"Ipangako mo sa akin na mamahalin mo ang anak nati-- I mean, mamahalin mo ang bata. Alam kong ako ang magiging ina niya, pero ipangako mo sa akin na mamahalin mo siya ng sobra sobra. Na magiging ama at ina ka niya. Ipangako mo sa akin na kapag nag-asawa ka ulit, hindi mo papabayaan ang anak natin. Sanay akong makarinig ng mga kwentong malupit ang madrasta sa kanyang stepson o step daughter. Mangako ka, Dimitri..." nanginginig na sambit niya. "'Yon lang ba?" Tumango siya. "You don't have to worry about that, Maxine. Wala na akong balak mag-asawa pa. Masyado kong mahal si Grace para umibig pang muli. Wala akong balak palitan siya sa puso ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. Kaya nga ang hiling ko lang ay anak. Tingin mo kung mag-aasawa pa ako, hihilingin ko 'to sayo? Pw

