"Kumusta ka?" tanong ko kay Cindy. Nandito ako ngayon sa kanila. Hinayaan ko na muna s'yang mag-stay dito habang nagpapagaling s'ya. Pero tuloy pa rin naman ang kaso at walang makakapigil sa'kin. "Salamat sa pagpunta." sabi nito sa'kin kaya pilit nalang akong ngumiti. Hindi pa rin nawawala ang galit ko kay Cindy at gusto ko pa rin s'yang makulong at magbayad sa lahat ng ginawa n'ya sa pamilya ko. Syempre kahit galit ako sa kanya ay gusto ko pa ring gumaling s'ya bago s'ya ikulong. Gusto kong unti-unting sumiksik sa utak n'ya ang magiging buhay n'ya sa kulungan. "Cali told me na may sasabihin ka raw. Ano 'yon? May pupuntahan pa kasi ako." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Malakas ang t***k ng puso ko ngayon at medyo hinahabol ko ang aking hininga. Sa tuwing s'ya ang nasa harap ko a

