naka-hanger. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin.
"Try it."
Mabilis kong sinalo ang colored gray long-sleeve cocktail dress na binato niya sa akin. Tumalikod siya at naghanap pa ng ibang damit kaya hindi na ako naka-alma.
Ano pa nga bang magagawa ko?
"Hindi nga Lai? Kumain siya kanina?" Natatawa na tanong ni Anwir sa akin.
Kakatapos lang naming mamili ng damit kaya kumakain kami ng ice-cream sa katabing stall ng botique.
Tumango naman ako bilang sagot. "Paulit-ulit?"
Sumubo ulit ako ng ice-cream. Pinili kong sandukin ang parte ng cream na may maraming marshmallows at sprinkle.
"Naniwala ka sa sinabi ko?"
Binalewala ko na lamang si Anwir na siyang tinatawanan pa rin ang katabi niyang hindi naman natutuwa sa pinaggagawa nito.
"May usapan tayo Magnus!" Inis na sigaw ni Miev.
"Sabi ko nga." Anwir nodded and smiled evily.
"Shuta ka."
Napatawa ako nang murahin ni Miev si Anwir. Wala naman akong ibang magawa eh. Ako ata reactor nilang dalawa dito. Hindi naman ako kinakausap ni Miev. Hindi nga niya magawang tumingin ulit sa mga mata ko. Ilang siya masyado.
"Ahlabyuto."
I covered my mouth to hide my smile when he teased Miev.
"Yak! I didn't said I love you!" Napatayo ito dahil sa inis.
"Oh? Kakasabi mo nga lang eh."
Napailing ako. Pareho silang mga buang na nag-aasaran. Si Miev naman halatang kinikilig.
Ang lokaret, napaka-marupok.
"Ugh! Demonyo ka!" Gigil na sigaw nito sa katabi habang hinahampas-hampas ang braso.
"Ano ba mahal! Tama na."
Hindi ko naman mapigilang hindi tumawa dahil sa nakikita. They looked lovely and cute!
"Hindi kita mahal!"
"Ah talaga? Sure?" Anwir crossed his arms and wiggled his brows to pissed Miev.
"Shuta!" She gritted her teeth which made us burst into laughter.
"Wag kang tumawa diyan Laira! Tulungan mo kaya ako rito!"
I halted.
Did she just talked to me?
"Ay animal!"
Inis at parang nahihiya niya kaming tinalikuran nang mapagtantong kinausap niya ako.
Nakangiti namang sumulyap sa akin si Anwir.
"Hindi ka talaga niya matiis."
And that thought touched my soul and made my heart to melt. Kaya naman napa-isip ako.
I should be fair with them, right?
-
"Staring contest ba to?" She said then rolled her eyes at me.
Kasalukuyan kasi kaming kumakain. Ilang linggo na rin ang lumipas na para bang isa lang akong hangin na sumisiwang sa bahay nato. Oo, pinapansin ako minsan ni Miev. But it wasn't the treatment we used to share. Kung sa kanya, okay lang na makipag-plastikan, pwes sa akin hindi.
Kaya, I decided to tell her- to them the reasons why I am being like this. I wanna tell them my whole story, para naman maintindihan nila ako ng lubusan. Especially to Miev.
Pero kinakabahan ako. I don't know where to start.
"Ilang oras pa ba ang hihintayin namin ha?" She leaned at the table and stared at me, irritably.
"Ano ba yun nak?" Mama asked.
"Ano kasi ma-"
"If it is about you..." Miev pointed me as she cut my sentence. "Then just forget it."
I sighed. "Miev I'm really-"
"I said just forget it." She quickly added.
Napatingala ako nang maramdamang malapit na mabasa ang mga mata ko.
"Ano bang nagyayari ha?" Mama demanded.
"Look Laira. Hey, you b***h! Look at me!" Sinunod ko naman ang nais niya.
"Mievienne!" Sita ni mama. Pero binalewala niya lamang ito.
She deeply sighed. Nagbabadya na rin na tumulo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.
"I'm sorry about what happened last week." Her tears started to spurt.
"You don't need to explain it anymore. Sabi ko naman sayo diba, I just need enough time to think- to breathe. So please, don't."
Umiling siya habang pinipilit na hawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.
"Keep hidden. Burn all your melancholic memories and live with us, gleefully. Forget it Laira."
Hindi ko na napigilan ang sarili na mapaluha. She hugged me and we stayed embracing and touching each other's heart for almost an hour.
"Shuta. Andrama!" Utal niya sabay punas ng mga luha niya.
"Ano bang nangyayari sa inyo ha?" Gulat kaming napatingin kay mama nang pati siya ay umiiyak na rin.
We laughed. "Para kang timang ma. Bakit ka umiiyak ha?" Puna ni Miev.
"Eh sa umiiyak kayo! Nakikisali lang ako." Mama pouted.
"Naks! Anong meron?"
I rolled my eyes while smiling as Anwir entered. Lumabas naman si mama sa bahay nang marinig na may tumatawag sa pangalan niya sa labas.
"At bakit ka naman nandito aber?" Pang-iinis ni Miev.
Pero parang siya pa ata ang nainis lalo na nang sumagot si Anwir.
"Binibisita ko si Laira, bakit ba?"
Ngumiwi ako. Pinagtritripan niya na naman kako ako.
Gago talaga kahit kailan.
"Edi wow." Binangga ni Miev si Anwir sabay labas ng kusina.
Anwir just laughed. Yeah, puro tawa lang naman ata ang alam nito sa buhay eh.
"Okay na kayo?" He genuinely smiled. "That's good to hear."
"Thank you." Halos bulong kong sagot.
He frowned but the curve on his face was still evident.
"Para san?"
I tsk-ed. "Wala."
Akma akong lalabas ng kusina nang hinatak niya ako palapit sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mata nang ikinulong niya ang katawan ko sa lamesa.
"Potassium ka! Ano bang ginagawa mo?"
Pero imbis na lumayo ay mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. He leaned towards me as he extends his arms beside me, touching the table making me disable to move.
"Bwisit ka ba?"
"Thank you para san?" He ignored my sentiment.
"Sabi ko wa-"
"Thank you para?"
"Ano ba!"
He even leaned closer to me! I can now hear my erratic heartbeats and the air coming from his nose which made me more chill and anxious.
Nang mapansing hindi siya aalis sa harapan ko ay sinabi ko na lang ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya kanina.
"T-thank you for waking me up."
He slowly gave us space to inhale properly as he stood up straightly. Napalunok ako nang seryoso niya akong tiningnan.
"You pulled me out at my darkest nightmare." I intently stared back at him.
"And I am delightful it happened."
Then he smiled which made my heartbeat to stop for a while.
"Ang drama mo."
Ay bwisit!