Kabanata 10

2082 Words

Napaluha si Maxine. Parang mas masakit pa ang paratang na ito kaysa sa  sabihing mamamatay-tao siya. Ang huli kasi ay totoo. Napatay niya talaga si Jessie at Grace Finnegan. Pero kahit kailan ay hindi siya mapakawalang babae! Oh, kung alam lang nito! Kakainin nito ang lahat ng sinabi nito!  Pinunasan niya ang luha sa mata niya. Ayaw niyang mahalata nitong tumulo ang luha niya. "Huwag kang mag-alala, saka ko na gagawin 'yon kapag nanganak na ako," walang emosyong sabi niya. Nakita niya ang pagdiin ng hawak nito sa manibela at pinatakbo nito ng mabilis ang sasakyan. "D-Dimitri... slow down..." Napahawak na siya sa seatbelt niya. Kita niya na galit talaga ito. "I-I'm scared," amin niya rito. Tumingin ito sa kanya at dahan dahan ngang pinabagal ang kotse. Parang lalabas na ang puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD