Mahal na mahal ni Dimitri ang anak at hindi nito papabayaan ang bata. Pero sa ngayon, kailangan niya rin namang intindihin ang sarili, dahil kung hindi ay baka bumigay ang kanyang mental health. Nagkaroon na siya ng depression noon, hindi na siya pwedeng bumalik sa ganoong state dahil baka mas lumala siya ang anxiety at panic attacks niya. "Kailangan ko nang umalis dito, Jack. Bago pa ako palayasin ni Dimitri. Tutal ganoon naman ang usapan. Pagdating ng panganganak ko, dapat mawala ako na parang bula sa buhay nilang mag-ama," "I'm sorry, Maxine..." tanging nasabi ni Jack. "That's life, Jack. Kailangan nating magpatuloy. Hindi ba't nasabi mo sa akin ang ideya na ipapasubaybay na lang ang bata para updated pa rin ako...?" Napasinghap si Jack sa kabilang linya. "Ibig bang sabihin Maxine..

