Chapter 5

1546 Words
MASAMA ang gising ni Kinette nang umagang 'yon. Paano ba naman kasi, maaga siyang binulabog ng buwisit niyang daddy mula sa mahimbing niyang tulog. Puyat pa naman siya. Four o'clock na ng madaling araw s'ya nakatulog kapanonood ng Turkish drama na recently lang niya na-discover sa YouTube. Bukod pa ro'n, ang gwapo rin kasi ng lead actor sa pinanonood niy kaya pinilit niyang matapos kahit kalahati lang ng series. Matapos maghilamos at mag-toothbrush, padabog na lumabas si Kinette sa kanyang kwarto at tinungo ang library. Ang sabi kasi ni Mrs. Li, naro'n daw ang kanyang daddy na kasalukuyan siyang hinihintay. Ano na naman kaya ang gusto ng matandang 'yon? isip-isip niya. She's hundred one percent sure na may kailangan na naman ito sa kan'ya. Malakas din ang presumption n'yang sa pagtatalo na naman mauuwi 'yon. Well, what's new? Simula nang mamatay ang mommy n'ya six years ago, gano'n na sila sa isa't isa. 'Di sila magkasundo at lagi silang nagtatalo. Madalas din siyang sinasaktan ng kanyang daddy sa t'wing hindi nito nakokontrol ang galit. Nang marating ang library, hindi na kumatok pa si Kinette at basta na lang pumasok sa loob niyon. Pero gan'on na lang ang panlalaki ng singkit n'yang mga mata nang makita ang lalaking katabi ng kanyang daddy. "What the hell? What are you doin' here, idiot?!" asik n'ya sa lalaki na ngayon ay bahagyang nakangisi habang nakatingin sa kan'ya. "Magkakilala na pala kayo ng aking anak, Seven," pakli naman ng kanyang daddy sa ungas na lalaking katabi nito. Kunot-noo namang pinagmamasdan ni Kinette ang dalawang kaharap. She has no idea kung ano ang ginagawa ng ungas na Seven na 'to sa kanilang pamamahay. And worst, kilala pa ng kanyang daddy. "Yes, Sir Kennedy," magalang naman na sagot ni Seven. "Actually, nagkita kami minsan sa bar at saka sa racing club," sagot naman ng lalaki na bakas sa mukha ang pagkaaliw. Tumango-tango naman si Kennedy sa kaharap. "Good. Kung gan'on, hindi ko na kailangan pang i-introduce ka sa anak ko. Siya ang sinasabi kong pababantayan ko sa'yo. Make sure na hindi ka niya matatakasan, okay?" Fuck s**t! Mariing napamura si Kinette nang maunawaan ang nangyayari. Ang ungas na lalaki palang 'to ang bago niyang bodyguard? Hell, no! Lalo pang tumindi ang iritasyon na nararamdaman niya dahil para lang siyang hangin at hindi pinapansin ng dalawa. Sa kagustuhang makuha ang atensyon ng mga dalawang lalaki, dumampot si Kinette ng isang may kakapalang libro sa shelf at sukat ay batuhin ang bruhong lalaki na bagong bodyguard. "s**t!" bulalas ni Seven nang masapul siya ng libro sa bandang noo. Kaagad rin s'yang nakaramdam ng hapdi sa parteng 'yon na malamang ay nagalusan. "Kinette!" kaagad namang saway ni Kennedy sa anak. "Stop being childish! Act according to your age!" Matapos niyon ay binalingan naman nito si Seven na noon ay sapu-sapo ang noong nagalusan. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hijo. Talagang matigas ang ulo ng babaeng 'yan," apologetic na wika ni Kennedy sa lalaki. Samantalang kahit gustong-gustong gantihan ni Seven ang aroganteng babae, ay nagpanggap s'yang ayos lang. Wala siyang choice. Ang mag-amang 'yon ang misyon niya kaya kailangan niyang habaan ang pasensya sa suwail na anak nito. "It's okay, Sir Kennedy. Baka kulang lang s'ya sa pansin," aniya. Sinadya talaga n'yang iparinig ito sa nakakairitang Kinette Wong na ito para naman mainis itong lalo at makaganti siya kahit papaano. Well, 'di naman siya nabigo dahil namula ang mukha nito sa galit. "At ikaw, kulang ka sa aruga!" ganting pang-aasar naman ni Kinette saka pinukol ng matalim na tingin ang ungas na lalaki. Kung nakamamatay nga lang ang tingin, malamang ay bumulagta na ito sa sahig. Ginagalit talaga siya ng hudas. Masama na nga ang gising n'ya, ito pa ang bubungad sa kan'ya. Kaasar talaga! Hayop! naiinis niyang usal sa isipan. "Don't worry, Sir Kennedy. From now on, asahan n'yong hindi mawawala sa paningin ko si Ms. Kinette," puno ng confidence na saad naman ni Seven sa bagong boss niya kuno. Hindi pa siya nakuntento, palihim pa niyang nginisihan si Kinette. "Well, subukan natin ang yabang mo, talunan," 'di naman patatalong sagot ni Kinette saka ginantihan din nang mas malapad na ngisi ang ungas. Ipinagdiinan pa ni Kinette ang salitang talunan para mainis ang gago. At mukhang effective nga sa hudyo, nalukot kasi ang mukha nito pagkarinig niyon. Matapos niyon ay basta na lang siyang tumalikod ng walang paalam at lumabas. Nasira na talaga ang mood niya nang umagang 'yon, at alam niyang magtutuloy-tuloy 'yon lalo pa nga't ang ungas na Seven na 'yon ang magiging bagong bodyguard niya. Teka nga, coincidence lang ba o sinasadya n'yang lumapit sa'kin? tanong ni Kinette sa isipan habang naglalakad pabalik sa kwarto niya. Well, imposible namang coincidence lang ang lahat. No'ng una, sa racing club sila nagkita ng ungas, then sa bar. At ngayon nagising na lang s'yang bodyguard na niya ang bruhong 'yon. Bigla tuloy siyang na-curious sa lalaki. Malakas ang kutob niyang hindi 'yon nagkataon lang. "Chill ka lang, ungas... Malalaman ko rin kung sino ka," she murmured as she walked into her bedroom. ° ° ° MAGING bodyguard ni Kennedy Wong, check! Next, kuhanin ang loob ng drug lord... Lihim na nangingiti si Seven habang nagkakape sa malaking kusina sa mansyon ng mga Wong. Naka-first base na kasi niya sa kanyang misyon, dahil nakalapit na siya sa mag-ama, partikular kay Kennedy Wong. Pinagplanuhan talaga niyang mabuti na makapasok bilang bodyguard ng durugistang si Kennedy Wong. Nalaman n'ya mula sa kanyang pag-iimbistiga na naghahanap ito ng bagong bodyguard. Kaya naman gumawa siya ng paraan para makapasok sa security agency kung saan nagha-hire si Kennedy Wong ng mga bodyguards nito. Gamit ang mga fake credentials, nag-apply siya sa naturang ahensya na kaagad naman siyang tinanggap. Eksakto namang naghahanap si Kennedy Wong ng panibagong bodyguard at maswerteng siya ang ipinadala ng agency. Kaya ngayon ay humarap s'ya kay Kennedy Wong gamit ang pekeng identity bilang si Severino "Seven" Fernandez, ex-army na na-AWOL at isang sharp shooter. Akala pa nga niya no'ng una, si Kennedy Wong ang may kailangan ng bodyguard. But to his dismay, ang weirdo at aroganteng anak pala nito ang babantayan niya na daig pa ang preschooler kung umasta. "May palagay akong kaya ka nandito dahil sinusundan mo ako..." Nilingon ni Seven ang tinig sa kanyang likuran, at bumungad sa kan'ya si Kinette na may nanunuring tingin. Nakatayo ito sa hamba ng pinto at nakapamaywang. Mukhang bagong ligo rin ito, basa pa kasi ang maikli nitong buhok. Lihim pa siyang natawa nang makitang isang pares ng shorts at sando na may design ng weird na yellow sponge na cartoon character ang suot nito. Weirdo talaga! Ibinaba muna ni Seven ang tasang hawak na naglalaman ng fresh brewed coffee at saka tumayo at hinarap ang babae. "Talagang fan ka ng nagsasalitang yellow sponge na 'yan, 'no?" tahasang sabi niya at pinasadahan ng tingin ang suot nitong damiy. Wala siyang pakialam kung anak man ito ng boss niya kuno. "Kaya 'di na ko nagtatakang may pagka-childish ka," iiling-iling pang wika niya sa dalaga sabay dampot ng tasa ng kape at muling sumimsim niyon. Kaagad namang nagpanting ang tenga ni Kinette sa sinabi ng lalaki kaya nanggigigil niya itong sinugod at tinabig ang hawak nitong tasa ng kape. Dahil sa ginawa n'ya ay bumuhos 'yon sa suot nitong uniporme. "Gago ka! Nagkakamali ka ng teritoryong pinasok! Kung ang magaling kong ama, nalansi mo, pwes hindi ako!" mariing sigaw ni Kinette sa mismong pagmunukha ng lalaki na noon ay masama ang tingin sa kan'ya. Dinuro pa niya ito at pinaningkitan ng mga mata. "Remember this, asshole! Sa oras na malaman ko kung sino ka, ako mismo ang tatapos sa'yo!" mariing banta pa niya saka nakipagsukatan ng titig dito. Hindi naman nakapagsalita si Seven, 'di dahil natakot siya sa banta nito. Kung hindi dahil habang nakatingin siya sa light brown na mga mata nito, tila may kung ano siyang nababasa ro'n na hindi niya masabi kung ano. Pero mayamaya lang, siya na rin ang unang nagbawi ng tingin. Hindi kasi siya komportable roon. Matapos niyon, niyuko niya ang gray polo barong na kanyang uniform. Namantsahan na 'yon ng kape, maging ang pantalon niya. s**t! Kung wala lang akong kailangan sa ama mo, pinatulan na kita! Inayos muna niya ang sarili saka pigil ang sariling hinarap ito. Hindi siya nananakit ng babae. Pero 'di naman yata babae ang kaharap n'ya ngayon dahil daig pa nito ang lalaki kung umasta. "Alam mo Ms. Kinette, wala akong alam sa sinasabi mo," aniya saka umiling-iling kunwari. "Paranoid ka lang dahil naimpluwensyahan ka na ng yellow sponge na 'yan. If I were you, itigil mo na 'yan. Parang drugs 'yan e, nakakabaliw," pamimilosopo pa niya sabay talikod at tinungo ang lababo. Inilapag niya sa sink ang tasa at matapos ay naghugas ng kamay. Hindi na niya pinansin pa ang katakot-takot na mga murang ipinaulan nito sa kan'ya. Matapos ay nilampasan lang niya ito at saka nagtuloy-tuloy ng labas sa kusina. Pero ilang hakbang pa lang ang layo niya rito, muli siyang bumalik at nakangising humarap sa mala-amasonang babae. "May nakalimutan pala akong sabihin, Ms. Kinette," aniya. Masamang-masama naman ang tingin nito sa kan'ya na para bang gusto siya nitong kainin ng buhay. "Magmumog ka ng holy water, okay? Ang dumi kasi ng lumalabas sa bibig mo, eh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD