Napahikbi ang mga ito. "O, ano? Ngayon, ngangawa ngawa kayo? Sasabihin niyo, ang sama sama ko? Eh ako, inisip niyo ba 'yung panahong wala akong ginagawa sainyo at binibigyan niyo ako ng stress? Hindi diba? Kaya nararapat lang 'yan sainyo. Kapag may nangyaring masama sa pinagbubuntis ko dahil sainyo, tatandaan niyo, magtago na kayo sa saya ng nanay niyo. Isang sabi ko lang sa papang ko, tiyak damay buong pamilya niyo," hindi naman ganoon ang magulang niya, sinadya niya lang i-exaggerate ang sinasabi. Sobrang naapektuhan ang mental health niya sa bahay na 'to. "Naiintndihan niyo?!" sigaw niyang malakas. Sabay-sabay na napatango ang mga ito habang lumuluha. "O-Opo, Ma'am Maxine," Inubos niya ang pera sa wallet niya at pinalipad sa hangin. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Kunin niyo na

