Epilogue

4131 Words
"Blairelaidy!" I gasped for an air as I awaken from a darkest nightmare. Agad akong napatayo at nanalamin. I sighed and tried to made a beam. "Hoy, babae! Hindi ka pa ba gising!?" I wailed as he shouted while rumbling my door. Inis akong lumakad para pagbuksan siya ng pinto. "Good morning!" Sarcastically, I greeted. He mocked. "Tanghali na po, senyorita." I arched my brow. "And so?" "Ano ba sa tingin mo ang gagawin mo?" Napamaang ako nang bigla niya akong iniwan pagkatapos niyang magsalita. Potassium! "Bilisan mo!" Impit akong sumigaw nang mainis. Pero agad din namang tumalima at nagbihis agad pagkatapos maligo. And after doing my morning routine, I walked out of my room and entered the kitchen area. Napangiti ako nang makita ang masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa. It's been a long time since I ate a real meal. "Dig in." I grab a food and placed myself in my usual spot. Ngumuya ako ng pagkain habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. He frowned when he noticed it, so I chuckled. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" I asked before I took a sip of my water. "Tsaka, bakit wala si Doc?" Nakita kong sinundan niya ng tingin ang ginagawa ko kaya binilisan ko ang pag-inom. I waited for his answer, but nothing came to feed my curiousity. Kaya ang ginawa ko ay pinitik ko ang noo niya tsaka siya sinigawan. "Para kang tanga." I chuckled. "Ako pa talaga ha?" He sighed after handling me a letter. Napatigil ako sa pagtawa nang makita ang nakasulat dito. I quickly made my way out and turned my back to him. "Hey, Blaire! Teka la-" I madly faced him. "Stop sending me those letters, will you?" He shrugged and sighed. "Fine. I'm sorry." I rolled my eyes when he immediately gave up. Tumalikod na lamang ako at tumungo sa sala para kunin ang sumbrero at tungkod ko. "Let me help you." Napadako ang tingin ko sa lalaking sumulpot sa harapan ko. "Good morning." He sweetly murmured as he wrapped his arms to my waist. Agad akong napaiwas ng tingin at mahina siyang naitulak. "I can do it." Mabilis kong usal. "Thank you." Pilit siyang ngumiti sa akin at tumango. Nang mapansing gusto niya pa akong kausapin, ay mabilis kong tinahak ang daan palabas para iwanan siya. Napansin kong sumunod ang dalawang lalaki sa akin pero binalewala ko na lamang. Dumiretso ako sa labas ng bahay namin at tumingala para makita ang maaliwalas na kalangitan. I felt warm by the sight of it yet I felt nostalgic by watching how the clouds blocked the sunrays towards my side. It's been months. Pero parang kahapon lang ako namatayan ng magulang. Parang kahapon lang ay sobrang saya ko kasama ang pamilya ng Guerra at si Anwir. It's been months, yet the huge incident was still vivid and fresh into my mind. "Laira, anak!" Napalingon ako sa matandang babae na tumawag sa pangalan ko. I smiled and waved my hand when she invited me to their house. Pero imbis na tanggihan ang alok ng matanda na siyang ginagawa ko sa nagdaang mga buwan, humakbang ako palakad sa puwesto niya ng dahan-dahan. Siguro nga kapag pamilya na ang turing mo sa isang tao at napamahal ka na ng sobra rito, kahit ilang beses ka na nitong pinagkanulo o pinakain ng mga kasinungalingan, makakaya mo pa rin siyang patawarin at tanggaping muli sa buhay mo. And I know, it's hard. Mahirap magpatawad ng isang taong sumira ng buhay mo. Mahirap magpatawad ng isang taong pinagplanuhan ang kamatayan mo. Mahirap magpatawad sa isang taong, pinagbigyan mo ng kalahating parte ng puso mo pero ang iginanti lang sayo ay ang basagin ang tiwala mo. But this is the reality. And reality never shapes perfectly. "Kumain ka na ba?" "Opo. Tapos na po." Mahinahon kong sagot nang hindi lumilingon sa kanya. Pero nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko ay napalingon ako sa babae. I felt an ache within my heart as I saw her worried face. "I'm so-" "I'm fine, Tita." Nabigla siya sa naging sagot ko lalo na sa itinawag ko sa kanya pero napahinga na lamang siya ng malalim. I simply pushed her hands on me and took a deep breath. Wala ni-isa sa amin ang nagsalita kaya pareho na lamang kaming nagmasid sa paligid. Everyone was busy fixing this city. After the incident that happened three months ago, almost all of us mourned and grieved. Marami ang nakaligtas sa bala ng mga baril at talim ng mga kutsilyo pero mas marami rin ang namatay at nawalan ng dugo. Marami ang nagalit at nabaliw kagaya ko. Marami ang nasaktan at nagreklamo sa Kanya, kagaya ko. Pero hanggang dun na lamang ang ginawa namin. We can't be filled with extreme sadness and madness for too long. We must move on and open our eyes and hearts to step forward. I need to move on and make a new life on my own without creating a new chapter of chaos. "Aalis ka na ba talaga?" Napayuko ako at napahinga ng malalim. "Laira-" "It's Blaire, Tita." I uttered with diction. "It's Blairelaidy Lazarte." Tumango siya at napaiyak sa inusal ko. I gently pressed her hands and hugged her tightly. "Thank you for saving my life back then. Thank you for keeping me alive." I whispered while caressing her back. "Thank you for giving me a chance to fight." "I will miss you." Kumawala ako sa yakap at marahang pinahid ang mga luha ng matanda. "Me too." "Me too." I gulped as I heard her voice. I blinked twice trying to suppressed my tears. Napaiwas ako ng tingin. "Lai, kausapin mo naman ako oh." Napatalikod ako at napahinga ng maluwag. Nagsimulang manikip ang dibdib ko kaya napahawak ako dito. "Laira." I bravely turned to her and stared at her chinky eyes. I saw how scared and astounded she was when I stared, but she tried to handle it carefully. She even walked towards me and gave me a pout. "I'm really sorry." Nanghihina nitong usal habang sinusubukan na hawakan ako. "I'm- I'm really sorry." Napapikit ako nang magsimula siyang umiyak sa harapan ko. I bit my lowerlip when her sobs began to cover my ears. I hold tightly at my crutch when my heart started to melt because of her weeping voice. Kaya bago pa ako mainis sa sarili ko ay pinalo ko siya sa paa niya gamit ang tungkod ko. "Aray!" She yelped while glaring at me. I arched my brow with she whined. Narinig ko pang tinawanan lang kami ng mga taong nakakita sa amin pati na rin ng mga magulang niya kaya napatawa na rin kaming dalawa. "Ampanget mo talaga ka-bonding." I sneered as she hugged me. "Ikaw ang panget." She pouted. "I love you." I groaned in disgust. "Mandiri ka nga sa sarili mo!" "Huwaw! Ang choosy." We both laughed and giggled after she scoffed. Pagkatapos ay sabay kaming napahinga ng malalim. "Okay na tayo?" I formed my lips into a half-smile and slightly nodded. "I'll make it up to you. I promise." Tumango na lamang ako at ginantihan siya ng yakap. I will miss her too. So much. "Oo nga pala! I want to give you something." She run towards her room as I waited for her to come back. "Ang rupok mo pala?" Mahina kong siniko si Dwyn nang inisin na naman niya ako. "Umalis ka nga dito." Giit ko na siyang tinawanan lang ng gago. Tarantado talaga. "Here!" My eyes were fixated at the necklace she was holding. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa ganda nito. "T-thank you." She winked at me after putting the golden lace that has a red-heart pendant on my neck. Napangiti ako habang hinahawakan ito. "This looks familiar." I whispered before turning my gaze to Miev. Nakita kong ang pagkislap ng kalungkotan sa mga mata nito habang tinatanaw ang kwintas kong suot. "Maurheign made it." I weakly smiled. "Your sister made it beautifully." "Syempre." Miev gagged and raised another necklace that matches the one on my neck. "I have mine also!" "Wow." I commented as it shines perfectly. "We can communicate through this." Namilog ang mata ko. "Really? Paano?" Lumapit siya sa akin at tiningnan namin ng sabay ang likod na parte ng kwintas. She hardly pressed it for a second and it creates a loud noise while sparkling continously. Woah? "If we need something from each other, we can press that button anytime." I nodded as she explained. "Noted." She grimaced at me and dodged my elbow. "Aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na kami?" I scoffed. "Gusto mo naman?" "Hoy, hindi ah!" Tumawa ako tsaka umangkla sa braso niya. Inilapit ko ng konti ang bibig ko sa tenga niya tsaka ako bumulong. "Umamin na ba sayo?" She faced me and gave me a frown. Nang hindi niya nakuha ang nais kong sabihin ay ngumuso ako sa dako ni Anwir na siyang kausap ni Dwyn sa malayo. I heard her wailed as she crossed her arms. "Hindi ako ang mahal nun no!" I snorted. "Sinabi niya bang hindi?" "Oh come on, witch! Manhid ka ba talaga o tanga lang?" Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. "Gusto mo isa pa?" She rolled her eyes at me and turned to the two boys from afar. She sweetly smiled after giving me a sigh. "I'm lucky to have Anwir at my side since the first day. But I'm not lucky enough to have him in the last days of my life." Napahinga ako ng malalim nang walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Napatitig na lamang ako sa dalawang lalaking seryosong nag-uusap sa malayo. I felt a pain inside as my heart jumped in surprised when I diverted my gaze at Anwir. Kaya naman agad kong iniwas ang tingin sa kanya at binalingan ng tingin ang lalaking nakangiti na pala sa akin habang kumakaway na parang baliw. Abnormal! "Tsaka isa pa, ayoko na muna no! Marami pa akong dapat ayusin bago magmahal ng malaya. I need to fix myself first before I can freely open my heart to someone who can truly accept who I am." Napatango ako't napaisip. Kung siguro naging mabuting asawa at ama lang siya sa amin, hindi magiging ganito kagulo at kasaklap ang mahihinatnan namin. If maybe he showed the genuine and nutritious love to my mother, maybe she wouldn't put all the blame on me. And maybe she wouldn't kill herself just to free me from her terrible grip. "Hoy, Laira? Okay ka lang?" Napakurap ako at napalingon kay Mievienne. I quickly smiled at her and nod my head to answer her. Sumilay ang nag-aalala nitong mga mata kaya inangkla ko na lamang ang braso ko sa kanya. "Nagiging maaliwalas na ang Hydro dahil sa gawa mo." She sneered. "Hindi lang ako no! Syempre, disenyo mo ang sinunod ko kaya nagmumukha siyang perpekto." Napahinto ako at napakunot-noo sa sinabi niya. "My designs?" "Oo." She giggled as she wrinkled her nose. "I have all your designs at my room. Lahat ng sa tingin mo ay hindi maganda, kinuha ko. I kept it and made it into reality." I gasped and almost teared up as I heard her sentence. "You are now free to have a normal life, Laira." She gently touched my hands and made a beautiful beam that touched my heart. "So, I hope you can continue being an artist as you ever dreamed of. I wish you can now set yourself to begin a new life with a happy moments by pursuing your dreams in life." Napatawa ako at napapunas sa luha ko nang kumawala ito sa mga mata ko. "I will, Miev. I will. Thank you." Umiling siya. "Thank you." I chuckled as I wrapped my arms at her body. "Bruha ka." She laughed and snap my butt. "Potassium!?" Angal ko sabay palayo sa kanya. "Kadiri ka!" "Mamimiss din kita." I rolled my eyes and groaned. Gosh! Kadiri! "Magkita tayo mamaya ha!" Magiliw akong ngumiti at kumaway sa kanya nang magsimula akong lumakad patungo sa Centro. I roamed my eyes to see the different beautiful smiles and gleeful spirits of everyone. It touches my heart seeing them happy and contented despite of what happened. It melts ny heart thinking that they survived from the incident that shocks everyone, almost to death. "Uy, Laira!" I turned to my right when someone appeared. I made a smile facing Aling Marites with her daughter. "Ah, B-Blairelaidy pala." Napatawa ako nang mailang ang ginang sa akin. Lumuhod ako sa harapan nila at nginitian ang batang kasama niya. "Ang ganda n-niyo po." Napaawang ang labi ko at napahinto sa paghimas ng ulo ng bata. "Saan banda, bata?" I stood up and glared at Dwyn when he interferred. Nang tinawanan lang ako ng gago ay nilingon ko na lang ang mag-inang nasa harapan ko. "Bakit po?" "Aalis ka na ba talaga? E, pwede ka namang manatili dito kasama sila Mibyen e. Tsaka, iiwanan mo kami?" Napalunok ako ng sariling laway at napahimas sa kamay ko. "Sino na magiging lider ng Hydro kung ganon?" Ilang segundo pa akong napatulala sa kawalan bago nakapagsalita. Pero hindi rin natapos nang makisali ang lalaking nasa tabi ko sa usapan. "She needs to rest, Aling Marites." I sighed with his statement. "And she can't move on in this environment. Kailangan niya ng bagong matitirhan para magsimula ulit ng panibagong buhay." Umarko ang kilay ng ginang sa inusal ni Dwyn. "Saan mo siya dadalhin, aber? Masisiguro mo bang ligtas siya sa kung sino man?" "She will be fine with me." I turned to Dwyn when he uttered those words. Nagkasalubong ang mga mata namin pero hindi ako umiwas ng tingin. Instead, I let myself be drowned by his soul. "And she will be better on her own." Napakurap ako ng ilang beses bago umiwas ng tingin sa mga maaamo niyang mga mata. Nagsimulang dinaga ang dibdib ko kaya pasimple ko itong hinimas-himas. "Basta, mag-iingat ka parati Laira ha?" Napangiti ako't napatango sa ginang. "Kayo rin po." "Babalik ka, diba?" "Babalik ka po, ate g-ganda?" Nawili ako sa bata kaya napatawa ako. I moved closer to her and touched her cheeks. "Gusto mo bang bumalik ako?" I asked while wearing a smile. Mabilis naman itong tumango kaya't napangiti pa ako lalo. I gently caressed her cheeks and emotionally curved my lips to beam. "Sige." Babalik ako. "Talaga po!? Yehey!" "Woah!" I gasped and chuckled as she throw herself to me. "Nako, Laira! Pinapaasa mo yung bata!" I brushed the kid's hair before facing her mother. "I'll be back, I promise." Sumilay ang ngiti sa labi ng ginang bago ako iniwan na nakatayo sa kalsada nitong Centro. I watched them fades into my gaze before I looked at Dwyn who's at my side staring at me, dubiously. "Stop staring." "You can't promise to someone just like that." I moved my sidelips to scoffed. "Ba't ka ba sunod ng sunod?" Lumakad ako palayo sa kanya at nagpatuloy sa pagmamasid ng paligid. Lahat nga talaga binago. And it was really my designs which made the place lovelier. Ang galing. "Nasa bahay mo na si Doc, naghihintay sayo." "Okay." I casually said while staring at the new building that was used to be the Mayor's building. I'm sure Tita Mauie and Tito Arturo can keep te place safe and sound. May tiwala rin naman ako sa mag-asawa at maaasahan naman talaga sila. Kaya na siguro nila ng wala ako. "Blaire." Napalingon ako kay Dwyn nang hinila niya ako paharap sa kanya. He didn't let go of my wrist which made me frowned for a minute. "Yung kamay mo, hoy." "Kailangan na nating tumungo sa doktor mo." Napahinga ako ng malalim. Kinuha ng lalaki ang tungkod na nakaipit sa kili-kili ko at inalalayan akong tumayo. Napairap ako sa ginawa ng kumag. "Akin na yan!" "Hindi pwede." Pinandilatan niya ako ng mata at mahinang tinulak. I gasped when I almost stumbled. Mabuti na lamang at nakabalanse ako at naitayo ko ng maayos ang mga paa ko. I rubbed my left leg as I felt no sting from my wound. "You can now stand on your own without any crutch, Blaire. You can now fly on your own without minding your past." I snorted and grabbed the metal stick on his hand. Pero inihagis niya ito sa malayo at hinawakan ako sa beywang palapit sa katawan niya kaya napahinto ako. Pati paghinga at pagtakbo ng puso ko napahinto dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. I can even felt his trembled and nervous heartbeat as it wraps my ears. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" Nanindig ang balahibo ko sa tono ng boses na bumalot sa buong pagkatao ko. Biglang bumilis ang pagtakbo ng puso ko sa paraan ng pagtitig niya sa kulay abo kong mga mata. At nanghina bigla ang mga kalamnan ko nang malunod ako sa mga titig ng lalaking mahigpit na nakahawak sa beywang ko. "Do you like me?" Without any hesistant, I asked. Pero imbis na siya ang kabahan at matuliro sa naging tanong ko, ako pa mismo ang nabaliw nang marinig ang sagot niya. "Gago ka talaga!" Mabilis ko siyang iniwan pagkatapos siyang sipain. Napamura ako ng ilang beses nang rumehistro sa isipan ko ang naging sagot ng lalaki. Kainis! "Hoy, ang tungkod mo!" I groaned and ignored him. Tumakbo ako ng mabilis nang mapansing papalapit na siya sa dako ko. "Uy, Laira? Ayos na pala, paa mo?" Tumawa ako ng peke sa ginang na nagtanong. "Opo. Inuunat ko po, kaya po ako tumatakbo. Sige po, bye!" I quickly shut my door as I entered my house. Well, it wasn't really my house but since Anwir didn't used it for the meantime, sa akin na muna niya pinagamit ang bahay niya. He was occupying the space at the Mayor's building as one of the successors so I accepted his offer to used his house. "Bakit ka tumatakbo?" Napasigaw ako nang magulat. "What the helium, Anwir!?" He chuckled and gave me a water with my medicine. "Hindi ka dapat nagpapagod." I furrowed, but still get the pills on his palm. After I took the medicine, I sat down at the sofa near his piano set and faced him. "Nasaan si Doc?" He smirked. "I'm the Doctor." I mocked at him. "Not my doctor." He sighed with a smile and sat beside me. Napasandal ako sa inuupuan ko at napapikit nang makaramdam ng antok. "Lai?" "Hmm?" "Remember when you drowned at the river months ago?" Napakunot ang kilay ko habang nakapikit pa rin. "Bakit?" "I wasn't the one who saved you." Mahina nitong bulong pero nakayanan ko pa ring marinig. "Dwyn did it. Dwyn was the one who saved you." I opened my eyes and turned to him. "I know." "You k-knew?" I nodded. "When he gave my knife to me, after we escaped. I knew he was the one who helped me that night." "I'm sorry." "Stop saying sorry, Anwir." May bahid na inis kong usal. "And stop being a coward not admitting your feelings to the person you really love." With gentleness, I pressed his hand and tapped his cheeks. Hinawakan niya ang kamay kong dumampi sa pisngi niya at napapikit nang maramdaman ang init nito. "Don't fool yourself, Anwir. Stop confusing me." I whispered, almost a croak. "Stop touching my heart if you can't stop yourself falling for someone else." Napamulat siya at nabitawan niya ang kamay ko dahil sa narinig. At dun pa lamang sa inakto ng lalaki, pinatunayan nga niyang tama ang hinala ko. "It's not what you think, Lai." He mumbled but I shook my head. "Thank you for everything you did just to save me." I weakly smiled to him. "Thank you for guiding me to my home. Thank you for giving me a light to led the way to my home." Pumakawala siya ng isang buntong-hininga bago ako hinila at niyakap. I almost burst into tears as he embraced my system. Pinigilan ko na lamang ang sarili na umiyak sa harapan niya lalo na nang makitang may ibang taong nakamasid sa aming dalawa. I tapped Anwir's shoulder before untying the bond of our hug. "We will make some time to visit you." Napatango ako bago tumayo. Pinagbuksan ko ng pintuan si Dwyn at sinalubong ang mapang-asar nitong mukha. "So sweet." I rolled my eyes and went towards my room to get my luggage. Tinulungan ako ni Anwir sa pag bitbit nito patungo sa sasakyang gagamitin namin ni Dwyn sa ibaba. At nang matapos ay sabay kaming tumungo sa tambayan namin kasama si Mievienne. Hinayaan naman ako ni Dwyn na makasama muna ang dalawa bago kami tuluyang aalis sa siyudad kaya sinulit ko na ang oras. "This feels great!" I smiled at Miev's comment. Sinabayan namin ni Anwir ang trip ng kaibigan namin at sabay-sabay kaming nagtampisaw sa ilog na parang mga bata. We tried to lift up the atmosphere as we reminisced the good moments we had back then. At nang magsawa ay sabay-sabay din kaming tumungo pabalik sa Centro para ihatud ako sa pag-alis. "You can cry if you want." I closed my eyes after wearing my seatbelt. "Let's go." I heard his sighs before starting the engine. Narinig ko pang nagpaalam siya sa mga kasamahan namin sa Hydro pero hinayaan ko na lamang siya. And before my eyes be filled in water, i just drowned myself in my chair and just took a nap to rest my mind. "At last, you'll now be free." Napasinghap ako at napabangon nang mamulat sa masalimuot kong panaginip. Mabilis kong naaninag ang lugar kung nasaan ako kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. "Gising ka na pala." "Where is she?" He took a deep breath before drawing the spaces between us. Tumayo siya sa harapan ko at inilahad niya ang kamay niya na siyang agad ko namang hinawakan. At ang kanina ko pang luha na pinipigilan ay sunod-sunod na nagsilabasan nang makita ang libingan ng aking ina sa sarili naming pamamahay. "Rest in peace, M-ma. I'm doing fine." I uttered while touching her tomb. "I will be fine." Nanghihina kong usal habang umiiyak sa puntod niya. The scary scenario that happened months ago started to disturb my sanity when I can't stop thinking of her. I lost myself and cried harder as I vividly remembered how my mother shot her own head just to free me from her. My heart began to tear apart as I can't bear the pain anymore. "Pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sayo at sa akin." Galit kong ani nang matapos sa pag-iyak. Pagbabayaran niya lahat ng ito sa impyerno! "Your necklace." Napalingon ako sa kwintas na suot ko nang banggitin ito ni Dwyn. Napatayo ako at napatakip sa tenga nang makarinig ng hindi kanais-nais na tunog galing dito. "Ang Hydro." Dwyn worriedly said while staring at me. At ganun na lamang kabilis ang paglundag ng puso ko dahil sa kaba nang makuha ang nais niyang ipaliwanag. "We need to go back." I said as I quickly marched the way out of our mansion. Pero bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ni Dwyn ay kinuha ko muna ang kutsilyo ko bago tuluyang lumabas ng bahay. "Paladin was gone." I halted. "My father?" "Oo." "What!?" I exclaimed. "Paano nangyari yun!?" "Someone helped him to escape but he was found dead on his own dungeon." Nanghina ako at napahawak sa dibdib ko nang magsimula na namang manikip ang dibdib ko. "Hey, Blaire. What's wrong?" Sumilay ang pag-aalala sa mukha ng binata habang inaalalayan akong tumayo ng maayos. I want to answer him and guarantee that I was okay but I couldn't. Lalo na nang mabingi ako ng tuluyan sa tunog na nanggagaling sa suot kong kwintas. "Namumutla ka." "I knew it." I mumbled as I faced the direction towards the Hydro City. I gulped and tried to breath in as I couldn't handle the extreme beating of my heart. "You knew, what?" I turned to Dwyn with an aching yet a serious expression. Napansin ko ang takot at kaba sa mga mata ng lalaki nang makita ang ang mukha ko. "Ajaxdwyn!" Sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag ng pangalan niya. Namilog ang mata ko sa nakita. "Alohdhein!?" "I guess, you need a help?" Nagkatinginan kami ni Dwyn bago naisipang tanggapin ang alok ng kapatid niya. "Hiyaaa!" Malakas na sigaw ni Dwyn bago patakbuhin ang kabayong sinasakyan namin. "Be careful!" Alhodhein shouted as we quickly made a way to enter the another dimension of this world. "Humawak ka ng mabuti, Blaire!" I followed as he commanded, so I hugged his back even tightier not just to secure my safety but also to suppress the anger and fear I was feeling inside. I knew it. Chaos will always find its way to revolve after exploding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD