Chapter 7

1672 Words
MATAPOS ang dibdiban at madugong habulan, in the end, nabigo si Kinette na makatakasan ang kanyang bodyguard wannabe. Napabilib talaga siya ng gago. Palibahasa’y racer din ang ungas kaya nagawa nitong makahabol sa kan'ya. "Ang lupit mo rin, 'no? Talagang hindi mo ako nilubayan," hinihingal na saad niya kay Seven habang ipinaparada sa tabi ng kalsada ang motorsiklo. Nasa Kawashima Racing club na sila noon at kapwa hingal-kabayo dahil sa nangyaring mini race sa pagitan nilang dalawa. "Ano? Bilib ka na ba sa'kin?" punong-puno ng yabang na tanong nito sa kan'ya saka bumaba sa motorcycle niyang itinakas lang nito kanina. Nag-aalis din ito ng suot na polo na siyang uniform nito sa trabaho. Pawis na pawis ang ungas, dahil maski ang suot nitong panloob na t-shirt ay basa rin ng pawis. Mistulan itong nakipagbuno sa sampung kabayo kung tiningnan. "Naka-tsamba ka lang, ang yabang mo na," nang-aasar na kuda niya habang pinupunasan ang pawisang mukha ng yellow towel na may print ni Spongebob at nakangising nakatingin sa bruho. May feeling siyang unti-unti na niya itong nagugustuhan... nagugustuhang asarin. Naiinis kasi siya sa t’wing napapatingin sa pagmumukha ng gago. Well, aaminin niyang hindi naman ito pangit, pero ‘di rin ito gwapo sa paningin niya. Basta naiinis lang siya sa tuwing nakikita ito. Period. “Sus!” Umiling-iling ito. “Ni hindi ka nga makalusot sa akin eh!” Sinamahan pa nito ng mapang-asar na ngiti ang sinabing iyon. Pumalatak lang siya sa pang-aasar na iyon ng kaharap. “In your f*****g dreams, Severino!” Pinagkadiinan pa niya ang pangalan ng lalaki na kaamoy nito—amoy lupa. Paano ko kaya matatakasan ang bruhong ‘to? isip-isip pa niya. Bigla na kasi siyang tinamad na mangangera dahil sa asungot niyang bodyguard kuno. Parang gusto na lang niyang mag-hangout sa favourite niyang disco bar sa Malate. Alam ko na! Lihim siyang napangiti nang maiisip kung paano matatakasan ang bruho niyang bodyguard. “Severino, nauuhaw ako! Ibili mo ako mg tubig!" utos niya rito pagkatapos punasan ang pawisang mukha at itabi ang towel sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang marinig iyon ng ungas ay bumusangot ito at humalukipkip. “For your information, Miss Kinette. Bodyguard ako. Hindi mo ako katulong, okay?” Matapos niyon ay isinampay nito sa balikat ang polong hinubad at sumampa sa nakaparadang motorsiklo. Sumandal si Kin patalikod sa sariling motor saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Kaya nga bodyguard, ‘di ba? Tungkulin mong bantayan ako at alagaan,” sagot niya sa ungas kahit parang gusto niyang maduwal sa sariling sinabi. “Or baka gusto mong ipasisante kita kay daddy?” Bantayan at alagaan? Yuck! Maisip pa lang niya ang bagay na iyon ay nangingilabot na siya. Hell no! Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kaniya. Lalong-lalo na ng tagapag-alaga. Hindi siya imbalido. Sa sinabi niyang iyon ay nawala ang pagkabungasot ng mukha ng ungas. Mukhang effective ang taktika niya. “Okay, fine!” sumusukong sabi nito saka bumaba sa motorsiklo. “Ibibili na po kita ng tubig, Kamahalan!” pamimilosopo pa nito. Pero hindi na niya pinansin pa iyon. Sa halip ay dinukot niya ang wallet sa kanyang pantalon at kumuha ng 1000 peso bill. “‘Yong malamig, huh?” bilin pa niya kunwari sabay abot ng pera. “Okay po, Kamahalan,” pang-aasar pa rin nito. “Ano po ba ang gusto ninyo? ‘Yong tubig pang galing sa North Pole?” Napangisi siya. Kahit kailan talaga, hindi magpapatalo ang isang ito sa pang-aasar. Ito lang ang bukod-tanging naging bodyguard niya na naglakas-loob na tratuhin siyang ganoon. “Kahit d’yan lang sa pinakamalapit na convenient store, basta mawala ka lang sa paningin ko, Severino. Medyo masakit kasi sa mata ‘yang paumukha mo,” ganting pang-aasar naman niya. “Tsk! Akala mo ang ganda,” bubulong-bulong pa nitong sagot sabay hablot ng pera sa kanyang kamay at nagmartsa paalis. Iyon ang kanina pa niya hinihintay. Ang mawala ang ungas sa kanyang paningin bago niya gawin ang plano. Tingnan natin kung makahabol ka pa! ngingisi-ngising sabi niya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. At nang tuluyan na nga itong mawala sa kanyang paningin ay saka niya nilapitan ang motorsiklong gamit nito at inumpisahang gawin ang naisip na plano. ° ° ° NANG makabili ng mineral water sa convenient store ng racing club ay nagmamadaling bumalik si Seven sa kinaroroonan ni Kinette. Nag-aalala kasi siyang baka takasan siya nito ng weirdong babae. Thank God! ‘Buti naman at hindi pinasok ng hangin ang utak ng babaeng ‘to. Kung hindi, baka kanina pa ‘to tumakas... ani Seven sa kanyang isipan habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng babae. “O, Kamahalan! Ito na po ang iyong malamig pa sa North Pole mong tubig,” aniya nang makalapit saka inabot dito ang isang litrong mineral water. Pero sa halip na abutin iyon, nagulat siya ng sumakay ito sa sariling motorsiklo at ini-start iyon. Naalerto tuloy siya. “No, thanks. Hindi na pala ako nauuhaw, Severino,” nakangising sagot nito pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan patalilis. Fuck! Buwisit ka talagang babae ka! Itinapon niya ang hawak na bote ng tubig at ipinasok sa suot niyang slacks ang sukli nito. Matapos niyon ay mabilis siyang sumakay sa motorsiklong gamit niya at binuhay ang makina. ‘Di mo ako matatakasan! Hindi pa ipinapanganak ang babaeng tatalo sa’kin sa karera! Kinabig niya ang sinasakyan at itinido ang pihit sa manibela para umarangkada. Pero sa halip na humarurot ang minamaneho, nagtaka siya dahil mabagal ang takbo niyon at tila siya tatalbog-talbog. s**t! What happen? Inis siyang bumaba para inspeksyunin ang gulong at napamura siya ng katakot-takot nang makumpirmang tama ang kanyang hinala. Flat ang dalawang gulong ng sinasakyan. Bwisit ka, Kinette Wong! May araw ka rin! mariin niyang wika habang nakatingin sa direksyon kung saan dumaan ang babae kanina lamang. Matapos maipa-vulcanize ni Seven sa talyer ng racing club ang motorsiklo ay nagpasya na lamang siyang umuwi sa mansyon ng mga Wong. Wala naman kasi siyang ideya kung saang lupalop nagpunta ang bwisit na anak na iyon ni Kennedy Wong. Tiyak, kapag nalaman ‘to ng durugistang si Kennedy Wong, masisisante ako! Papalpak ako sa misyon! aburidong isip-isip niya matapos i-park sa garahe ng mansyon ang motorsiklong gamit. “O,Severino!” bungad ni Mrs. Li pagpasok niya sa main door. “Nasaan ang alaga ko? Bakit ikaw lang ang umuwi?" usisa pa nito habang nakasilip sa kanyang likuran. Napakamot-kamot siya sa batok. “Matanik talaga ‘yang alaga niyo, Mrs. Li! Akalain mo ba namang tinanggalan ng hangin ang gamit kong motor para hindi ko siya masundan?” inis niyang litanya sa matandang Butler ni Kinette. Nagtutuloy-tuloy siya ng pasok hanggang sa kusina habang ito naman ay nakasunod sa kanyang likuran. “Ganoon ba, hijo? Pagpasenyahan mo na lamang si Ms. Kinette. Talagang palagi siyang ganoon sa lahat ng naging bodyguard niya,” hinging-paumanhin nito matapos ay nagtungo sa cabinet at kumuha ng dalawang tasa. “Kape, Severino?” “Sige po, Mrs. Li. Nang makapag-isip ako kung saan ko siya hahanapin ng ganitong dis-oras ng gabi,” sagot niya saka naupo sa stool at nangalumbaba sa babasaging dinner table. “May idea ba kayo, Mrs. Li, kung saan nagpupunta ang magaling mong alaga?” tanong niya sa matanda habang pinanonood itong magsalin ng brewed coffee mula sa percolator. “Naku, hijo! Masyadong malihim iyang si Ms. Kinette, eh. Wala akong ideya kung saan siya nagpupunta.” Inilapag ni Mrs. Li ang umuusok na tasa ng kape sa kanyang harapan at naupo sa katapat niyang upuan. “Maging si Sir Kennedy nga, walang kaalam-alam kung saan naglalagi ang kaisa-isang anak...” Kaya siguro ganoon katigas ang ulo ng babaeng ‘yon! Kulang sa aruga! Humigop muna siya ng kape bago bumaling muli sa matanda. “Eh may cellphone number po ba niya kayo, Mrs. Li?” “Oo, mayroon, Severino. Bakit?” “Tatawagan ko na lang po siya at pauuwiin." Napailing si Mrs. Li sa sinabi niyang iyon. "Huwag ka ng mag-aksaya pa ng oras, hijo. Hindi ka lang niya sasagutin." "Bakit naman, Mrs. Li?" "Hindi ugali ni Ms. Kinette ang sumagot ng text o tawag. Maski sa kanyang daddy. Maliban na lamang noong malaman niyang naospital ako dahil inatake ako ng altapresyon.” Sa narinig ay bigla siyang nakaisip ng idea. “Basta pakibigay na lang niyo sa’kin, Mrs. Li. Ako na ang bahalang pauwiin siya.” Kumindat pa siya pagkatapos sabihin iyon. “O, sige. Ikaw ang bahala.” Dinukot ni Mrs. Li ang cellphone nito sa bulsa ng house dress na suot at tumipa roon. Mayamaya pa’y inabot nito sa kaniya ang aparato. “Iyan ang number ni Ms. Kinette. Sanay mapauwi mo siya, hijo. Nag-aalala ako dahil maraming loko ngayon sa kalye.” Takot lang nila sa prinsesa ng Mafia! Gusto sana niyang sabihin iyon, good thing nakontrol niya ang bibig. Pumasok tuloy sa kanyang isipan kung may alam din ba ang matandang Butler sa maruming negosyo ng amo nito. “Okay, Mrs. Li. Leave it to me,” sa halip ay sagot niya saka kinuha ang sariling cellphone sa bulsa ng suot niyang slacks at kinopya ang number ni Kinette. Nang makuha ang numero ay tumayo siya sa kinauupuang stool at binitbit ang tasa ng kape. “Saan ka pupunta, Severino?" kunot-noong tanong ng matanda kay Seven. “Sa pool area lang po, Mrs. Li. Tatawagan ko lang po si Ms. Kinette,” aniya saka tinalukuran ang matanda at tinungo ang backyard kung saan naroon ang swimming pool. Pero sa halip na tawagan katulad ng sinabi niya sa matanda ay nag-compose siya ng text message para sa babae nang marating ang likod-bahay. To: Wirdong Alagad Ni Spongebob Ms. Kinette, si Severino ito. Umuwi ka ngayon din. Isinugod sa hospital si Mrs. Li. Inatake siya ng highblood. Nang makitang nag-send na iyon ay napangisi siya ng wagas. Tingnan ko lang kung ‘di ka magmadaling umuwi, usal niya saka lumagok ng kape sa tasang hawak-hawak. Ngayon pa lang, natitiyak niyang sa kaniya ang huling halakhak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD