Chapter 9

1160 Words
UMAGANG-UMAGA, nagising si Seven sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Kaya naman kahit pupungas-pungas pa, nagmamadali siyang bumangon sa kama para alamin kung sino ang gumising sa kaniya. Gusto niya itong mapasalamatan dahil ginising siya nito mula sa masamang bangungot. Goddammit! Bakit ba niya napanaginipan ang wirdong si Kinette? Dahil ba 'yon sa naging alitan nila kagabi? Well, okay, aaminin niyang nakonsensya siya nang makitang galit na galit ito sa panloloko n'ya. But for Pete's sake! Hindi makatarungang mapanaginipan niya ito na kasama sa isang kwarto, and worst, making an intimate moment with her! Bigla siyang nangilabot habang tinutungo ang pinto ng kanyang kwarto. Malinaw pa kasi sa kanyang ala-ala kung paanong para silang sabik na sabik sa isa't-isa sa kanyang panaginip- este bangungot pala. Fuck! Makapagsabon nga ng 1000 times mamaya! Feeling ko, ang dumi-dumi ko! nakangiwing saad n'ya sa isipan nang buksan ang pinto. "Good morning, Mrs. Li! Anong mayro'n? May sunog po ba?" biro niya kay Mrs. Li nang mapagbuksan ito. Umiling-iling ang matanda, bagaman nakangiti. "Ikaw talaga Severino, napakaloko mo," sabi nito. "Nagpunta ako rito dahil ipinatatawag ka ni Mr. Kennedy." At ano naman ang kailangan ng durugistang 'yon ng ganito kaaga? Pero kaagad nabura ang ngiti n'ya nang maisip na baka nakapagsumbong na si Kinette sa daddy nito. s**t! Baka sisisantehin na ako! "Bakit daw, Mrs. Li? Sisisantehin na ba 'ko?" tanong niya sa matanda. "Hindi ko alam, hijo. Basta ipinasasabing gusto ka niyang makausap," tugon ni Mrs. Li sa kan'ya. "Magmadali ka, Severino. Ayaw ni Mr. Kennedy ng pinaghihintay," dagdag pa nito matapos ay tumalikod na. "Thanks, Mrs. Li! Pakisabi na lang kay boss, susunod na 'ko," pahabol niya sa papalayong matanda. Nilingon naman siya nito saka marahang tumango. Nang maisara ang pinto ay kaagad na siyang nagtungo ng banyo para maligo. At katulad ng pangako n'ya sa sarili, paulit-ulit niyang sinabon ang kanyang sarili na para bang may nakakadiring bagay ang dumikit sa katawan niya. Pagkatapos maligo at makapagbihis ng kanyang uniform, dumiretso na siya sa study room kung saan ayon kay Mrs. Li ay kanina pa naghihintay si Kennedy Wong. Pero sa kamalas-malasan, nakasalubong niya si Kinette sa pasilyo. Obvious na bagong gising lang ang babae dahil magulo pa ang maikling buhok nito, at nakasuot pa ng pantulog na ternong pajama at blouse na well, as usual, ay may mukha ng cartoon character na kasing wirdo nito. Spongebob Squirtpants o Squarepants? Nah! Wala na siyang pakialam kung sino man 'yon. Basta ayaw niya sa wirdong yellow sponge na 'yon na nagsasalita. At sure siya- hundred one percent- na nakapagsumbong na ito kay Kennedy Wong. Sa direksyon kasi ng study room galing ang bruha. Well, sana lang, makinig ang daddy nito sa kan'ya. Dahil kung hindi, hundred one percent din siyang sure na tapos na ang career n'ya sa oras na tanggalin siya nito sa trabaho. "Good morning, Ms. Kinette. Masarap bang tulog mo?" nakangiting bati n'ya sa nakabusangot na babae. Ako kasi hindi eh! Akalain mong binangungot ako dahil sa'yo, sabi niya sa isipan habang nakatingin sa nakasimangot na babae. Pinukol naman siya nang masamang tingin ni Kinette at saka nilampasan lang siya. Nanibago siya sa inasta ng babae. Madalas kasi, lagi itong may banat na pang-aasar o pambabara sa kan'ya. Himala! Wala sa mood ang loka! Nilingon niya ito, dahil balak pa sana niyang inisin ang babae nang mapansin niyang iika-ika ito habang marahang naglalakad. Sinipat n'ya ang mga paa nito at nakita niyang namamaga ang kaliwa niyon. Hindi rin nakaligtas sa paningin n'ya ang magkabilang braso nito na mayroong gasgas. Kung gano'n, naaksidente s'ya sa pagmamadali kagabi kaya ganoon na lang ang galit n'ya sa'kin? Nakaramdam siya ng konsenya ng mga sandaling 'yon. Pero 'di naman n'ya iyon ginusto. Alam ba niyang may concern pala ito para kay Mrs. Li kahit na masama ang ugali nito? Hindi naman 'di ba? So, hindi dapat siya makonsensya. That's right, Seven Cruz! Wala kang kasalanan kung naaksidente man s'ya! Siya naman ang nagda-drive at hindi ikaw, kumbinsi niya sa sarili. Hindi na lang niya pinansin pa si Kinette at tumalikod na. Pero naudlot ang pag-alis niya nang marinig itong magsalita. "Magbalot-balot ka na, Severino! Alam kong sisisantehin ka na ni daddy," matigas nitong sabi sa kan'ya. He smirked. "How can you be so sure, Ms. Kinette?" pang-aasar n'ya. Lalong sumama ang mukha nito nang sabihin niya 'yon. "Dahil sinabi ko!" bulalas nito, obvious na napipikon. "Isinumbong kita kay Dad at sinabi kong sisantehin ka na!" sigaw pa nito sa kan'ya. Hindi niya pinansin ang galit ni Kinette, sa halip ay tinaasan lang niya ito ng kilay. "Paano 'pag hindi ako sinisante ni Sir Kennedy?" nanghahamon niyang tanong. Kinette clenched her teeth and looked at him na para bang gusto siyang kainin ng buhay. "At pa'no kapag sinisante ka?!" asik nito. "Paano nga kung hindi?" "Kung hindi, ako ang gagawa para sisantehin ka!" Nagkibit-balikat siya sa sinabi nito. "At ano naman ang kayang gawin ng 'tulad mong spoiled brat at pasaway? Magta-tantrums para pagbigyan ng daddy?" pamimilosopo ni Seven. Wala siyang pakialam kung below the belt man ang sinasabi n'ya rito. Iyon naman kasi ang totoo. "You don't know me, idiot!" nanggagalaiti nitong sigaw saka siya dinuro-duro. Namumula na ito sa galit ng mga sandaling 'yon. "Itaga mo 'to sa bato, Severino! Aalamin ko kung sino ka!" dagdag pa ni Kinette sabay iika-ikang bumira ng layas. Nagkibit-balikat naman si Seven sa huling sinabi nito. Malabo pa sa tubig-kanal na makilala nito kung sino siya. Ano naman ang magagawa nito? Ang alam lang naman ng babaeng 'yon ay magpasaway. Ipinagpatuloy ni Seven ang naudlot na pagtungo sa study room, at nang marating ang pakay ay kaagad siyang kumatok sa pinto na yari sa nara. "Come in. Bukas 'yan," anang tinig sa loob. Binuksan naman niya ang pinto at kaagad pumasok. "Good morning, Sir Kennedy," kaswal niyang bati sa lalaki at saka naglakad papalapit dito. "Good morning, Seven. Please have a sit," utos naman nito saka minuswestra ang swivel chair sa tapat ng desk nito. "Anyway, kaya kita ipinatawag dahil sinabi ni Mrs. Li ang nangyari sa inyo ni Kinette," panimula nito. Lihim naman siyang napamura nang marinig 'yon. Paano na lang kung sisantehin nga siya nito? "Sir, alam ko pong mali ako, pero 'di ko naman po sinasadya-" "I know, hijo," kaagad na putol nito sa kan'ya. "Ipinaliwanag naman ni Mrs. Li ang lahat kaya wala kang dapat ipag-alala. Ang totoo pa nga n'yan, natutuwa ako dahil ikaw lang ang tumagal na bodyguard sa anak ko," paliwanag pa nito sa kan'ya. Hindi naman sumagot si Seven, sa halip ay ngumiti lang siya sa kaharap. Kung alam lang nitong nagtitiis lang siya sa ugali ng suwail na anak nito for the sake of his mission. "And because of that, nag-decide na rin kami ni Mrs. Li na ikaw na ang bago niyang butler," anunsyo pa nito na ikinagulat niya. "Ikaw na ang magbabantay, mag-aalalaga, at poprotekta sa anak ko sa lahat ng oras..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD