“WHAT the hell are you talking about? Nauntog ka ba't nakalog 'yang utak mo, Ms. Kinette?” kunwaring tanong ni Seven sa nakangising dalaga kahit pa binubundol siya nang matinding kaba. Hindi maaaring malaman ng bruha ang tunay niyang katauhan dahil mabibigo ang kanyang misyon. Hindi lang iyon, pwede niya itong ikamatay sa oras na isumbong siya ng babae sa ama nito.
“Oh really? You really don't know what I'm talking about?” Pumalatak pa ang dalaga na habang nakangisi at iiling-iling sa harapan niya.
Huminga muna nang malalim si Seven at saka nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan ang dalaga. Paninindigan niya ang pagpapanggap. Hindi maaaring malaman nito ang katauhan niya dahil nakasalalay sa misyon niyang iyon ang buhay at trabaho niya. “Alam kong nalulungkot ka sa pag-alis ni Mrs. Li, Ms. Kinette. But that's not enough reason for you to make a story. Come on! Act according to your age Ms. Kinette. Don't be too childish!” litanya pa Seven sa dalaga habang tuloy-tuloy ang lakad niya paalis. Subalit bago pa siya tuluyang makalayo ay isang malakas na sipa ang tumama sa kanyang likod dahilan para mapaatras siya at lumingon sa kinaroroonan ng bruha. Nasapo rin niya ang nasipang likod dahil bahagya itong sumakit.
Kitang-kita ni Seven na pulang-pula ang mukha ng dalaga dahil sa matinding galit. Malamang ay napikon na naman ito sa sinabi niya. “f**k you!“ malakas na hiyaw ni Kinette habang dinuduro siya. “Pretend as much as you want but I'll make sure I can prove you're a spy!”
"Okay, do what you want. Good luck!” Iyon na lang ang nasabi ni Seven bago tuluyang talikuran at iwan ang kausap. Subalit sa loob-loob niya, kailangan niyang makaisip ng sulosyon kung sakaling matuklasan nga ng bruha ang tunay niyang pagkatao. He cannot allow Kennedy Wong's daughter to be a thorn in his mission. If he needs to arrest the woman, he will do it even if it has nothing to do with the illegal operation that her father is doing.
••••••••••
“ARE YOU SURE? 'Di ka sigurado kung si Severino ang Seven Cruz na sinasabi mo?!”
Napatiim-bagang si Kinette habang kausap sa telephone ang detective na inutusan niyang halungkatin ang files at alamin ang totoong pagkatao ng damuhong si Severino. Ang sabi kasi ng detective ay kulang ang mga pruweba na si Seven Cruz at Severino ay iisang tao lang. Wala kasing kahit ano ang nagli-link sa dalawang pangalan na ito. Ang pangalang Seven Cruz kasi ay nahanap nila sa isang dark website subalit walang impormasyon ang nakapaloob sa pangalang iyon. Blangko lahat maging ang itsura nito, tirahan, edad, at mga pangalan ng relatives.
Sa madaling salita, ay maaaring gawa-gawa lang ang pangalan na Seven Cruz na isang agent. Marami namang gumagawa ng ganoon sa panahon ngayon upang mang-scam o kaya ay gumawa ng labag sa batas. At kaya lang niya sinabi iyon sa damuhong si Severino ay para malaman niya ang magiging reaksyon nito. Pero iyon nga, bigo siya dahil sinabihan lang siya nito ng kung anu-ano at ininsulto.
“Malinis na malinis ang record ni Severino, Ms. Kinette. But don't worry, I won't stop digging until I know his true identity...“ may seguridad na saad ng kausap.
Walang nagawa ni Kinette kung hindi bumuntong-hininga na lang habang ang paningin ay naroon sa labas ng bintana. Kanina pa siya ganoon, nakaupo sa kanyang kama at nakatingin sa kawalan, sa gitna ng tahimik at madilim na gabi. Pakiramdam niya ay napakalaki nang nawala sa kanyang pagkatao simula nang umalis si Mrs. Li. Wala na siyang ganang lumabas sa kanyang kwarto lalo pa't alam niyang paglabas niya ay makikita niya ang damuhong si Severino na walang ginawa kundi galitin siya.
Maski kumain ay wala siyang gana kaya heto siya ngayon, para siyang bangkay dahil sa labis na putla. Bahagya rin siyang namayat dahil hindi siya kumakain at yakult lang ang iniinom niya na nakalagay niya sa personal ref sa kwarto niya.
“Okay, thanks.“
Matapos patayin ang tawag ay tumayo si Kinette at tinungo ang veranda na nahaharangan ng glass door. Binuksan niya iyon at lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin. Palibhasa'y third floor ang kanilang mansion at ang kwarto niya ay naroon din sa palapag na iyon ay kitang-kita roon ang nagkikislapang ilaw ng kanilang neighborhood. Nasa backyard ng mansion nakatapat ang kanyang kwarto kaya mas malaya niyang nakikita ang maaliwalas na paligid. Tahimik sa kanilang lugar dahil exclusive subdivision iyon at dahil pawang mga nasa high-society ang kanilang neighbors ay napakahigpit din ng security sa kanilang lugar.
The lower part of the veranda where she is, is the big swimming pool of the mansion which is estimated to be 20 feet wide by 40 feet long and 8 feet deep. Ipinagawa iyon ng kanyang daddy when she was young because she loves to swim. In fact, ilang beses na siyang nag-champion sa swimming noong nag-aaral pa siya. She only stopped swimming when her mom died because she lost the first person who supported her mentally and physically.
I wish you're here, mom... usal ni Kinette habang malungkot nakatanaw sa kulay asul na swimming pool. She misses her mommy so much, especially now that Mrs. Li is no longer by her side.
Matagal ding wala sa sariling nakatunghay si Kinette sa pool nang mapansin niyang may lumalangoy doon. Tahimik lang niya itong pinanonood subalit wala siyang idea kung sino iyon. Hindi naman pinagbabawalan ang mga maids at bodyguards na gumamit ng pool basta tapos na ang oras ng trabaho ng mga ito. Exactly 11PM na iyon kaya marahil ay isa ito sa mga bodyguards na tapos na ang duty sa gabing iyon.
Hindi malaman ni Kinette kung bakit pero parang may kung ano ang humahatak sa kanyang hintayin ang kung sino mang lalaki ang lumalangoy sa oras na iyon. She just watched him swim back and forth on both sides of the pool, and as a former swimmer she could tell that he swam well. It moved gracefully as if it had also learned how to swim properly.
Lihim na napahanga si Kinette at pansamantala siyang nalibang na panoorin ang lalaking lumalangoy kahit pa nga hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kinaroroonan niya habang lumalangoy. Ilang minuto rin ang itinagal ng lalaki sa tubig nang mayamaya ay huminto na ito at umahon mula sa tubig. At nang humarap ito sa gawi niya habang nagpupunas ng towel sa katawan ay gusto na lang yata niyang tumalon sa veranda nang makitang si Severino ito.
“s**t! f**k! Si Severino pala!” wika ni Kinette sa sarili saka bahagyang umatras at nagkubli sa madilim na bahagi ng veranda upang hindi siya makita ng ungas. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya sa oras na makita siya nito roon.
But on the other hand, Kinette couldn't stop herself from glancing again at Severino while wiping his wet body. At oo na, hindi siya hypocrite para hindi aminin sa sarili na gusto niyang makita ang katawan ng ungas na nakabalandra sa mga oras na iyon. Nakasuot lang din ito ng maiksing boxer shorts kaya maging ang manhood nito ay bumabakat sa suot nito.
Ano ka ba naman, Kinette! Shame on you! Ngayon ka lang ba nakakita ng lakaking nakahubad?! sita ng munting tinig sa isipan niya. Pero hindi niya iyon pinansin at nanatili siyang nakakubli sa dilim at lihim na nakasilip sa kinaroroonan ng lalaki. Yes, hindi ito ang una niyang makakita ng ganoon pero sa damuhong iyon yata ang pinakamagandang katawan na nakita niya.
“f**k! 'Di ko alam na aabot ako sa ganitong paninilip. At f**k s**t! Kay Severino pa talaga! You're crazy Kinette!“ usal niya sa sarili habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa kinaroroonan ng damuho. Napalunok pa si Kinette habang malayang pinasasadahan ng tingin ang kabuohan ni Severino. And even though she hates that man so much, she can't help but admire his muscular body and his “blessed“ manhood.
Ilang minutong ganoon si Kinette nang mapansin niyang saglit na nawala si Severino sa paningin niya, at nang bumalik ito ay nakasuot na ito ng pang-itaas na gray t-shirt at may hawak itong cellphone na para bang may tinitipa roon. Nakaramdam ng bahagyang panghihinayang si Kinette subalit nang mahimasmahan sa kagagahang ginawa ay masama ang mukhang pumasok na siya sa kanyang kwarto at isinara ang glass door ng veranda.
Subalit hindi pa tuluyang nakakalapit ang dalaga sa malaking kama at tumunog ang message tone ng kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Tinungo niya ang kinalalagyan nito at dinampot iyon para tingnan kung sino ang nag-text sa kanya. Isang unknown number ang lumabas sa kanyang screen at kahit wala sana siyang planong basahin iyon ay ginawa niya. At mayamaya pa, wala sa sariling naibato niya ang mamahaling touch screen cellphone nang mabasa kung ano ang nakalagay doon.
“Nag-enjoy ka ba sa pamboboso sa'kin, Ms. Kinette? Don't worry, if this is the only way para mapaamo ko ang tigress na gaya mo, araw-araw akong maghuhubad sa harap mo.”
“Oh God! What the f**k!” hiyaw niya saka mabilis na tumalon sa kama at nagtalukbong ng kumot sa labis na kahihiyan.
TO BE CONTINUED...