8 - (O)xygen

3475 Words
Kabanata VIII They will welcome our enemies, by embracing them to be one of us. "Ano bang trip ni kalbo ngayon ha?" Irritated, I sighed. "Ay takteng atom!" Napabangon ako sa pagkakahiga. Ilang ulit kong inisip kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Mievienne sa amin. Last night was a big blow for us. Knowing that this place will be open for strangers, creeps me out. Madaming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Sasabog na ako sa mga ideyang pino-proseso ng utak ko. This place was kept secret for over three decades. Lahat ng tao dito ay may pinagtataguang tao. Lahat ng nakatira rito ay gustong mamuhay ng tahimik. So what's the reason for publicizing this city for all of a sudden? How about the city's secrecy? The people's reputation? Our image? We will not hide anymore, is that so? I wanted to confront the superior to clarify things. Kaya naman maaga akong gumising kanina para puntahan siya sa kanyang opisina. Unfortunately, the whole building of the municipality's office was closed. Sabi nila, they are preparing for tonight's party. Sa city's atrium kasi gaganapin ang event mamaya. Nagtanong naman ako kay Anwir pagkatapos ko dun kaso pati siya ay walang alam sa nangyayari. Sabi pa niya, apat na tao lang daw ang may alam nang set-up para mamaya. But he only knew two of them; the city mayor and his most trusted man in military team. And now that he mentioned, military, I thought of the guy I met yesterday. Posibleng siya yun. But how about the other alliances? Who are they? What are their motives? Am I listed as one of the victims? Pero bago pa maubos ang braincells ko pumaslit na lang ako palabas ng kwarto ko at tinungo sa baba si Mievienne. Pero iba ang nadatnan ko. "You're packing up?" Inayos ni mama ang dala niyang maleta tsaka lumingon sa dako ko. She was dressed up with her white furry sweatshirt. Napatingin naman ako kay Miev nang pilit niyang inaalis ang suot na jacket ni mama. "Anak ng!" Sita ni mama sabay ayos ng damit niya na pilit hinuhubad ng anak niya. "Eh bakit ba kasi ngayon na? Bukas na lang maaa!" "Hay nako, ang tigas talaga ng noo mo. Sabi ng kailangang ngayon na." "Ang alin ho ba?" I interferred. Padabog na umupo si Miev sa sofang nasa tabi niya samantalang binalingan naman ako ng tingin ni mama. "Buti naman at gising ka na. Aalis tayo after 10 minutes." "Po?" "Bakit pati si Laira kasama?" Nagtataka akong tumingin sa mag-inang nasa harapan ko. Ang aga-aga ang gugulo. "Laira, get dress! Tumatakbo ang oras." Napakamot ako sa leeg ko. "Saan po ba tayo pupunta? Bakit pabigla-bigla?" Medyo may bahid na inis kong usal. Ano ba kasing nangyayari? "She's not going with you ma." I frowned when Mievienne uttered. She said it in a serious way while staring at her mother.   "Saan ba kasi ang lakad?" Napabuga ng hangin si mama. "Pupuntahan natin ang papa mo. A vacation for the three of us." "Us? How about Miev?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa nang wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita. Bakit kailangan naming umalis ni mama nang hindi kasama si Miev? "She's gonna be fine here." Miev mocked as her mother answered. "She's under the superior's monitor ma. You can't extract her here." I scowled at Miev. Pati siya ay napahinto dahil sa nasabi niya kay mama. Nako naman talaga ang bibig ng isang to! "Ano!?" Gulat na sigaw ni mama. "Bakit? Paano nangyari? Kailan pa?" I gulped. I took a step towards her and caressed her hand. I chuckled. Nervously. "Wala yun ma. Palabiro naman talaga si Miev, diba? Joke lang yun." "Anon." I bit my lower lip. I glared at Miev's trying to look apologetic to me. Tungstenamo! "So hindi ka makakatakas?" She whispered unconsciously. "Makakatakas san?" My brow arched. "Nandiyan na ang sundo mo ma!" Sigaw ni Miev sabay hila sa mga gamit ni mama. Nataranta naman si mama kaya't dali-dali siyang lumabas ng bahay papunta sa kotseng magdadala sa kanya palabas ng bayan. But before she could fly away from this city she left me with a sweetest words. "I'll be back." I smiled as she said. She kissed my forehead and whispered the magic words that takes away my fear and anxiousness. "I love you nak. Always." I hugged her as she bid her goodbye. "Be safe ma." Ani ni Miev sa gilid ko. Nag-usap pa sila sandali bago tuluyang sumakay si mama sa itim na kotseng gagamitin nila paalis. Mula sa pag-andar papalayo ng sasakyan hanggang sa mawala ito ng parang bola ay hindi ko inalis ang paningin dito. This would be the first time na mahihiwalay ako kay Tita Mauie- kay mama. Hindi ko maiwasang makadama ng kaba. Lalo na nang masaksihan kong hindi lang pala si mama ang umalis at aalis palabas nitong pader na nagkukulong sa amin. "What the helium is going on?" - "Wag kang makulit Lai." "Sagutin mo muna kasi yung mga tanong ko. Ano ba!" Hawi ko sa kamay niyang nais kulayan ang mukha ko. We're supposedly preparing for the party tonight. Inaayusan niya ako sa paraang paglalagay ng kolorete sa mukha ko. Parang tanga. Masquerade nga diba, ba't kailangan pa ng make-up? "Alam mo, ang dami mong reklamo eh!" Padabog niyang binaba ang make-up kit na hawak-hawak niya. She rolled her eyes at me as she crossed her arms, sitting at the edge of my bed. "Natural na aalis yung mga tao, kasi nga ilang araw tayong nakulong diba? They wanted to visit their other families outside of this walls. Shuta, Laira. Common sense naman oh." Kumunot lalo ang noo ko sa sagot niya. "And the superior let them go outside? Para saan pa ang party na magaganap mamaya?" Napahinto siya sa pagpapantasya sa mga pangkulay sa mukha na nakalapag sa higaan ko. I seriously looked at her with quering eyes. "Bakit ba ako ang tinatanong mo? Pareho lang tayong naguguluhan sa nangyayari Laira." I took a deep breathe. "Why don't we just enjoy the show for tonight?" "Ano?" I furrowed. "Wala namang makakaalam sa identity natin eh. We will be using our codenames and we will be hiding our faces with masks. Ano bang ikinababahala mo?" Napasandal ako sa inuupuan ko. I closed my eyes and tried to distinguish an answer for her question. Bakit nga ba? Bakit ba iba ang nararamdaman ko sa nangyayari ngayon? "C'mon witch! Don't ruin the mood." I opened my eyes and stared at her brown eyes. "Bakit ba gustong-gusto mong dumalo mamaya?" She gave me a brightest smile before answering my question. She even wrinkled her nose trying to show how excited she is for the party. "I'm gonna be dancing with my man tonight." Napayakap siya sa kanyang sarili pagkatapos niyang tumili ng napakalakas. "Gosh! I kennet." Pinaypayan niya ang kanyang sarili nang hindi niya mapigilang huminahon dahil sa kilig. Napasapo ako sa noo. Anong bang dapat kong gawin sa babeng 'to? "Kaya dali na, Lai! Mag-aayos pa ako." I sighed many times to feel at ease. I should at least enjoy this night. "Pero yung light lang ha." Ngumisi siya ng napakatamis bago tumango. "Let me do my magic, witch." Tahimik lang akong nakikinig sa mga make-up tips na sinasabi niya. As if naman advantageous yan sa akin. Eh hindi naman ako mahilig sa mga ganyan. "Mas nagiging ka-aya aya ka tingnan when you're wearing make-up. Pero syempre dapat yung kulay na gagamitin mo sa mukha mo ay yung preferable na kulay para sayo." "Tutorial ba to?" She laughed. "Sort of. Pasalamat ka't may libreng tutorial ka sa akin." I hissed. "Edi salamat." She chuckled then harshly pat my shoulder. "Ano ka ba, okay lang no." Ayy gaga. "At alam mo ba Lai?" "Hindi." Agaran kong sagot. "Ay yati ka." Mura niya kaya't napatawa ako. "Malamang hindi kaya ipapaalam ko!" "Sana'y hindi ka na lang nagtanong, diba?"  "At talagang, sumasagot pa eh no?" I stopped from baffling. "Sorry." "Tsk." She rolled her eyes. "Ano?" "Wala na, nawalan na ako ng gana." Tumayo siya at pinaikot paharap sa salamin ang upuan ko. Napangiti ako nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. "Thanks." "No probs." She did a flying kiss and winked at me. Napatayo naman ako kagad dahil sa pandidiri. "Ang arte nito. Ganda ka ha?" I chuckled. "Mag-ayos ka na." I slightly pushed her outside of my room. "Wow ha. Salamat ha." Tinulungan ko siya sa pagligpit ng mga gamit niya habang tumatawa. Right after we finished packing up, she went out of my room with a sweetest smirk and her evil laugh. Nabuang na sa gugma si Inday. - Napahinto ako sa pagbibihis nang makarinig ng katok sa labas. Sinipat ko muna ang aking sarili sa salamin at inayos ang naka-bun kong buhok bago lumabas ng tuluyan sa kwarto ko. I decided to wore a colored magenta evening gown for tonight. It's a long-sleeve turtled-neck dress na may maliit na butas sa bandang dibdib. Pero hindi naman gaanong nakikita ang dibdib ko 'di katulad ng suot ni Mievienne. Kaya lang, medyo hapit sa akin ang damit nato kaya mas emphasize yung body structure ko, na nagpapaiilang sa akin. "Omyy! It suits you well!" Napasimangot ako. "Pinakialaman mo ba to ha? Bakit ang ikli naman ata ng slit?" Reklamo ko habang pilit na pinagdudugtong ang dalawang telang ginupit lang ata nitong bruha kong kaibigan. "Wag mong galawin!" Hawi niya sa kamay ko. "Ganyan lang talaga yan. Masyado kang ignorante." She hissed. Napalingon ako sa likuran niya nang may tumawang lalaki. Hindi ko naman mapigilang paikutin ang mga mata ko. Mambwe-bwesit na naman 'to panigurado. "Sexy natin ah." He roamed his eyes at my figure and even wiggled his brow at me. Narinig ko naman ang may inis na bulong ni Mievienne. Kaya't hindi ko na lamang pinatulan si Anwir. "Picture tayo, dali." Aya ni Miev. "Wag na. Ako lang naman ang may magandang mukha sa ating tatlo eh." Pagmamayabang ni Anwir. Miev looked boringly at him. "Sinabi ko bang kasali ka?" Iniwanan ko sila sa labas ng kwarto ko at tinahak ang hagdan patungong sala. I draw nearer at the center table and examine the three different colored masks that was placed above the table. "Ang sama mo sa akin this past few days. Ano, may mahal ka ng iba ha?" Miev frustratedly puffed. "Shuta ka! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo. Hindi kita mahal no!" "Kunwari ka pa! Alam ko namang ginagamit mo lang yung Ajackstone na yun para pagselosin ako eh!" My friend was caught off guard of Anwir's accusation. Ilang ulit siyang napabuga ng hangin bago nakaisip ng salitang ipambabato sa kaibigan naming hindi marunong sumuko sa pang-aasar. "Ang kapal talaga ng betlog mo! Sino ba may sabi sayong may gusto ako sayo ha, ha!? Diba wala? Assuming nito." Napatawa ako nang makitang napahinto si Anwir. "Feelingero." Dagdag niya pa. "Tara na nga! Panira ng mood, shuta." She went towards my place and grab her silver mask paired with her golden gown that was designed by tons of silver pearls. She even wore silver necklace and earings na mas nagdadala ng kagaraan sa awra niya. "Magnus!" Kasabay ng sigaw ni Miev ay ang pagpikit naming pareho dahil sa nakakasilaw na ilaw na nagmula sa cellphone ni Anwir. Lumayo siya sa amin nang maramdamang masasapak namin siya dahil sa katarantaduhang ginawa niya.   "Putcha, ang panget!" He laughed when he examined the photo that was taken earlier. "Dapat talaga kasama ako eh." At wala na nga kaming nagawa ni Miev nang hilahin niya kami pareho. We took different shots with different emotions. "Bwisit. Hindi ka naman marunong eh!" Pigil tawa ang ginawa ko nang magsimula na naman silang magbangayan. Mievienne took Anwir's phone and positioned herself between us. Sabay-sabay kaming ngumiti sa camera nang simulan niyang pindutin ito ng walang pasubali. Potassium. "Tama na!" Reklamo ko nang makailang shots na kami. Pero tinawanan lang ako ng dalawa at hindi ako pinansin. Napalingon ako sa labas ng bahay nang makarinig ako ng busina ng sasakyan. "Hoy tara na!" Ani ko. But they were busy exploring Anwir's gallery. Kaya't imbis na mainis ay pasikreto ko na lang silang kinunan ng litrato. Nagkataon pa na magkapareho sila ng kulay ng damit na suot kaya nagmumukha silang couple. "Picture rin tayo mamaya ha." Miev smiled as she clanged her arms at my body. "Tapos maa-outcast na naman ako?" Anwir pouted. We both laughed with his statement. Binalewala na lang namin ang mala-drama niyang pagmamaktol at nilisan ang bahay tsaka pumasok sa sasakyang naghihintay sa labas ng bahay namin. I made a final look at our house before I wore my red mask, making my eyes and nose hidden. Anwir winked at me before he wore his black-silver mask which made my eyes to roll, back and forth. While Mievienne took a picture of us, wearing our beautiful and magnificent vizard before we landed at the venue. Hindi ko maiwasang mamangha sa disenyo ng siyudad. It feels like we peeled the innermost layer of people's dreamland. "Shuta, ang bongga." Gigil na ani ni Miev. Maraming kumikinang na bagay ang nagpapadagdag ng ganda sa mismong lugar. Idagdag mo pa ang mga nakakaiba at magarbong suot ng mga panauhin. "Hey." A guy wearing a white tux with a red mask greeted us. Napakunot-noo ako. Sabi kasi nila, we are divided into groups based on our codenames and designated families. I am Lanthanum from Lanthanides. And lanthanides family were assigned to wear a red mask for tonight. Hindi ko lang alam sa grupo nina Miev. The codes and families story was also hidden. I didn't know how important this group is. Sa mga emergency cases lang daw kasi 'to nagagamit. And thankfully, ever since, a war wasn't made kaya hindi nila napagtutuunan ng pansin ang isyung ito. And the fact that we were using a color coding of the mask for tonight, dahil para kahit papano ay kilala pa rin namin kung sino ang mga pwedeng lapitan na tao sa gabing ito. The golden masks are for the guest only. It shows danger kaya hindi kami maaaring lumapit sa kanila, kahit anong mangyari. "Hey, Laira? Okay ka lang?" Napabalik ako sa huwisyo dahil sa tanong ni Anwir. Marahan akong tumango at tumingin sa mga mata niya. Pero napaatras din kalaunan nang makita ang kulay ng mga mata niya. "Hey, it's me." I intently looked at his eyes. Naging kulay asul kasi ang mga ito imbis na kulay tsokolate. I guess he also wore contact lenses to truly hide his identity. Nagsuot rin kasi ako ng kulay berde na lenses. Miev and I actually wore the same color. Sadyang nabigla lang ako sa mga mata niya dahil hindi ko naman ito napansin kanina. "Yung kaibigan mo nakikipagharutan na sa kabilang dako." Komento niya kaya't napalinga ako sa paligid. Nang makitang may kausap na iba si Miev at ang lalaking kakulay ko ng maskara ang kausap niya ay napahinga ako ng malalim. As long as she's dating same people like us, that's fine. "Lai?" "Hmm?" "Can we talk?" Napahinto ako sa pagsandok ng pagkain na nakahain sa bahaging likuran nitong venue dahil sa tanong niya. "After you finish your food." He added. I nodded. The program was started minutes ago. And since, I wasn't interested in such thing - even though this is my first time attending a so-called party, I didn't pay more attention. Wala rin naman akong maintindihan. Nakikipag-plastikan lang naman si mayor sa mga bisita niya eh, dinamay pa kami. "Wala talaga akong tiwala sa lalaking yun eh." Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ng katabi ko. My eyes got fixated at the guy who were standing right next to my friend at the 2nd floor of this building. Masaya naman silang nagkwe-kwentuhan, kaya anong problema dun? "Selos ka lang." Ang tangi kong nasabi tsaka nagpatuloy sa pagsubo ng pangmayamang pagkain. Most food that was served are Italian cuisine, ang sabi ng waitress kanina. Ang iba pamilyar, ang karamihan hindi. Basta ang alam ko mga pagkain to. "Sa tingin mo?" "Huh?" Kunot-noo ko siyang nilingon pagkatapos kong makainom ng tubig. Kinuha naman ng waiter ang ginamit kong mga kubyertos nang makitang tapos na ako. "Hindi ka ba kinakabahan sa gabing 'to? Aren't you questioning the superior's gimik?" Naramdaman ko ang pananayo ng mga balahibo ko dahil sa tanong niya. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. "Pakiramdam ko kasi kasabwat yung Ajackstone na yun." "Paano mo naman nasabi?" "Hindi siya didikit kay Miev kung wala siyang ibang motibo." Mabilis niyang sagot. Ngumiwi ako. "Selos ka lang talaga." "Can you please stop saying I'm jealous over that guy?" Bahagya akong tumawa nang mapansin ang umaarko niyang kilay kasabay nang pag-igting ng panga niya. "Bakit, hindi ba?" "Putcha." "Hoy, anong sabi mo!?" Hinawi ko siya nang talikuran niya ako. "Wala!" "Meron yan. Nagagalit ka eh." Pangungulit ko. He crossed his arms and stared at me. "Nang-iinis ka ba?" Namilog ang mga mata ko. Kunwari nagulat sa tanong niya. "Naiinis ka?" "Aish-" "Sucks!" I gasped when someone shrieked. Napalingon ako sa gilid ko nang mapagtantong may nakabangga ako. At minamalas ka nga naman, sa isang taga-labas pa kako ako nabangga. "Sorry." I uttered.  "No, it's fine, kasalanan ko rin naman." She gave me a little smile before she gaze at the guy at my side. Palihim namang umakbay sa akin si Anwir nang mapansing may kakaibang tingin ang ipinupukol sa amin ng babae. "Oh, sorry." She chuckled. "May hinahanap kasi ako. Baka kamo kilala niyo si Dwyn?" Kilala sa labas ang Ajackstone na yun? "He said he's famous here, so maybe you can help me to locate him." Nagkatinginan naman kami ni Anwir. "So, he's really famous here? Ang gara." She exclaimed. "We have a friend na kilala siya. Nagkataon lang naman." Pasimple akong ngumiti nang sumagot si Anwir. "I see. So, where is he?" Akma kong ibubuka ang aking bibig nang may sumilay na ilaw galing sa itaas na tumatama sa mga mata ko kaya't hindi ko naituloy ang nais kong sabihin. Takteng atom, ano ba to!? My eyebrow started to question the intimidating stares from different people when the spotlight stopped at my place. I began to feel restless when I can't find Anwir at my side. Pati ang babaeng nakabangga ko kanina, wala na rin. Pati ang kinaroroonan ni Mievienne sa ikalawang bahagi ng building na ito, ay wala na rin. All I can see is the disparent looks coming from all guests. Neither from people of Hydro nor from people outside of this city, they looked at me despicably. "Everyone," Napalingon ako sa lalaking nasa malaking entablado na siyang nagpukaw ng atensyon sa mga bisita. He wickedly smiled at me as he opened his arms trying to welcome me as part of his chess pieces. "Let me introduce to you, our new deadliest weapon that will guard our lives until death!" He blustery announced. Gustuhin ko mang tumakbo palayo o di kaya'y manatili lamang sa pwesto ko, ay hindi ko magawa. His soldiers guided me to be at stage with their superior kaya wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Mas lalo lamang akong nainis nang makita kung sino ang lalaking katabi ng kalbo. Baka kamo gusto niya rin makalbo? Kaya ko siyang kalbuhin kung gusto niya. "Let's give her a tremendous applause as I present to you, Lanthanum of Lanthanides!" I tried to calm my heartbeat as he exclaimed. Pero lalo lamang kumabog ang puso ko nang mapalingon ako sa harapang bahagi ng entabladong ito. There I saw Anwir with Mievienne, looking at me in awe- more likely in misery and fear. "Congrats." Someone whispered at my ears which made me shiver. I halfly jolted as he revealed his face. "I-ikaw?" Halos pabulong kong usal. He impishly curved his lips. "Yes babe, it's me. The one and only!" Ang lalaki na siyang walang pasubaling kumuha ng litrato ko kahapon. Ang lalaki na siyang pinagseselosan ni Anwir dahil marahil ito ang taong gusto ng kaibigan namin. At siya ring lalaki na hinahanap ng babaeng nakabangga namin kanina. Potassium, pigilan niyo ko! Gusto ko siyang sakalin, as in ngayon na! "I bet you all wanted to see how gorgeous your leader could be?" Mabilis akong napalingon sa kalbong nagsalita. "Indeed, she is! No one could mess with Laira Anon's beauty." Holy gold, no way. Pero bago pa man ako makatakbo papalayo ay mabilis akong nahuli sa mga bisig ng lalaking katabi ko. Marahas niyang hinablot ang tali sa buhok ko pati na rin ang suot kong maskara. At kasabay ng pagsinghap ng mga tao gawa sa pagkamangha o pagkadismaya ay ang pagdagundong ng kakaibang sensasyon na siyang yumanig sa buong pagkatao ko. Lalo na nang banggitin ng lalaking katabi ko ang tunay na pangalan ko. "How's your vacation, Blairelaidy?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD