MIGUEL'S P.O.V "Finally! Dr. Reyes arrived!" malakas na sigaw ni Brent which made my eyes roll at him. Masyadong malakas ang beat dito sa bar kaya wala naman masyadong nakarinig. Punong-puno rin ng sigawan ang loob ng bar na 'to dahil sa magbabarkadang nagkumpulan sa kabilang table. "Kumusta?" inabot ko ang mga kamay nilang naka-lutang sa ere. "Tangina, na-miss ko kayo." dagdag ko nang magdikit ang aming mga kamay. "Ikaw ang kumusta, doc!" balik na tanong naman sa'kin ni Kiko. Kahit hindi pa nila ako inaalok ng inumin ay agad kong tinungga ang alak na nasa baso. "Oh! Frustrated!" pang-aasar na sabi nito sa'kin, agad naman s'yang siniko ni Brent. Nahalata yata nila sa pagtungga ko ng alak at sa itsura ko ngayon. Ilang gabi na rin kasi akong hindi makatulog dahil sa pag-iisip sa asawa ko

