"Bakit mo naman ako binigyan nito? Wala naman akong pag-gagamitan, Sis." sabi ko kay Cali habang nasa harap ng salamin at pinagmamasdan ang sarili. Cali gave me a rose gold dress na may glitters pa. Hindi ko alam kung saan ko 'to pwedeng gamitin pero nagustuhan ko naman s'ya kasi nagustuhan ko naman 'yung kulay at yung pa-glitters effect nung dress. "Hi, Mommy! Hi, Tita Cali!" rinig kong sabi ni Via nang pumasok ito sa kwarto. "Hello, baby." sabi ko, agad ko naman s'yang nilingon nang makita ko ang reflection n'ya sa salamin na naka bihis s'ya. "Saan ang punta mo, baby? Sinong nag-ayos sa'yo?" tanong ko sa kanya nang makaalis ako sa harap ng salamin para lingunin s'ya. "May pupuntahan daw tayong party–" natigil ang sasabihin ng anak ko nang biglang hawakan ni Cali ang kanyang bibig.

