Hindi siya makapaniwalang natanggap na siya. Admin assistant ang inapplyan niya. Alam niyang ikagagalit iyon ng kanyang mamang at papang dahil may sarili silang kompanya, ngunit gusto niyang maenhance ang sarili hindi dahil siya ay anak ng may-ari. Gusto niyang magtrabaho bilang normal na empleyado. Gusto niyang magsimula sa mababa at titignan niya kung saan siya dadalhin ng kanyang pagsisikap at galing. Masaya na rin ang pakiramdam niya dahil hindi niya akalain na may tatanggap pa pala sa kanya kahit ilang buwan o taon na siguro siyang tengga at walang trabaho. Napangiti naman siya ng totoo at tinanggap ang pakikipagkamay ng mabait ng HR staff. “Thank you so much, ma’am,” “You can start your work on Monday, Ms. Lagera. I expect you not to be late and arrived on time,” I bob my head.

