“Pumasok ka na sa loob, Maxine at magpahinga ka na. Isarado mo ang bintana at pintuan. Siguraduhin mong walang animal na makakapasok!” malakas na utos sa kanya ni Jack. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Dimitri at mas hinaklit ang damit ni Jack. Halos magkaamuyan na ng hininga ang dalawa sa lapit ng mukha sa isa’t-isa. Ngunit walang pakialam ang mga ito. “Ako ba ang tinutukoy mong animal, ha, Jack Ejercito?” nangiinis ang mukha ni Dimitri. “Ikaw nga at wala ng iba pa!” Singhal dito ni Jack. Sa buong gulat niya ay binitawan ni Dimitri si Jack at natawa ito ng nakakaloko. “May I remind you, Ejercito, itong animal na tinutukoy mo, itong lalaking nasa harapan mo ngayon ay siya lang naman ang ama ng anak ng nobya mo. Kahit pa sabihing kayo ang magkasintahan, ang bagay na nagkokonekta sa ami

