“WHAT the hell, dad?! Bakit ang ungas na Severino na 'yon ang magiging butler ko?” malakas na singhal ni Kinette sa kanyang daddy.
Nalaman kasi niyang magre-retired na ang butler niyang si Mrs. Li at si Seven ang gusto nitong ipalit sa pwestong 'yon. No way! 'Di siya makakapayag! Mamatay man siya!
Nang hindi siya sinagot ng kanyang daddy ay pinukol n'ya ito ng masamang tingin at saka bumaling kay Mrs. Li. Naro'n din sa study room ang matanda ng umagang 'yon. “Mama! Bakit naman ngayon pa?”
Akala pa naman n'ya, kaya siya gustong makausap ng kanyang daddy ay dahil ibabalita nitong pinatalsik na ang ungas na si Seven matapos n'yang sabihin ang nangyari. Besides, hindi na rin kasi n'ya nakita ang lalaki simula no'ng magkasagutan sila nito kaninang umaga.
But to her dismay, nalaman niyang pinag-day off pala ito ng magaling niyang daddy. And guest what? Binigyan pa raw ito ng bonus dahil nagustuhan daw ng bwisit niyang daddy ang performance nito sa trabaho, ayon na rin kay Mrs. Li.
“Hija,” ani Mrs. Li, nakiki-usap ang tono. “Matanda na ako, at hindi rin naman lingid sa kaalaman mong may mga nararamdaman na ako,” katwiran nito na pilit ipinauunawa ang desisyon nitong mag-retire na.
Yes, aware siyang may idinadaing nang karamdaman ang kanyang butler. Pero paano na lang siya 'pag mawala ito? Si Mrs. Li lang ang nag-iisang kakampi n'ya sa mansyong 'yon. Ito lang ang nakakaintindi sa kan'ya. Ano na lang ang mangyayari sa kan'ya kung pati ito ay mawala pa?
Mabilis niyang tinawid ang ilang metrong pagitan nila ng kanyang butler, at saka tumabi sa three-seater sofa kung saan ito naka-upo. Hinawakan n'ya ito sa dalawang kamay. "Pa'no ako 'pag mawala ka, Mama?" Ramdam n'ya ang namumuong luha ng itanong niya iyon.
She could barely breathe because of the fear that was slowly engulfing her chest. Natatakot siyang umalis ang kanyang butler na minahal n'ya 'tulad ng pagmamahal niya sa sariling ina.
"Ms. Kinette..." anang Mrs. Li na tila hirap din ang kalooban sa nangyayari. Bumitaw ang matanda sa pagkakahawak ni Kinette at hinaplos nito nang marahan ang kanyang ulo.
"Hindi ako mawawala, hija. Uuwi lang ako sa aking mga kamag-anak pero ipinapangako kong babalik ako at dadalaw-dalawin kita rito."
Sa narinig ay hindi na napigilan pa ni Kinette ang pagtulo ng kanyang luha. Ang sakit-sakit ng kanyang dibdib. Pero bago pa iyon makita ng kanyang daddy ay pinahid na niya 'yon.
Si Kennedy naman ay tila walang pakialam sa nangyayari at panay lamang ang tipa sa cellphone. Ni hindi nito pinapansin ang sentimiyento ng nag-iisang anak. For Kennedy, what his daughter was doing was just part of being childish.
"'Di ko na ba mababago ang isip mo, Mama?" naninigurong tanong ni Kinette sa matanda. She was overwhelmed with fear and anxiety but she could do nothing but let it devour her.
Umiling ang kaharap. "I'm sorry, Ms. Kinette. Buo na ang pasya ko..."
"I have already signed Mrs. Li's retirement letter," sabat ni Kennedy sa anak na ang paningin ay nasa cellphone pa rin, "at bukas na ang flight niya pauwi sa China."
Fuck you! mariing mura ni Kinette sa kanyang daddy. Palibhasa'y wala itong pakialam sa nararamdaman n'ya kaya gano'n ito magsalita.
Bumuntong-hininga si Kinette at saka tumayo na. Ginawaran pa n'ya ng pilit na ngiti ang kanyang butler. "Looks like there's nothing I can do to stop you, Mama..." aniya kahit masakit para sa kan'ya ang sinasabi.
"Hǎohǎo zhàogù zìjǐ...(Take good care of yourself)"
Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Kinette at nilampasan ang dalawa. Nagtuloy-tuloy siya ng labas sa study room at tinungo ang kanyang kwarto na hilam ng luha ang mga mata.
B'wisit ka, Severino! Hayop ka! Animal ka! Galit na galit n'yang pinagsusuntok ang malambot na unan na para bang sa pamamagitan n'yon ay mababawasan ang galit at sama ng loob na kanyang nararamdaman n'ya.
Namumuhi siya sa kanyang walang kwentang ama, pati na rin sa hayop na si Severino. Ito ang sinisisi n'ya kung bakit nagka-letse letse ang buhay n'ya. Masama rin ang loob n'ya sa kanyang butler.
Kaya naman habang pinagsusuntok n'ya ang unan, panay din ang agos ng kanyang luha. Umiyak siya nang umiyak na para bang sa paraang 'yon ay maaalis ang lahat ng sakit na matagal na niyang dinadala sa dibdib.
° ° °
Kinabukasan, sinadya ni Kinette na 'wag nang lumabas ng kanyang kwarto at ihatid sa airport si Mrs. Li. Hindi kasi n'ya kayang makita ang pag-alis nito. Alam niyang maintindihan siya ng matanda, dahil wala nang hihigit pang nakaiintindi sa kanyang nararamdaman sa impiyernong pamamahay na 'yon bukod dito.
Bagaman tinatamad na kumilos, napilitan si Kinette na bumangon para maghilamos at mag-toothbrush. 'Di na rin siya nag-abala pang magpalit ng suot na pantulog, wala naman siyang balak lumabas.
Gusto niyang magkulong sa kwarto buong maghapon. Lalabas na lang siya mamayang gabi at magdi-disco, para kahit pa'no, makalimutan n'ya ang letse niyang problema.
Nang matapos maglinis ng sarili, muli siyang sumampa sa kama at binalingan ang nakabukas na laptop. Nakakaloko. Halos napanood na yata n'ya ang lahat ng cartoon series at movies ni Spongebob, pero 'di man lang siya napatawa ng mga 'yon. Poor Spongebob!
Nasa ganoong ayos si Kinette nang makarinig siya ng sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Pinukol tuloy n'ya ng nanlilisik na tingin ang pinto.
"Ms. Kinette! Buksan mo ang pinto!" anang boses mula sa labas ng kanyang kwarto. "Dala ko ang almusal mo!"
Nang marinig ang tinig na 'yon, dali-dali siyang bumaba sa kama at malakas na sinipa ang kawawang pinto. "f**k you!" nanggagalaiti niyang singhal kay Severino. "Lumabas ka! 'Di kita kailangan!"
"'Wag ka nang umastang parang bata, Ms. Kinette!" balik-sigaw nito mula sa labas. "Buksan mo na 'tong pinto kundi sisirain ko 'to!"
Her temples throbbed with rage. Ang kapal ng mukha ng ungas na 'yon na bantaan siya? "Sige, subukan mo nang makita mong hinahanap mo, hayop ka!"
Namayani ang katahimikan ng ilang sandali, kaya akala ni Kinette ay lumayas na si Seven sa tapat ng kanyang kwarto. Pero ikinagulat n'ya nang kumalabog ng malakas ang kanyang pinto.
Bahagya siyang lumayo at pinanood ang tila isang matigas na bagay na bumabangga mula sa labas ng kanyang kwarto. Kumalabog 'yon nang malakas sa t'wing bumabangga sa pinto na yari sa narra.
"Bubuksan mo ba ang pinto, Ms. Kinette o gusto mong tuluyang sirain ang pinto ng kwarto mo?!" sigaw ni Seven mula sa labas ng pinto. Naitigil ang pagbangga ro'n kaya alam n'yang ang bruhong si Seven ang may gawa niyon. "Ikaw rin!" dagdag nito. "Maaabala ka pa 'pag ipinaayos 'tong kwarto mo! 'Di ba ayaw mo no'n?"
Marahas na napabuga ng hangin si Kinette dahil sa sobrang inis. Mukhang bago umalis si Mrs. Li ay na-briefing na ang bruho. Totoo ang sinabi ni Seven. Ayaw na ayaw n'yang may umiistorbo sa kan'ya 'pag nasa loob siya ng kanyang kwarto. At alam 'yon ng lahat ng maids sa mansyon.
Pero mukhang masisira ang rules n'yang 'yon. Because aside from her daddy, si Seven ang pangalawang tao na naglakas-loob na gawin iyon. Ang lalaki pa lang ang kauna-unahang bodyguard na sumusuway at lumalaban ng sagutan sa kan'ya.
"Isa!" Nag-umpisa nang magbilang si Seven nang hindi siya sumagot. "Dalawa!" Naalerto siya. Ayaw niyang lumabas na kaya siyang pasunurin ng bodyguard s***h butler wannabe niya, pero mukhang seryoso ang hinayupak na sisirain nito ang pinto ng kanyang kwarto.
"Tat—"
Mabilis binuksan ni Kinette ang pinto ng kanyang kwarto, pero sa bilis ng mga pangyayari, naramdaman na lang n'yang may matigas na bagay ang bumangga sa kan'ya dahilan para mabuwal siya sa sahig.
At halos lumubo ang kanyang ulo nang makitang nakasubsob sa ibabaw niya si Seven. Sa kanyang galit, malakas niya itong itinulak at inundayan ng malakas na suntok sa mukha.
"f**k!"