KABANATA 13:
Tahimik na tahimik ang buong mansion, pero sa loob ng kwarto ni Kinette, parang may unos na bumubugso sa dibdib niya. Nakatalukbong siya sa kumot, pilit itinatago ang sarili sa kahihiyan at kaba. Muli niyang naalala ang message na natanggap mula kay Severino—yung lintek na text na parang sinusunog ang kanyang kaluluwa.
“Nag-enjoy ka ba sa pamboboso sa’kin, Ms. Kinette? Don’t worry, if this is the only way para mapaamo ko ang tigress na gaya mo, araw-araw akong maghuhubad sa harap mo.”
“Oh my God, Kinette! What were you thinking?!” bulong niya sa sarili habang hinahampas ng unan ang sariling ulo. Hindi niya alam kung matatawa o mapapahiya. “Bakit ba kasi hindi ka na lang pumasok ng maaga sa kwarto? Bakit ba nagpakasira ka pa doon sa veranda?!”
Pero kahit gaano niya pilit na burahin sa utak niya ang itsura ni Severino noong gabing iyon—basang-basa, naka-boxer shorts lang, at halos hubad—hindi niya kaya. Paulit-ulit na nagpe-play sa isip niya ang eksena, lalo na ang paraan ng paglingon nito na tila ba alam na alam na pinagmamasdan siya.
Napasigaw siya sa unan. “Arghhh! You’re hopeless, Kinette! Hopeless!”
Kinabukasan, sinumpa niya sa sarili na iiwasan ang lalaki kahit na ano pa ang mangyari.
Maaga siyang bumaba sa dining area para mag-breakfast, suot ang simpleng shirt at shorts, walang kahit anong make-up at walang arte. Pero laking dismaya niya nang makita si Severino na nandoon na, presko sa bagong paligo, naka-polo shirt at slacks, at nagbabasa ng diyaryo na parang wala lang nangyari.
“Good morning, Ms. Peeping Tigress,” sambit nito na may pilyong ngiti, hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Severino!” napabulong siyang mariin. Lumingon-lingon siya sa paligid, baka may nakarinig. “Ano ba?! Will you stop calling me that?”
Pero imbes na tumigil, mas lalo pa itong ngumisi at ibinaba ang diyaryo. Tinitigan siya nang diretsahan, parang binabasa ang kaluluwa niya. “Relax, tigress. Secret natin ‘yun, ‘di ba? Unless gusto mong ikuwento ko sa daddy mo na may hobby kang manilip sa pool…”
Halos lumuwa ang mata ni Kinette sa hiya. “You wouldn’t dare!”
Sinandal ni Severino ang katawan sa upuan, nag-cross arms. “Try me.”
“Ang kapal mo talaga!” iritadong bulong niya habang umupo at nagkunwaring busy sa pagkain. Pinagtripan na lang niya tusukin ang prutas sa plato. Pero kahit anong iwas ng tingin niya, ramdam niya ang mga mata ni Severino na parang binabalatan siya ng buhay.
Ilang araw na ang lumipas, pero parang lalo lang naging tensyonado ang atmosphere sa pagitan nila. Kahit simpleng magkatabi sila sa sala o magkasalubong sa hallway, para bang laging may kuryente. Si Kinette, hindi na rin maikakailang mas napapadalas ang lihim na pagsulyap niya sa lalaki. Ang masama, nahuhuli pa siya nito paminsan-minsan na nakatitig!
At kung dati’y pure inis ang nararamdaman niya kay Severino, ngayon… may kung anong halo na. Paghanga? Curiousity? At baka... attraction na hindi niya maamin?
Isang gabi, nangyari ang isang eksenang hindi niya inasahan.
Tahimik ang mansion, pero may narinig siyang commotion sa labas. Agad siyang nagbihis at bumaba. Sa garden area nakita niya si Severino na hawak-hawak ang isang lalaking mukhang trespasser. Ang lalaki, balisa at mukhang takot na takot.
“Who are you? What the hell are you doing here?” mariing tanong ni Severino, ang boses nito puno ng authority at galit.
“I’m just looking for someone! Let me go!” sigaw ng trespasser, nanginginig ang boses.
“Severino, what’s happening?” tanong ni Kinette, lumapit para nakiusyoso.
“Caught him sneaking near the east wing. Mukhang may masamang balak,” sagot ni Severino na hindi bumibitaw sa lalaki.
“Call the police!” utos niya sa isang bodyguard, pero pinigilan ito ni Severino.
“No. Let me handle this, Ms. Kinette. I have a feeling there’s more to this than just trespassing.”
Nag-alinlangan si Kinette, pero sa tonong iyon ni Severino, dama niya ang tiwala sa sarili at husay sa sitwasyon. Tumango na lang siya at pinanood kung paano dinala ng lalaki ang trespasser papunta sa guesthouse na ginagamit ng security team.
Gabi na, pero hindi mapakali si Kinette. Paulit-ulit niyang iniisip kung sino ang trespasser at ano ang balak nito. Lalong lumalim ang hinala niya kay Severino. Sigurado siya—hindi ito ordinaryong bodyguard. May tinatago ito. May misyon itong hindi niya alam.
Nagdadalawang-isip pa siya, pero nanaig ang curiosity. Bumaba siya at tahimik na nagtungo sa guesthouse. Sa may pinto, narinig niya ang malalim na boses ni Severino mula sa loob.
“Tell me the truth, or you’ll regret stepping into this property.”
Kinilabutan siya. Hindi lang dahil sa tono ng boses nito, kundi dahil sa lalim ng misteryong bumabalot sa pagkatao ng lalaki. Sino ka ba talaga, Severino? Anong misyon mo?
Kinabukasan, habang nakaupo siya sa veranda ng mansion, iniisip niya ang mga nangyayari. Hindi na niya alam kung ano ang mas dapat niyang unahin—ang pagdiskubre sa tunay na katauhan ni Severino, o ang pagpigil sa sarili na tuluyang mahulog sa bitag ng lalaking ito.
Napabuntong-hininga siya at muling sumulyap sa garden kung saan nakita niya itong nagwo-workout kanina. Oo, shirtless na naman ang damuhong iyon. At oo, hindi niya maiwasang mapatitig.
“Oh God, Kinette! Get a grip!” bulong niya sa sarili.
Bigla na lang tumunog ang phone niya. Nag-message si Severino.
“Tigress, kung gusto mo ulit manilip, I’ll be at the pool at 10PM. 😈”
Namula siya sa galit at hiya. Pero deep inside... bakit parang inaabangan niya pa talaga?
Itutuloy...
👉