KABANATA 14:
Tahimik ang gabi, pero sa loob ng kwarto ni Kinette, parang may kulog na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya. Hawak niya ang phone, muling binabasa ang mensahe ni Severino — o si Seven, gaya ng pagpapakilala nito — at hindi niya maiwasang magngitngit.
“Tigress, kung gusto mo ulit manilip, I’ll be at the pool at 10PM. 😈”
“Hayop ka talaga, Seven!” mariing bulong niya, sabay hagis ng phone sa kama. Tumayo siya at naglakad-lakad sa kwarto, parang tigre sa hawla. Sa bawat pagbalik ng eksena sa pool — kung paanong halos hubad ang lalaki at kung paanong nahuli siya nitong namboboso — lalo siyang naiinis. Hindi dahil nahuli siya, kundi dahil bakit ba kasi napapalingon siya tuwing maglalakad ang lalaking ‘yon na parang wala nang ibang pakay kundi inisin siya.
“Pakiramdam ko, sinasadya na talaga ng demonyong ‘yon na ipakita ang katawan niya,” iritadong bulong niya habang pinipilit iwaksi ang imahe ng pawisan nitong dibdib at matigas na braso.
Hindi na siya makatiis. Kinuha niya ang phone at nag-message sa isang contact ng pamilya nila—isang investigator na matagal na nilang pinagkakatiwalaan para sa mga sensitibong bagay.
“Hanapin mo ang totoong background ni Severino Cruz. Lahat—address, history, trabaho, kahit anong baho niya. I want details ASAP.”
---
Kinabukasan, sa dining area, hindi mapakali si Kinette. Naka-black tank top at loose pants lang siya, walang makeup, walang effort. Pero pagpasok niya, nandoon na naman ang kinaiinisan niyang lalaki — preskong presko sa bagong paligo, naka-fit na polo at dark jeans. Nakaupo ito na parang hari sa lamesa, nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape.
“Good morning, Ms. Peeping Tigress,” anito nang hindi man lang tumingin sa kanya.
Napa-irap si Kinette. “Gusto mo talaga ng suntok sa lalamunan, no?”
Ngumiti lang ito, ibinaba ang diyaryo at tinitigan siya — ‘yung titig na parang binabasa ang kaluluwa niya. “Relax. Secret naman natin ‘yun. Unless... gusto mong ikuwento ko sa daddy mo na may hobby kang magbantay ng half-naked bodyguard sa dilim?”
Napalapit siya at halos ibato ang tinapay sa mukha nito. “Subukan mo lang, Seven. Titiyakin kong maglalaho ka dito sa mansion na ‘to.”
“Hmm. I doubt that. Mukhang may nai-eenjoy ka naman sa presensya ko,” tukso pa nito sabay kindat.
Mas lalong nag-init ang tainga niya sa inis. Tinusok na lang niya ang prutas sa plato niya na parang iyon ang mukha ni Seven.
---
Lumipas ang ilang araw, pero lalo lang tumindi ang tensyon. Kahit magkasalubong lang sila sa hallway, parang nag-uumpugan ang pride nila. Pero kahit paano, hindi maitatanggi ni Kinette na distracted siya tuwing magpapakita ng balat ang lalaki — sa tuwing magwo-workout ito sa garden na shirtless o kapag pawisan itong lalabas mula sa training area.
“Bwisit. Nagpapansin na naman ang unggoy,” bulong niya minsan habang lihim na sumusulyap mula sa veranda. Pero nang mahuli siya ni Seven na nakatingin, agad siyang umiwas ng tingin na parang wala lang.
---
Gabi na naman. Tahimik ang paligid, pero heto na naman si Kinette, hindi mapakali. Nakahiga sa kama pero hindi mapigilan ang utak na mag-isip. May something kay Seven. Hindi lang ‘to simpleng bodyguard. Hindi lang dahil sa abs niya, kundi sa galaw niya. Sa paraan ng pagtitig niya. Sa paraan ng paghawak niya sa baril, sa paraan ng pagharap niya sa trespasser nung gabing nahuli niya ito.
Bigla niyang naalala ang trespasser. Hindi na niya ito nakita mula nang dalhin sa guesthouse. Wala ring balita kung inireport ba ito sa pulis o kung ano na ang nangyari. At si Seven, parang walang nangyaring kakaiba, tahimik lang na ginagawa ang trabaho niya sa umaga, pero parang laging gising buong gabi.
Hindi ako papayag na ako lang ang nagdududa habang nagkukunwari siyang loyal sa pamilya namin.
Kaya kinabukasan, dumating ang report mula sa investigator. Halos bumaon ang mga kuko niya sa phone sa kaba habang binabasa ang mensahe.
“Ma’am, hindi Severino Cruz ang totoong pangalan ng lalaki. Classified ang totoong identity niya, pero may match kami sa intel database. Isang agent ng gobyerno na matagal nang nasa undercover mission. Paki-confirm ang picture, pero sigurado kaming hindi siya simpleng bodyguard.”
Mabilis niyang binuksan ang picture. Walang duda. Si Seven nga iyon. Undercover agent. “f**k s**t! Tama nga ang hinala ko.”
---
Gabi, bumaba si Kinette para tiyakin kung anong ginagawa ni Seven. Tahimik siyang lumapit sa guesthouse. Doon, narinig niya ang boses ng lalaki.
“Sabihin mo sa’kin kung sino ang nag-utos sa’yo, bago pa kita mapagsisihan na tumapak ka sa property na ‘to.”
“I-I was just told to watch the girl! Wala akong alam sa iba, swear!” halos iyak na ang trespasser.
Biglang may pumutok na paso malapit kay Kinette. Napatras siya, pero nahulog ang paso at nag-ingay. Agad lumabas si Seven, mabilis ang kilos, parang sanay na sanay sa peligro.
“Kinette?” malamig pero kalmado ang boses nito. Lumapit ito sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?”
Nag-angat siya ng mukha at buong tapang na tinitigan ang lalaki. “Ikaw ang dapat kong tanungin, Agent Cruz. Sino ka ba talaga?”
Tahimik si Seven at hindi kumibo. Sinubukan pa niyang magkaila dahil hindi pwedeng malaman ng babae ang tunay niyang pagkatao dahil masisira ang kanyang mission. “‘Wag ngayon, Ms. Kinette. Kailangan kong malaman kung sino ang tresspasser na 'to,” anang Seven saka tumayo at akmang tatalikod na pero napahinto siya nang may ibatong folder si Kinette sa kanyang harapan.
Kunot-noong dinampot ni Seven ang folder para alamin kung ano iyon, at awtomatikong tinakasan ng kulay ang kanyang mukha nang mabasa kung ano ang laman niyon.
“Ano? Magkakaila ka pa?” muling tanong ni Kinette na matalim ang tingin.
Tumiim-bagang si Seven, nabuko na siya. Magkaila man siya, alam niyang wala siyang lusot. Kaya sa huli, wala siyang nagawa kundi umamin. Hinanda na rin niya ang sarili sa maaaring mangyari. Do or die.
“Yes. Ako nga 'yan.”
Galit. Inis. Lungkot. Lahat, halo-halo. Iyon ang naramdaman ni Kinette matapos malaman ang totoo pero sa dulo, napangisi siya, matalim ang mga mata. “Then maybe, agent, you need my help. May proposal ako. Gusto mo ng access sa pamilya ko? Pakasalan mo ako.”
Nanlaki ang mata ni Seven. “You’re crazy.”
Ngumiti si Kinette, isang ngiting alam mong may binabalak. “Exactly. And that’s why it’ll work.”
Itutuloy…