Chapter 8

1196 Words
MAGKAHALONG kaba at takot ang lumukob kay Kinette nang lisanin niya ang disco bar sa Malate kung saan siya nag-hangout. Kababasa lang niya ng text galing sa bruhong si Seven at ibinalitang naospital ang kanyang butler. Kaya heto siya, halos paliparin na ang kanyang motorsiklo makauwi lang kaagad. She's f*****g worried about her butler. Pangalawang beses na iyong nangyari sa matanda at katulad noong una, katakot-takot na kaba ang kanyang nararamdaman. Si Mrs. Li na lang ang itinuturing niyang pamilya. Simula noong mamatay ang kanyang Mommy, ang matanda na ang tumayong pangalawang ina niya. Ito ang naging confidant niya, ang taong lagi niyang kakampi at karamay. Mas naging magulang pa nga ito kaysa sa kanyang Daddy na walang ibang inisip kundi ang mga b'wisit na negosyo nito. Mahalaga si Mrs. Li sa kan'ya at siguradong hindi niya kakayanin kung pati ito ay wawala sa kan'ya. Shit! Bilisan mo pa! mura niya sa isipan saka tinapakan nang mariin ang silinyador ng minamaneho. Mas itinodo pa ni Kinette ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo para makauwi kaagad. Good thing, alas-dos na iyon ng madaling-araw kaya malaya siyang umarangkada ng walang sagabal. Pagdating niya sa stop light ng high-way ay hindi na siya huminto pa o binagalan ang pagmamaneho. Nagtuloy-tuloy lang ang mas mabilis pa sa hangin niyang pagpapatakbo. Tutal, madaling araw na iyon at imposibleng mahuli pa siya. Isa pa, wala rin naman siyang kasabaya na motorista kaya hindi siya nag-aalala pang baka mabangga o makabangga pa. Nang makalampas ng stop light ay mas binilisan pa niya ang pagmamaneho ng kanyang Ducati, pero isang itim na SUV na humahagibis ang kasalubong niya na sa kamalas-malasan ay tinutumbok ang kanyang linya at mukhang babanggain siya. Mabuti na lamang at mabilis niyang nakabig ang motorsiklo at naiwasan ang kanyang pagsalpok sa paparating na sasakyan. Pero ang hindi niya napansin, tinutumbok na pala niya ang metal fence na nagsisilbing barrier sa gilid ng kalsada. Hindi na niya naikabig pa sinasakyan at sumalpok na siya roon. Naramdaman niyang tumama ang kanyang katawan at binti sa metal fence bago siya tumilapon 'di kalayuan sa motorsiklo. Nagdulot iyon ng sakit at hapdi sa kanyang kabuohan, pero hindi niya iyon masyadong ininda at mabilis na tumayo. Good thing, nakasuot siya ng helmet kaya safe ang kanyang ulo. Nang makatayo ay nilingon niya ang itim na SUV na siyang may dahil kung bakit siya bumangga, but unfortunately, mukhang nakatakas na ang hudas na nagmamaneho niyon. "Putang ina! Pasalamat kayo, nagmamadali ako!" sigaw niya saka itinayo ang natumbang motorsiklo. Napamura pa siya nang mas malutong nang makitang nabasag ang headlight at side mirror ng kanyang Ducati. Mga hayop kayo! Hahanapin ko kayo at pagbabayarin! mariing usal niya at saka muling ini-start ang sasakyan. Lihim pa siyang nagpasalamat nang makitang umaandar pa iyon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at muling pinaharurot ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung mahapdi ang kanyang braso at binti, o kahit wala siyang headlight at side mirror. Ang importante ay makauwi siya kaagad at malaman ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na butler. Wala pang isang oras ay narating na ni Kinette ang subdivision kung saan nakatira, at saka basta na lang niyang ipinarada ang motorsiklo sa harapan ng kanilang mansyon. Hindi na rin siya nag-abala pang mag-doorbell at walang habas niyang kinalampag ang bakal na gate na may sampung talampakan ang taas. "Goddammit! Open the gate, fuckers!" Mas nilakasan pa niya ang pagkalampag sa bakal na gate. Wala siyang pakialam kung makabulahaw man siya ng kapit-bahay, para ano pa't naging anak siya ng Mafia kung hindi iyon magagawan ng paraan? "Ms. Kinette!" gulat na salubong ng dalawang unipormadong bodyguards nang pagbuksan siya ng gate. Pero tiningnan lang niya ang mga ito nang ubod ng sama at nilampasan, saka humahangos na nagtungo sa main door. Wala na siyang lakas pa para pagalitan ang mga ungas. Ipasisisante na lang niya ito sa magaling niyang daddy. Pero hindi pa napipihit ni Kinette ang doorknob ay bumukas na iyon, at bumungad ang kanyang butler na bakas ang pagkagulat sa mukha. "Kinette, hija!" anang Mrs. Li at saka siya inakay papasok sa loob ng kabayahan. "Mabuti naman at umuwi ka na. Ang sabi ni Severino ay tinakasan mo raw siya." Halos magsalubong naman ang kilay niya nang makitang 'tila okay naman ang kanyang butler. Mukha itong masigla, hindi 'gaya ng sinabi sa text ni Seven na naospital ito. "Akala ko nasa hospital ka, Mama?" kunot-noo niyang tanong sa matanda. Padaskol siyang naupo sa three-seater sofa at pinagmasdan ng pagkaigi-igi si Mrs. Li. Bumukas naman ang pagtataka sa mukha ni Mrs. Li, pero mayamaya lang ay tila may naalala itong isang bagay. "Si Severino ba ang nagsabi niyan, hija?" She f*****g knew it! Unti-unti nang nag-sink in sa kan'ya ang lahat. Ang hayop na Severino 'yon ang may pakana ng lahat. Niloko lang siya ito para mapauwi . Ginawa lang nitong dahilan na naospital si Mrs. Li. Fuck you, asshole! Humanda ka sa panloloko mo! "Ang hayop na Severino na 'yon! Niloko niya ako, Mama!" Nagpupuyos sa galit siyang tumayo sa kinauupuan at nagmamadaling tinungo ang kusina kung saan ito parating nakatambay. Narinig pa niyang inawat siya ni Mrs. Li pero hindi niya ito pinakinggan. At hindi nga siya nagkamali nang maabutan si Seven sa kusina at prenteng-prente ang pagkakaupo sa stool habang may hawak na tasa. Nang makita siya ng ungas, sumilay ang nakalolokong ngiti nito. Dahilan para hindi na niya mapigilan pa ang sariling damputin ang oven toaster na malapit sa kan'ya at ibinato rito. "Hayop ka! Napakagago mo!" hiyaw niya saka muling bato ng kitchen knife na nakuha niya. Pero katulad ng oven toaster, maliksi lamang iyong naiwasan ng ungas. "'Di mo ba alam, demonyo ka muntikan na akong mamatay sa pagmamadaling makauwi?" mangiyak-ngiyak na sigaw pa niya. "'Tapos malalaman kong niloloko mo lang pala ako?! Gago ka ha? Ano'ng kasalanan ko sa'yo, ulol ka?" "Ms. Kinette, hija, huminahon ka!" awat ni Mrs. Li sa kanyang likuran. "Walang kasalanan si Severino. Ako ang nagsabing pauwiin ka rito!" Hindi niya pinansin ang umaawat na matanda, maging ang iba pang mga katulong at bodyguards na nabulabog dahil sa nilikha niyang ingay. Wala rin siyang pakialam kung magising pa ang kanyang daddy. Mabuti nga iyon, nang malaman naman nito kung gaano kawalang-hiya ang kinuha nitong bodyguard kuno. Pinagbabato niya ang lalaki ng lahat ng pwede niyang ibato para ibuhos ang kanyang galit. Wala siyang pakialam kung maubos pa ang gamit sa kusina sa kababato niya. Ang mahalaga, masapul niya ang ungas na noon ay nakatingin lang sa kan'ya at ni hindi nagsasalita. Mukhang nakunsensya ang hudas sa panloloko sa kan'ya. "Walang hiya ka! Pagbabayaran mo 'to! Ipapasisante kita kay Daddy! Makikita mo, ipapasisante kita!" nanlilisik ang mga matang hiyaw pa niya bago tumalikod at nilayasan ito. Pinahid din niya ang kanyang luha na hindi niya namalayang tumulo na pala. Galit na galit siya kay Seven. Hindi nito alam na halos mamatay na siya sa takot at pag-aalala dahil sa kakaguhang sinabi nito. Pagkatapos malalaman niyang pakulo lang pala nito iyon para mapauwi siya? Fuck you! Gagantihan kita! Makikita mo! Ipinapangako n'ya, hindi siya papayag na 'di makaganti sa ungas. Gagawa siya ng paraan para mawala ito sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD