A seductive voice and a sound of the guitar made me open my eyes. Agad akong napangiti dahil sa tunog na iyon. Bumangon ako at tumindig. Hinawi ko ang kurtinang lumilipad-lipad dahil sa hangin. Bumungad sa'kin ang Asawa kong tumutugtog ng Gitara.
Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa kanyang tabi habang nakangiti na tila'y nabibighani. Nang mapansin niya ako ay agad siyang napangiti. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at inihilig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat.
I'll be the one that stays 'til the end
And I'll be the one that needs you again
And I'll be the one that proposes in a garden of roses
Bakit ganon, hindi ko magawang mag-sawa sa boses niya. Eh uma-umaga niya ako hinaharana.
Sabi nila, sa pagtagal na kasama mo yung isang tao. Nawawala yung pagmamahal mo sa kanya kasi unti-unti tayong nagsasawa sa kanila. Pero ako? Araw-araw akong nahuhulog sa asawa ko, araw-araw akong may natutuklasan sa kanya at hindi ako mapapagod na kilalanin pa siya sa mga darating pang araw na kasama ko siya.
He never failed for making me happy.
Hindi ko na napigilan kaya sumabay na ako sa pagkanta ng aking Asawa.
Ang swerte ko.
And truly loves you long after our curtain closes
But will you still love me when nobody wants me around
When I turn eighty-one and forget things will you still be proud?
Nang matapos namin ang kanta ay agad niyang inilagay ang gitara sa lamesa at nag senyas na maghintay ako dito.
Pumasok siya sa loob at gaya ng sabi niya, nag-stay ako dito sa labas.
"Hon," paglingon ko ay may hawak siyang mga pulang rosas, i can't explain the feeling but Migs is the sweetest husband ever. Agad akong tumayo at niyakap siya, i don't know pero hindi ko na napigilang mapa-iyak sa harap niya.
Ramdam ko ang pagkalog ng balikat niya, pinagtatawanan niya na naman ako. Agad akong kumalas at hinampas siya sa dibdib, tinanggap ko ang mga rosas at bahagya ko itong inamoy.
I wiped my tears while Migs is busy laughing at me. "Why are you crying?" tanong nito habang tumatawa.
"Anong meron? Bakit may roses?" tanong ko.
"I just want to make you happy, at saka binibigyan naman kita ng flowers kahit walang okasyon dba." sabi nito. Nagpout ako sa harap niya habang siya natatawa pa rin. Iyakin kase ako, and i can't help it! "Don't cry na," pinunasan nito yung mga luha ko at ngumiti. "I love you." sambit niya.
Hinalikan ko siya sa Labi "I love you too hon!" at niyakap ko naman siya ng mahigpit.
Kapag niyayakap ko ang Asawa ko ay naririnig ko ang t***k ng puso niya, hanggang dibdib lang niya kasi ako eh.
Sorry, maliit eh.
Bumaba na kami at dumiretso sa Kusina. Bumungad sa'kin ang mga lutong ngayon ko lang ulit nakita. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga luto ni Migs. "Are you serious hon? Dapat ginising mo nalang ako para ako na nag prepare ng breakfast." sabi ko.
"It's okay hon, na miss ko rin namang mag-luto." hinawakan niya ako sa bewang at saka inihatid sa Lamesa. Hinila niya ang upuan ko para makaupo ako. Napaka-gentleman.
Oh i almost forgot-
"Good Morning my princess, how's your sleep?" tanong ko sa panganay namin ni Migs na si Olivia.
Yes, meron kaming anak. And she's already 4 years old. 24 years old kase ako ng nag-propose sa'kin si Migs at kinasal naman kami after ng 3 months na preparation. Migs is my 6 years boyfriend, so bakit pa ako magdadalawang isip if he brings out the best in me?
And after 1 month, nakaramdam ako ng kakaiba na mga buntis lang ang nakakaramdam. And then, we decided to see a doctor and the result is i'm 2 weeks pregnant to Olivia.
"Okay naman mommy, how about you and daddy?" asked by her.
"Okay naman baby," sagot ni Migs at saka pinisil ang pisngi ni Olivia na agad ko namang sinaway.
"Hon!" saway ko dahilan para mabilis niyang alisin ang kanyang kamay sa pisngi ni Via. "Wag mong pisilin, maglalaway si Via!" seryoso kong sabi.
"Ay. ganun ba?" sabi nito at saka tumingin kay Via. "Pisilin din natin ang pisngi ni Mommy!" agad niyang pinisil ang pisngi ko at gigil na gigil pa.
"AHH!!" sigaw koo. Halos mabanat ang ilong ko sa pagpisil niya sa pisngi ko, hindi na rin ako makapagsalita dahil sa sakit.
"Aba baby via, ang mommy naglalaway!" pang-aasar pa nito habang pisil ang aking pisngi. Agad namang natawa si Via dahil sa ginagawa ng papa niya sa'kin.
Binitawan ni Migs ang pisngi ko na agad ko namang hinawakan dahil sa sakit. "Joke lang," tumayo si Migs at saka ako niyakap at hinalikan ang pisngi. "Cute, Cute kasi ni Mommy!" pagkatapos ng pang-uutong 'yon ay tinadtad niya ako ng halik. Tuwang tuwa naman ang anak namin dahil sa ginawa sa'kin ng Daddy niya.
Hays, mag-ama nga.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na si Migs para makapasok sa Ospital. Pediatrician kasi si Migs, yon ang kinuha niyang kurso. Mahilig kasi siya sa mga bata. Naalala ko pa noong una naming pagkikita,
Bakit naman ngayon pa umulan? Hindi ako pwedeng ma late sa birthday ni Mama kung hindi, baka grounded na naman ako this week or maybe hanggang next week. Hays.
Ginawa ko na lang payong ang mga libro ko dahil naiwan ko ang payong ko sa 7th floor ng building namin. Bahala na, tatakbo na lang a-
"Miss, pasensya na." bumagsak ang mga libro ko at lumubog sa tubig. "Babayaran ko nalang ang mga libro mo, pasensya na talaga." sabi nito habang tinutulungan akong damputin ang mga basa kong libro. Pero hindi ko na magawang pansinin ang paliwanag niya, dahil lagot na talaga ako.
"Okay lang, okay lang." sabi ko. Nang maibigay niya ito sa'kin ay agad na akong tumakbo ng biglang,
*beeeeppppp*beeeepppp*
"Miss!" halos tumalon ang puso ko sa takot dahil akala ko ay mababangga na ako ng kotseng iyon.
Kaharap ko ngayon ang lalaking nakabangga sa'kin at ngayon ay.. sumagip sa buhay ko. Nahuli ako ng kanyang magagandang mata, halos hindi ko na matanggal ang tingin ko sa kanya kahit basang basa na kami ng ulan. Ang ganda ng mga mata niya, para bang pinipigilan ako nitong umalis.
Kahit basang basa ang pilik mata nito ay hindi pa rin masapawan ang kagandahan ng kanyang mga mata.
"Okay ka lang?" tanong nito. Bahagya akong tumango sa tanong niya. Ngayon ko lang napansin na nakahawak pala siya sa bewang ko at sobrang dikit na ng dibdib ko sa kanya.
Nagising nalang ang diwa ko ng pakawalan niya ako at kunin ang mga libro ko. Naawa naman ako bigla sa mga libro ko. Hays.
Pagkatapos non ay mabilis niya akong hinigit sa malapit na tindahan dito sa school namin. "Magpatila ka muna, malakas ang ulan." sobrang gwapo niya, lalo na't wet look pa.
"Ha? Hindi pwede, mahuhuli ako sa birthday party ng Mommy ko." sagot ko.
"Gusto mo bang maulit ulit yung kanina? Ng dahil sa pagmamadali mo, muntik ka ng mamatay." seryoso nitong sabi habang pinatutuyo ang kanyang buhok.
"Okay." sagot ko. Nagulat nalang ako ng samaan niya ng tingin ang dibdib ko, aba at bakit?
"Oh," inabot niya sa'kin ang jacket niya. bakit? Basa pa rin naman 'to kaya wala pa rin kahit isuot ko, lalamigin pa rin ako. "Bakat na yung baby bra mo." sabi nito sa' kin na ikinagalit ko.
"Excuse me?" bahagya itong tumawa at ngumiti. Nako! Wag niya akong ma daan daan sa ngiting 'yan.
"Biro lang, nga pala, anong course mo?" pagiiba nito ng usapan na dahilan ng pag-ikot ng aking mata.
"Law, ikaw?"
"Pediatrician, i love kids eh." sagot nito.
"Wow, ikaw palang yung lalaking nakikilala ko na mahilig sa bata. Meron pa pala." sagot ko.
"Kaya pag nagka asawa ako, gusto ko eight hundred fifty-six ang anak ko." sabi niya dahilan ng paglaki ng mata ko.
"Ano?!"
"Biro lang, ayoko namang mahirapan ka." sagot nito, talagang!
"Talagang-" naputol nalang ang sasabihin ko ng may kotseng pumarada sa harap namin. Si Nick.
"Pat, halika na! Sabay na tayo!" hindi ko na magawang sagutin si -
"Teka, anong pangalan mo?" tanong ko.
"Sige na, baby bra. Ingat kayo." agad itong tumakbo sa kalagitnaan ng ulan. Gusto kong magpasalamat at tanungin ang pangalan niya pero huli na ako.
"Pat! Let's go!"
"Mam, okay lang po kayo?" agad kong nilingon si Manang, "Bakit po kayo nakatulala?" tanong nito.
"Ah! Wala, wala. May naalala lang ako" sagot ko at saka siya nginitian. "Ah, manang. Nahugasan ko na ho ang mga pinggan, makikipatas nalang ho mamaya." utos ko kay manang.
"Okay po Mam." tugon nito.
Binuhat ko na si Via at dinampot ko na rin yung bulaklak na bigay ni Migs sa'kin at umakyat na kami sa kwarto. Isinara ko muna yung pinto bago ilapag si Via, malikot kasi itong prinsesa namin.
"Via, play with your toys muna ha." inilapag ko na siya at ako naman ay pumunta sa gilid ng kama namin ni Migs. Binuksan ko yung maliit na cabinet at kinuha ko yung malaking album.
Kahit nililigawan palang ako ni Migs, kinekeep ko yung flowers na binibigay niya sa'kin. Nilalagay ko dito sa album, kahit na lanta na sila hindi ko pa rin inaalis kasi mahilig akong mag-ingat ng mga bagay na mula sa kanya.
Kumuha ako ng Double sided tape para madikit ko yung binigay ni Migs sa'kin kaninang umaga.
When I put flowers in this album nagiiwan ako ng note sa gilid at nilalagay ko dun kung paano binigay sa'kin ni Migs yung flower and bakit niya ako binigyan. Kapag kasi, binabasa ko 'tong mga 'to. Bumabalik yung time na 'yun, yung moment na yun. Nagiging sariwa ulit sa sa isip ko.
Madalas nagbibigay sa'kin si Migs ng flowers, kapag may okasyon o kahit walang okasyon. Kapag kasi binibigyan ako ni Migs ng Flowers, feeling ko, ang ganda ko, ang perfect kong tao, at alam mo yun.. yung ramdam mong mahal na mahal ka ng Asawa mo.
I can say that, Migs is the best gift ever. Nakita ko, at nakita na niya ang worst naming dalawa pero kahit ganun, nag-stay kami sa isa't isa. Magkasama kami sa hirap at ginhawa at kahit anong unos pa ang dumating sa buhay namin. Magkasama namin 'tong haharapin.
"Mommy, why are you crying?" tanong sa' kin ni Via. Hinawakan ko ang pisngi ko, hindi ko akalain na napaluha na pala ako.
"Tears of Joy anak." sabi ko, "Hug mo nga si Mommy." niyakap niya ako at saka hinalikan sa pisngi.
"Siguro si Daddy ang iniisip mo, kaya tears of joy." sabi ni Via na dahilan ng aking pagtawa. Tumango ako at nginitian siya. "I love you, mommy." sabi niya.
Hinalikan ko siya sa Noo "I love you too, baby." tugon ko.