"S-Sorry, boss... pero kahit ang ex-boyfriend ko hanggang ngayon ay naghihintay pa sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko nang ulit magtiwala at buksan ang puso ko sa iba... marami pang iba r'yan boss, tiyak na nakakahigit sa akin," Nakita ni Maxine ang paglamlam ng mata ng binata. Pero wala na itong nagawa kundi tumango. Magalang na nagpaalam si Maxine na babalik na sa post. Tinukso pa siya ni Jean pagkakita sa kanya. Ang hindi alam ng dalaga, ang kaalamang isang ina na si Maxine ay mas nagpatibay ng damdamin ni Ricardo. Mas ginusto nito ang dalaga dahil doon. Pagkauwi ni Maxine sa kanyang apartment ay panibagong kahungkagan nanaman ay kanyang naramdaman. Kaya nga lagi niyang ginagawang busy ang sarili para saglit niyang makalimutan ang sakit tuwing maalala ang kanyang anak at si Dimitri

