"Huwag kang mangialam! Huwag mo ako tatawaging pare!" Napailing si Jack sa naghuhurumentado na si Dimitri. "Jack, halika na, please," pakiusap niya. "Sige! Magsama kayo ng lalaki mo! Malaya na kayong maglandi--" "Hindi naman tama 'yan, pare, hindi ganyan si Maxine---" "Sabing huwag kang magsalita!" hindi na napigilan ni Dimitri na suntukin sa mukha si Jack. Napasigaw naman siya sa labis na gulat. "Jack! Dimitri! Ano ba?!" inalalayan niya si Jack na ngayon ay kaawa-awang nakahiga sa sahig. Naniningkit ang mata ni Dimitri nang makita ang pagalalay niya sa binata. "I can't f*****g believe this, Maxine. Tama lang na hindi ka maging ina ng anak ko," galit na galit na sambit nito. Hindi rin papatalo si Jack tumayo ito at tinignan ng matiim si Dimitri. "At pinagsisihan kong ginago ko siya

