Prologue
Malapit na ‘ko sa pupuntahan ko pero kinakabahan pa rin ako sa pagtakas na ginawa ko. Baka hanapin ako ng mga kaibigan ko. Sabi ko kasi pupunta lang ako sa kwarto ng make up artist ko pero umabot ako rito.
"Ma'am, nandito na po tayo." sabi sa'kin ng driver ko, agad akong bumaba at sumilip silip sa park na pagkikitaan namin. "Text nyo nalang po ako, Ma'am." he added.
"Tayong dalawa lang ang dapat makaalam nito, kapag tinanong ka nila kung nasaan ako sabihin mo wala kang alam. Okay?" sabi ko sa kanya at tumango naman ito. "Sige, ingat ka ha." dagdag ko bago pinagpatuloy ang paglalakad.
I'm just wearing a pajamas right now. Matutulog na kasi dapat ako nang tumawag siya sa'kin, kailangan ko raw kasing matulog ng maaga para maganda ako sa araw ng kasal ko.
Natatakot ako at kinakabahan at the same time. Hindi ko alam kung bakit kami magkikita ngayon. Nagbago na ba ang isip niya? Hindi na ba siya magpapakasal sa'kin?
Hanggang sa may nakita akong lalaking nakaupo, alam kong siya 'yon. Kilala ko ang future husband ko, mapatagilid at mapatalikod.
"Hon." imik ko. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa noo, dahilan ng paglala ng kaba ko. Tama ba yung naiisip ko? Is he breaking up with me?
Kumalas ako sa kanya. "Are you breaking up with me? Ayaw mo na ba? Hindi na ba natin itutuloy ang kasal bukas?" sunod sunod kong tanong sa kanya, bahagya namang kumunot ang kanyang noo dahil sa mga sinasabi ko.
"What are you talking about? No, I'm not breaking up with you."
“Tomorrow is our wedding day, tapos pinapunta mo ako ngayon? Sa tingin mo, bakit ako mag-iisip ng mga ganitong bagay?" dalas dalas kong sabi sa kanya. "Ano sagutin mo ako-"
Then he suddenly kissed me.
The time stopped dahil sa halik na 'yon.
"I'm not breaking up with you. I forced you to come here because i miss you." Parang gustong bumigay ng mga tuhod ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "I love you." dagdag pa niya.
"I love you too, Hon." nakatingala kung sagot sa kanya.
Wedding Day
Miguel & Patricia
Hindi ko maiwasang umiyak habang naglalakad patungo sa altar. Kita ko ang ngiti ng mga tao, abot tenga ang kanilang mga ngiti. Sana nandito sina Mama at Papa, sana nandito sila para ihatid ako sa taong mapapangasawa ko.
Ginala ko ang aking paningin sa paligid, pamilyar ang pagkaka-disenyo ng simbahan. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung disenyong iginuhit ko kasama si Miguel. Tinupad niya yung wish ko na ito yung maging disenyo ng Simbahan sa araw ng kasal namin.
Hindi ko akalaing maaalala niya ang maliit na bagay na 'to. Maliit na bagay pero grabeng saya ang naidulot sa'kin.
Buti nalang matibay ang make up na inilagay sa'kin ng make up artist ko. Sure kasi siyang iiyak ako sa araw na 'to at sino bang hindi?
Papalapit ako ng papalapit sa taong mahal na mahal ko. He looks perfect today. Actually, everyday. Since the day i met him.
He's not perfect but I know that he'll be a good husband and a good father to our children.
Yes, I broke the rules of my parents but it's worth it.
"Do you take Patricia Andrada as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
"I do, Father." Migs replied.
"Do you take Miguel Reyes as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
"I do, Father." I replied.
"I invite you to seal your promise with a kiss." dahan dahang inangat ni Miguel ang belo ko, then, he kissed me.
Yung halik na palagi kong hinahanap-hanap.
Agad na nagpaulan ng palakpakan ang mga tao at nagsigawan. Agad naman akong binuhat ni Migs hanggang sa makalabas kami ng simbahan.
I'm now Patricia Andrada Reyes. Una ko palang nakilala si Miguel ay pangarap ko ang mapunta ang apelyido niya sa dulo ng pangalan ko. Kasi... Kasi doon naman talaga ito nababagay. Hindi ba?
Ngayon, nakakasigurado akong hindi ko tatahakin ang buhay na ito ng mag-isa. Kasama ko ang Asawa ko sa lahat ng pagsubok na kakaharapin ko.