ARAW ng kasal ng kabigan nilang si Mitch at maaga naman silang natapos ayusan. Nagtungo agad sila sa Garden Valley kung saan gaganapin ang kasal ng dalawa. Pagkarating nila roon ay lalo na naman silang namangha sa paligid dahil sa napakaganda at magical ang kanilang nakikita. Ito rin ang araw na maka-isang dibdib ng kaibigan niya ang lalaking itinakda para dito sa pangalawang pagkakataon. Tanging mga kamag-anak at malalapit mga imbitado ang mga naroon kabilang na ang ilang matataas sa lipunan ng White Society. Ang White Society ang isang lipunan na kinabibilangan ng mga imortal at ang namumuno rito ay si Sifu. Dito rin nila isinasagawa ang mga mahahalagang pagpupulong ng mga diyos para sa katahimikan at kapayapaan.
"Nakita niyo iyon? Ang mga magulang nila na halos kasing-edad lang natin. Hindi sila tumatanda!" Hindi napigilan ni Jona ang magkomento nang makita ang mga bisita.
"Imortal sila kaya natural lang iyon! Ano pa bang aasahan natin?" Tugon naman ni Anna. "Napakahiwaga talaga ng mundo."
"Oo nga naman! Kahit ako ay namamangha sa kanila at maswerte tayong nakasama sa mahalagang okasyon ng kalahi nila," wika naman niya.
It's like a fairytale wedding, as the bride and groom requested. Kakaiba sa nakikita niyang fairytale movies. Maraming magaganda at magarang palamuti sa paligid. Ang mga puting bulaklak ay namumukadkad habang sumasabay ang magandang hatid ng pagsikat ng haring araw sa buong lugar.
And the wedding ceremony has started. Mula sa paglalakad nila sa red carpet, hindi niya naiwasang sulyapan ang kinaroroonan ng mga binatang tinagurian ng kaibigan niyang taga-Olympus. At sa tuwing nangyayari ang ganoong eksena, tila sinasadya ito ng tadhana. Those glimpse of his eyes staring at her while she walks through the aisle. Her heart beats so fast as everything turns equally magical. Ang kabang iyon na pilit niyang kinokontrol sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nag-uumpisa na namang magrambulan. Curse! Agad siyang nagbawi ng tingin dito at sinikap na ituon ang atensiyon sa kasalukuyan. Hindi na niya ito muling sinulyapan hanggang sa matapos ang wedding ceremony.
DUMIRETSO na ang lahat sa wedding reception at doon na ipinagpatuloy ang pangalawang yugto ng pag-iisang dibdib ng dalawa. Mababanaag sa mga mata nila ang labis na kasiyahan kahit alam nilang mapait ang sasapitin nila sa huli. Ayaw man niyang isipin iyon ngunit hindi rin niya maiwasan.
Kumakanta na ang kaibigan niyang si Sam nang mga sansaling iyon at nasa harapan ito kasama ang binatang si Apollo. Sa kalagitnaan pa lang ay nagpaalam muna siyang tumungo ng powder room. Habang naglalakad siya, nanunuot ang magandang tinig nito sa kaniyang tenga. Sam has a nice voice. I wish I could have that tone. Kung bakit kasi hanggang banyo lang boses ko. Hindi niya maiwasang matawa sa sarili at maalala ang mga sintunado niyang pagkanta. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi na binasa ang nakasulat sa pinto nang pihitin na niya ang doorknob nito.
Pumasok siya sa isang cubicle na hindi na inalintana ang nasa paligid. Sakto namang walang katao-tao sa loob kaya sumasabay siya sa pagkanta ng kaibigan. Mas lalo pa niyang nilakasan ang boses habang nasa loob.
Ilang minuto pa ang lumipas, lumabas siya at diretsong naghugas ng kamay. Kumuha siya ng tissue at pinahid pagkatapos. Itinapon niya iyon sa trash bin saka pinasadahan ang mukha sa malaking salamin. Napuna niyang maluwang ang pagkakatali ng halter sa leeg niya kaya inaayos muna niya ang mahabang buhok sa isang side saka tinanggal sa pagkakabuhol ang tali sa likuran. Upang makita niya ang pag-aayos sa salamin ay kailangan pa niyang tumagilid. Hindi man lang inayos ito ng baklang nagtali nito sa leeg ko. Paano kung nalaglag ito e 'di nakitaan na ako? Wardrobe error na naman! Pambihira! Reklamo niya.
Halos kita na ang kalahati ng mapuputi niyang dibdib nang biglang may isang lalaking lumabas sa isang cubicle. Nakita niya iyon sa repleksiyon ng salamat pati na rin ang reaksiyon nito nang makita siya.
"Aaayyy!" Sigaw niya nang makita ito saka tinakpan ang dibdib niya. Sinulyapan niya ang lalaking lumabas ng cubicle. Nanlaki lalo ang mga mata niya nang makilala ito. Adrian?! What are you doing here?!
"Ako ang dapat magtanong niyan. What are you doing here?" Seryoso ang tingin nito sa kaniya saka napakunot-noo rin ito.
"Huh?!" Bahagya siyang natigilan dito. Nababasa niya ang sinasabi ko? I mean—oo nga pala! Nakalimutan ko na naman.
"Hindi ka ba nagbabasa? This is men's restroom!"
"Men's restroom?" Mas lalo siyang natigilan saka niya inilibot ang paningin sa paligid. Noon niya napansin ang dalawang urinal. s**t! Nagkamali ako ng pinasukan.
Marahan itong naglakad papalapit sa kaniya na siyang dahilan kung bakit nag-uumpisa na naman maging maligalig ang puso niya. Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng isang maaliwalas na ngiti na siyang nagpapadagdag sa karismang taglay nito. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit din ganoon na lamang ang epekto nito sa pagkatao niya.
"Would you mind if I fix that?"
"Huh?!"
"Ako na ang magtatali. Don't worry, wala akong gagawing masama."
"Ah...s-sige." Napalunok siya saka bahagyang inayos ang sarili.
Naglakad ito papalapit sa kaniya at siya naman ay muling humarap sa salamin. Mula roon ay kitang-kita niya ang repleksiyon na galaw ng binatang nakangiti lang sa kaniya. Marahan nitong kinuha ang magkabilang tali saka hinawi rin nito ang ilang hibla ng buhol niya sa leeg. Abot-abot ang kaba niya sa dibdib nang magsimula na ito sa ginagawa habang hindi niya inaalis ang tingin dito.
"Sa susunod ay basahin mo muna ang nakapaskil sa labas," wika nito.
"Sorry. Na-overwhelmed ako sa pagkata ni Sam," tugon niya.
"Mga mortal nga naman. Paano na lang kung hindi ako ang nandito?”
Napatitig siya sa mga mata nito sa repleksiyon ng salamin. "Mabuti na lang at ikaw ang nandito, Adrian."
"Achilles. I want you to call me that name." He whispers on her ears then smirked again.
"Is it the same with—"
"Yeah. But I want you to call me by my ancient name." Tumigil na ito sa ginagawa.
"Alright. Tapos na ba?"
"Yes."
"T-thank you." Inaayos niya ang buhok ngunit hindi pa rin umaalis ang binata sa likuran niya. Kung mananatili sila sa ganoong sitwasyon, baka hindi na niya makayanan pa ang uneasy feeling dito.
"Relax, Khale. Ako lang ito."
Lihim siyang napakagat-labi. Alam na alam na nito ang nararamdaman niya sa ngayon. "Nararamdaman mo rin pala kaya pwede ka ng umalis sa likuran ko." Pilit niyang pinapatatag ang sarili.
"No. I won't. Unless, humarap ka sa akin."
It's a kind of magical words that ordered her to follow him. She slowly turn around and face him with courage. "Ginagayuma mo ba ako?" Kunot-noong tanong niya sa binata.
Natawa ito. "A spell? Of course not! I don't need to do that or anyone else. I want you to feel at ease whenever I'm near. Hindi ako katulad ng ibang...alam mo na may kakaibang kakayahan na aloof sa mga mortal na tulad mo. That's what I wanted to feel you when I gave you a bunch of roses two years ago but, you dumped it like it was a trashed."
Pinamulahan siya ng mukha saka siya bahagyang yumuko. Hindi siya makatingin dito nang diretso sa nangyari sa kanila noon. Alam niyang may punto rin na may kasalanan siya sa nangyari ngunit hindi niya lang maatim ang biro nito. Likas naman na maputi at makinis talaga ang balat niya kahit noon pa man. Ipinaglihi siya ng ina niya sa gatas ng kalabaw.
“But, don’t worry. I already accept that since it was my fault to tease you. Friends?” Inilahad nito ang kanang kamay sa kaniya.
Muli siyang nag-angat ng tingin dito. It seems that he’s serious while stares on his steel-grey eyes. Tila nangungusap din ang mga mata nitong nanatili lang nakatitig sa kaniya at hindi na nasunod ang paalala ng kaibigang huwag makipagtitigan dito. Kagyat na bumaling siya sa nakalahad nitong kamay at tinanggap iyon. Naramdaman niya ang mainit nitong palad habang sila ay magkadaop. It was a strange feeling, a sparks. Agad naman siyang nagbawi ng kamay dito upang matigil ang kakaibang emosyon iyon sa pagkatao niya.
“F-friends. I mean…we are friends,” bahagya siyang ngumiti rito.
“Good. Anyway⸺”
Natigil ang binata nang biglang may narinig silang katok na nagmumula sa pinto ng men’s room sa labas. Mabilis na nakalingon silang dalawa roon.
“May tao!” sambit niya.
“Leave it to me.”
Naglakad ang binata patungo sa pinto at binuksan ito. Nanlaki naman ang mga mata niya nang buksan nito ang pinto at baka ano ang isipin ng tao sa labas. Sinundan niya ito hanggang sa nakita niya ang lalaking hindi na nakagalaw. Mas lalo siyang namangha at napamaang dito. Isang crew ito sa reception sa kasal ng kaibigan at nakaangat pa ang kamay nitong habang kumakatok. Muli niyang sinulyapan ang binata ngunit nakangiti lang ito sa kaniya. Siya naman ay tuluyan na rin nakalabas saka sinulyapan ang nakapaskil sa pinto. Nasa men’s restroom nga siya.
“Paanong⸻” Gumuhit sa mukha rin niya ang pagkagulat sa sitwasyon ng lalaki.
“It’s magic! Let’s go. I’m hungry.”
“Huh? P-paano siya?” Sinusulyapan pa rin niya ang lalaking nanatili lang sa ayos nito.
“He will be alright.”
Niyaya na siya ng binatang muling bumalik sa reception at hinayaan na lang ang lalaki. Noon niya napagtantong hindi lang pagbabasa ng isipan o damdamin ang kaya nitong gawin kung ‘di pati na rin ang pagtigil ng oras. Sumunod na lamang siya rito.
KINAGABIHAN, tinawagan siya ni Achilles na magkita sila sa labas ng Root Valley. Hindi na siya magtataka kung bakit alam na nito ang number niya kaya mabilis din siyang bumaba at tinungo ang malaking gate. Nagtataka rin siya kung bakit nais nitong magkita sila sa labas. Ano naman ang kailangan niya? Idinungaw pa niya ang ulo sa maliit na gate at palingon-lingon sa paligid. Maliwanag naman doon kaya wala siyang dapat ikatakot. Sampung minuto na ang nakalipas nang bumaba ako ngunit wala namang tao rito sa labas. Sabi niya saglit lang at nandito na siya.
Ilang sandali pa ang hinintay niya ngunit wala pa rin ang binata kaya nagdesisyon na siyang bumalik sa loob. Hindi rin siya maaaring magtagal sa labas dahil sa utos ni Zeus na huwag silang aalis na walang kasama. Naglakad na siya pabalik nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
“Saan ka pupunta?”
Napatigil siya sa paglalakad saka nilingon ang boses ng lalaking nagsalita sa likuran niya. Kitang-kita niya ang maaliwalas na mukha ng binata mula sa liwanag ng posteng nakatapat dito.
“Ikaw pala. Kanina pa ako naghihintay dito,” bahagya siyang napaismid. Sa lahat ng ayaw niya ay pinaghihintay siya ng kahit sino.
“Sorry. I talked to my sister some important matters. Tara na,” yaya nito.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Sa bahay.”
“Sa bahay nino?”
“We are going to my house, Madame!” Pagdidiin nito sa huling sinabi.
“Oh, anong gagawin natin doon?”
“Basta. Humawak ka sa kamay ko.”
Mas lalo siyang napakunot-noo rito. “And why?”
“Huwag ng madaming tanong. Just hold my hand or I will hold yours.”
Sumunod na lamang siya sa sinabi nito at humawak sa kamay ng binata. Labag man sa kalooban niya ngunit sa huli ay wala rin siyang nagawa. Ayaw na niyang maulit ang pakiramdam kanina nang magkadaop ang kanilang mga palad. Maya-maya pa ay saglit na tumigil ang oras niya nang may kung anong puwersa siyang naramdaman sa paligid.
“Huh!” Halos hindi siya makahinga ng ilang segundo sa pangyayaring iyon na hindi niya maintindihan. Nang muling bumalik ang kasalukuyan niyang sandali, napuna niyang iba na ang kaniyang kapaligiran. “N-nasaan tayo?! Kaninong bahay ito? Sa’yo? Paano tayo nakarating dito?” Sunod-suno niyang tanong.
“Mas lalo kang naging kulay suka,” asar nito sa kaniya.
Masama ang tinging ipinukol niya rito. “Ulitin mo pa iyan, tatamaan ka na sa akin,” banta niya.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “Uulitin ko kung kailan ko gusto. Anyway, let’s go inside.” Nagpatiuna na itong maglakad papasok.
Napaismid siya rito ngunit sumunod naman siya sa binata. Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid ng bahay nito. It’s Europian type of house that very elegant and huge. Iyon ang kauna-unahang beses na makakatuntong siya sa bahay nito. Pagpasok niya sa pinakaloob ng bahay, mas lalo siyang namangha sa nakita roon. May taste siya. Ang ganda ng mga designs! Bongga itetch! Hayun na naman ang mga beki words niya.
“Have a sit. I’ll get some drinks. What do you want?”
“Bahala ka na. May kakayahan ka naman kaya alam mo na ang gusto ko.” Ipinaubaya na lang niya rito ang pagpili sa iinumin dahil alam niyang nababasa na nito ang mga gusto at hindi niya gusto. Immortal knows everything!
Napangiti na lang ito saka ito tumalikod na wari ay nabasa niya ang sinabi niya sa isipan.
Marahan siyang naupo sa malambot na sofa. Nasa sala siya habang naaliw siyang ilibot ang mga mata roon. Napako ang paningin niya sa isang pamilyar na estatwa na kahalintulad ng mga nasa Greek Mythology na hubo’t hubad. Nasa isang sulok ito ngunit mapupuna agad dahil wala itong saplot. May dala itong kalasag at espada. Jusko! Hindi man lang dinamitan. Nakita na ang⸻ Nasapo niya ang bibig habang iniharang ang isang kamay sa gilid ng mukha niya upang hindi makita ang maselang bahagi nito.
“Enjoying the view?”
Nag-angat siya ng tingin kay Achilles na naroon na at may dala-dalang milk tea. Inilapag ito sa center table kasabay ng straw nitong nakabalot pa sa plastic. Napuna rin niyang napapangiti ito.
“Ngayon ka lang ba nakakita ng estatwang nude?” Pilyo ang mga ngiti nito sa kaniya saka ito tumabi sa kinauupuan niya.
“Ha? Anong nude?”
“Maang-maangan ka pa. I know right.”
Napailing siya. “Kasalanan iyan ng estatwa mo!” Kinuha niya ang milk tea at straw saka binutasan sa gitna. Natatakam na siyang tikman ang brown sugar with black pearl milk tea. Alam na alam niya ang favorite ko!
“Here,” sabay iniabot sa kaniya ang maliit na sobre.
“Hmm?” Sinulyapan niya ito. Nakita niya ang puting sobreng iniabot nito na wala naman itong hawak kanina. “Para saan iyan?” takang tanong niya rito.
“Ayuda.”
“Ayuda?” Biglang nangislap ang mga mata niya sa narinig ngunit panandalian lamang iyon. “Hindi naman ako nasalanta ah.”
“Kunin mo na.” Inilapag nito ang sobre sa tabi niya. “Sige ka at baka magbago ang isip ko, babawiin ko iyan.”
“Ano bang klaseng ayuda iyan?” Nagsimula na siyang sumipsip sa laman ng milk tea. “Makakabili na ba iyan ng house and lot?”
“I think so.”
“Kotse?”
“Hmm. Maybe.”
“Cash ba ito?”
“Nope.”
“Credit?”
“Hindi.”
“Debit?”
“Yeah,” sabay tumango ito.
“Card?”
“What do you think?”
“Card nga.” Tuwang-tuwa na ang kaibuturan ng puso niya at sa wakas ay inabutan din siya nito. Alam niyang tanging siya na lang ang hindi nito kinakausap tungkol doon. “Mabibili ko ang gusto ko na walang limit?”
“Depende, Madame!” Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. “Nasa akin pa rin ang approval niyan if ever na gusto mong mag-purchase. Just let me know first.”
“Oh! Sounds great! Makakabili na ako ng afam nito?”
Nag-iba ang timpla ng mukha nito at lumalim ang tingin sa kaniya. “I hate that word of yours!”
“Why? May masama ba sa sinabi ko?”
“I’m not giving you a reward to buy a talk s**t. But anyway, bahala ka. Kung gusto mong bilhin ang nais mo, go with that.” Sinusungitan na siya ng binata.
Napatitig siya rito habang paubos na ang iniinom niya. At nang maubos na nga ito ay muli niya itong nilapag sa center table. Ang bilis naman ng swing mode ng lalaking ito! Binibiro lang naman.
“It’s not a good joke.”
E’di hindi! Tumayo na siya. “Babalik na ako sa Root Valley. Salamat sa pa-milk tea, Meyor!” Nakahanap din siya ng pang-asar dito. “Saka ko na lang kunin iyan kapag kailangan ko na.”
“Are you sure?” Tumayo na rin ito. “Ihahatid na kita.”
“Oo,” tipid niyang tugon.
Sa pagkakataong iyon ay ang binata na ang humawak sa kamay niya at nag-divert sila patungong Root Valley. Sa pangalawang beses na ginawa ni Achilles ang ganoon mahika ay naninibago pa rin siya. Iba ang pakiramdam ng isang mortal na dumaan sa isang dimensional time and space. Ilang sandali pa ay naroon na sila sa entrance ng malaking mansiyon.
“Thank you sa paghatid,” baling niya rito.
“Alright. Have a good night.” Seryoso pa rin ang mukha nito.
Bahagya lang siyang ngumiti saka ito naglaho sa harapan niya. Medyo hindi na siya nagulat sa ginawang iyon ng binata. Galit ba siya? Biro lang naman na bibili ako ng afam! Kung siya nga makaalipusta sa kutis ko wagas. Hays! Ang lalaking iyon talaga. Walang pinag-iba sa mga mortal na lalaking nakilala ko. Tinalo pa ang mga babae kung makapang-asar tapos kung sila naman ang babawian, sila pa itong galit. Bakit ba kasi ako napunta sa lugar na ito? Napapailing siya. Maya-maya pa ay inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang puting jacket. Nagtaka na lamang siyang may nakapa siya sa kanang bahaging bulsa. What’s this? Dinukot niya ito saka tumambad sa kaniya ang sobreng iniabot sa kaniya ng binata. Paanong nandito ito sa bulsa ko? Inilagay niya? Magic na naman? Binuksan niya ito at nakita niya ang dalawang debit card. Siraulo talaga iyon. Mamaya nito magkautang pa ako. Ibinalik na lamang niya ito sa bulsa ng jacket saka siya tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon. Sa ngayon, susunod muna siya sa agos ng panahon hanggang hindi pa maayos ang lahat sa pananatili nila sa Green Valley.