SAPU-SAPO ang kaliwang mata na tinamaan nang malakas na suntok ni Kinette, padaskol na tumayo si Seven mula sa pagkakadapa sa sahig at nanlilisik ang mga matang pinukol ng tingin si Kinette na nang mga sandaling iyon ay bakas din ang matinding galit sa mukha. Hindi na rin siya nag-abala pang tulungan ang bruhang babae para tumayo dahil sa galit niya. Bahagya pang napangiwi si Seven nang mahawakan ang tila namamaga na yata niyang mata. Bwisit kang babae ka! Pasalamat ka, ang ama mong durugista ang misyon ko! Kung hindi baka pinatulan na kita! nagngingitngit na turan niya sa isipan habang tiim-bagang na nakatingin sa bruha.
“f**k you, asshole!“ malakas na hiyaw naman nito sa kanya sabay tayo at saka pinagsisipa ang mga nagkalat babasaging na plato at baso sa sahig. Bahagya pang nanghinayang si Seven nang makitang nagkalat din sa lapag ang dala niyang pagkain. Iyon pa naman ang paboritong almusal ng bruhang babae na ito ayon na rin kay Mrs. Li kaya iyon ang ipinahanda niya sa cook ng mansyon. Gusto rin kasi niyang kahit papaano ay makabawi kay Kinette dahil bahagya siyang nakonsensya nang malamang naaksidente ito kagabi dahil sa pagmamadaling makauwi.
“I told you! Lumayas ka sa harapan ko dahil hindi ko kailangan 'yang mga basurang dala mo! Are you really that f*****g stupid huh?" nanggagalaiti pang duro nito sa mukha niya.
Kuyom-kuyom ang mga kamao, lihim na kinalma ni Seven ang kanyang sarili at saka hinarap ang tila naghi-hysterical na yatang si Kinette kahit pa gustong-gusto na niyang patulan ito. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa bugso ng damdamin dahil misyon niya ang nakasasalay rito. “Dinalhan lang kita ng almusal Ms. Kinette, dahil isa 'yon sa mga bilin ni Mrs. Li," paliwanag ni Seven sa kaharap sabay yuko at isa-isang dinampot ang mga nagkalat na babasagin sa sahig. Marahan niya itong dinadampot isa-isa at inilalagay sa metal tray na pinaglagyan ng mga ito. Lihim din siyang napailing habang pinagmamasdan ang mga natapong pagkain. Tsk! Almost 800 million katao ang nagugutom sa buong mundo, tapos ang bruhang 'to nagsasayang lang ng pagkain! aniya sa sarili habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
Ilang saglit pa nga ay nagsipagdatingan na rin ang ilang mga kasambahay na marahil ay nakarinig ng komosyon. Bakas sa anyo ng mga ito ang gulat at pagtataka ngunit hindi na lamang nag-usisa ang mga ito at sa halip at tinulungan na lamang siyang damputin ang mga nagkalat sa sahig. Kabisado na kasi ng mga kasambahay sa mansyon ang ugali ng babae. Sa oras na mag-usisa ka o magtanong sa nangyayari sa loob ng pamamahay ay maaari kang masibak. Kung kaya't kung gusto mong magtagal sa trabaho, magmistulan kang bulag at pipi. That's the policy inside the mansion if you want to stay on your job.
“I don't need that s**t!" mariing mura pa ni Kinette habang masama pa rin ang mukhang nakatingin sa kanya. “Ang gusto ko, lumayas ka na sa bahay na 'to at 'wag ka nang babalik!" Bakas ang pagkasuklam sa mukha ng dalaga habang nang balingan ni Seven. Kaya naman ipinaubaya na niya sa mga kasambahay ang ginagawa at hinarap ang nagwawalang tigre. Subalit hindi siya magpapatalo sa kaharap. Kung ito ay parang tigre, siya naman ang magpapaamo rito hanggang sa maging tila pusa na lamang itong sunod ng sunod saan man siya magpunta. Ang pagiging successful ng kanyang misyon ang nakasalalay dito kaya't hinding-hindi niya aatrasan ang bruhang babae, gagawin niya ang lahat alang-alang sa nakaatang na tungkulin.
Hinarap niya ang babae saka inayos ang sarili kahit pa bahagya nang nakapikit ang kaliwa niyang mata na marahil ay nag-uumpisa nang mamaga. "Stop being childish Ms. Kinette. Whether you like it or not, I will be your butler and bodyguard from now on," tiim-bagang na litanya niya sa kaharap. Pagod na siyang makipaglaro sa spoiled brat na dalaga. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang makasundo ito kahit pa nga alam niyang malabo pa iyon sa tubig-kanal. Dahil mas magiging madali sana ang pakikipaglapit niya kay Kennedy Wong kung magkakasundo sila ni Kinette. “Kaya kung ako sa'yo Ms. Kinette, kailangan mong makipagkasundo dahil hindi ako papayag na maulit pa ito," matigas niyang sabi na ang tinutukoy ay ang nasuntok nitong mata niya. Matapos niyon ay basta na lamang siyang tumalikod at dumiretso ng labas sa silid. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, narinig pa niyang pinaulanan siya ng bruha ng katakot-takot na mura.
“Hayop ka Severino! Mamatay ka na!" malakas na tili ni Kinette bago siya tuluyang makalayo at makapanaog ng hagdan.
***
“Pagpasensyahan mo na sana si Kinette, Severino. Talagang matigas ang ulo ng babaeng 'yan. Lalo pa ngayong umalis na ang butler niya kaya tiyak kong mas lalo siyang magwawala," hinging-paumanhin ni Kennedy Wong kay Severino. Naroon sila sa private office nito at kaagad siyang ipinatawag nang malaman ang nangyari. “I really don't know what to do with my daughter anymore. Instead of managing our business, she's giving me so much headaches," dagdag pa ng matanda na bakas ang kawalan ng pag-asa sa tinig.
Alam ni Kennedy na ngayong wala na si Mrs. Li, mas lalong magwawala ang kanyang anak. Tanging ang butler lang kasi nito ang sinusunod ng dalaga. Kung minsan nga ay hindi niya maiwasang makaramdam ng panibugho dahil doon. Ngunit hindi niya masisisi ang anak dahil alam niyang nagkulang siya bilang ama sa kaisa-isang anak.
Simula kasi nang bata pa ito ay Mrs. Li na ang tumayo bilang pangalawang ina ng anak habang siya naman ay abala sa pagma-manage ng kanyang negosyo. Si Mrs. Li na ang nagpalaki at gumabay kay Kinette simula noong yumao ang kanyang asawa at siya naman ay nilunod ang sarili sa pagtatrabaho upang kahit paano ay bahagya niyang makalimutan ang sakit ng pagkawala ng kanyang kabiyak.
Marahan namang umiling si Seven sa kaharap saka tipid na ngumiti kahit pa nga gustong-gusto na niyang sunggaban ang kaharap at dakpin ito. Kung hindi kasi dahil sa anak nitong bruha, maayos sana niyang nagagawa ang misyon at baka nga sa mga sandaling iyon ay naipakulong na niya ang drug lord na kaharap niya ngayon. Sadya nga lamang na hindi umaayon sa kanya ang panahon. Alam nia Seven na kailangan niyang magtimpi sa ugali ng bruhang anak ni Kennedy Wong upang makuha niya ang loob ng matanda, nang sa gayon ay magkaroon siya ng dagdag impormasyon sa mga aktibidad ng naturang drug lord.
“It's okay Sir Kennedy. Naiintindihan kong frustrated lang si Ms. Kinette dahil sa pag-alis ni Mrs. Li,“ wika ni Seven sa karahap na sinamahan pa ng pekeng ngiti. "Pasasaan ho ba't mapapaamo ko rin ang inyong anak," dagdag pa niya na ikinangiti ng matanda. Pasasaan ba't sa kulungan rin ang kahahantungan mo, Kennedy Wong! Maghintay ka lang! Iyon ang nasa isipan ni Seven nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang kaharap.
"I didn't make a mistake in hiring you as my daughter's bodyguard, Severino. You impress me with your courage and dedication to work," nakangiting papuri naman nito sa kanya sabay lapag ng puting sobre sa harapan niya. "And in return, accept this envelope. And don't worry, that's not your salary. It's your bonus because I like your hardwork,"dagdag pa nito.
Wala namang nagawa si Seven kung hindi tanggapin ito at saka marahang ngumiti. "Maraming salamat Sir Kennedy. Asahan po ninyong pagbubutihan ko pa ang trabaho ko," saad niya sa matanda kahit pa nga sa likod ng kanyang isipan ay tila gustong-gusto na niyang damputin ito at ipakulong nang sa gayon ay matapos na ang impyernong nararanasan niya.
Matapos nang pag-uusap nilang iyon ay kaagad na ring nagpaalam si Sevennsa matanda at saka dumiretso sa kanyang quarter. Gusto niyang maagang makapagpahinga dahil pakiramdam niya ay kumikirot ang namamaga na niyang kaliwa niyang mata. Pina-checkup na niya iyon sa private doctor na ipinatawag ni Kennedy Wong para suriin siya at ang sabi'y kailangan niyang magpahinga, uminom ng gamot para sa kirot, at maglagay ng warm compress sa namamagang mata.
Habang naglalakad sa corridor papunta sa kanyang kwarto ay sumama ang kanyang timpla nang mamataan niya si Kinette sa gilid ng hagdan at nakaupo sa handrail. Obviously, siya ang hinihintay ng bruha dahil nakangisi ito nang nakakaloko habang pinagmamasdan siyang makalapit. Itulak ko kaya ang babaeng 'to sa hagdan nang matapos na ang problema ko? isip-isip ni Seven habang tiim-bagang na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng babae. Mataas pa naman ang hagdan kung saan ito nakaupo at tiyak niyang kung malaglag ito roon ay may kalalagyan ang bruha dahil marble floor ang babagsakan nito.
“At ano ang kailangan nang mahal na prinsesa? Susuntukin mo na naman ba ako dahil kinausap ako ng daddy mo? Magmamaktol ka na naman ba at magta-tantrums na parang isang bata?" pamimilosopo ni Seven sa dalaga. Awtomatikong nawala ang ngiti nito nang marinig iyon at saka patalong bumaba sa handrail at pinukol siya ng matalim na tingin.
“Talagang close na kayo ng magaling kong daddy, 'no?" sagot naman nito sabay tawa ng nakakaloko. Hindi na sana niya papansinin ang babae at lalampasan na lamang niya ito nang mapatda siya sa sumunod nitong sinabi. “Ano kaya ang gagawin ni daddy sa oras na malaman niyang nag-aalaga pala siya ng buwitre, Agent Cruz?“