PATRICIA'S P. O. V. Kung maraming tanong ang nasa isip ko noon, mas dumami pa ang mga tanong ko ngayon. Mas naguluhan ako ng marinig ko ang mga sinabi ni Mama. Paano nalang kung hindi ko siya nakausap? Mabubuhay nalang ba ako kasama si Miguel na puro kasinungalingan? "Anak? oh, ito, dinalhan kita ng pagkain." pumasok si Mama sa kwarto ko at may dalang mga pagkain. "Kumain ka na ha." dagdag pa ni Mama. "Kaya ko naman po bumaba, Ma." sagot ko. "Ano ka ba, matagal kitang hindi nakasama kaya hayaan mong pagsilbihan kita." sabi ni Mama bago hawakan ang aking pisngi. Matagal akong napa-hiwalay sa kanila kaya gagawin ko ang lahat maiparamdam lang sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Mom shared a lot of stories habang kumakain ako. Nabanggit niya rin sa'kin kung paano pinagdamot ni Migue

