Chapter nineteen "I'm sorry, Miguel. Hindi ko pa kayang sumama sa'yo." gustuhin ko man pero kailangan kong maging makasarili ngayon. Kailangan ko pang klaruhin ang mga tanong na nasa utak ko. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya, mga mata niyang may luhang gustong mag-badya. Mabilis akong pumasok sa loob dahil hindi ko na makayanan. "Anak, halika na, kumain na tayo." tawag nito sakin. "Ayokong kumain ma, wala na akong gana. Don lang po muna ako sa kwarto ko." mahinahon kong sabi. Aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita ako ni Mama. "Nakita ko kung paano mo tingnan si Miguel kanina. Hindi ba't pinagsabihan na kita? Hindi ka ba naniniwala sa mga kwento ko?" sabi nito sa'kin. "Ma, sa tingin mo, bakit kaya ganon ang tingin ko kay Miguel? May hindi ba kayo sinasabi sa'kin?" mag

