Chapter 2 - Achilles

2258 Words
MAAGANG nag-jogging si Achilles sa Center Valley para sa morning routine niya. Marami-rami na rin ang mga guests sa paligid na nais magpapawis o kaya naman mamasyal. Ang Green Valley ang siyang pinakamainam na lugar para sa mga taong gustong mag-unwind at makalimot sa masalimuot na mundo. Very relaxing ang paligid at idagdag pa ang iba't ibang amenities. Hindi magsisisi ang mga taong gustong magtungo rito at gumastos ng malaki. Wala rin kaalam-alam ang mga mortal sa mga lahing pinagmulan nila kahit pa nakikihalubilo naman sila ng normal. Hindi rin sila maaaring magpakita ng mga kung anong kakaibang mga bagay dito maliban lang kung kinakailangan. Hangad nila ang kapayapaan at balanse ng mundo maging lahi man ito ng kanilang lipunan o hindi. Bilang may kakaibang kakayahan, naririnig at nararamdaman niya ang lahat sa paligid nila o kaya naman kahit sa pinakasulok ng mundo. Napahinto siya sa isang parke na may iilan din nag-jogging. Nag-iinat din siya nang biglang mahagip ng kaniyang pandinig ang dalawang babaeng nag-uusap. Napag-alaman din niya kung sino ang mga ito ngunit may mas nakapukaw sa kaniyang atensiyon kung kaya makikinig muna siya. "Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa noong nakaraang gabi. Nakita mo ba ang reaksiyon ng dalawang mortal na iyon?" tanong ng isang babae. May hawak itong walis-tingting na may mahabang hawakang-kahoy. "Oo. Nadapa pa iyong isa at buti nga sa kaniya!" Humagikhik ito sa kakatawa. "Kaya lang ay baka malaman ng mga diyos na tayo ang may kasalanan kung bakit natakot iyong dalawa at kumaripas ng takbo." May hawak itong hose upang magdilig ng halaman. "Huwag kang matakot. Nararapat lang na malaman nila ang saloobin ng mga katulad natin at hindi dapat ang mga mortal na iyon ang dapat itakda ng propesiya. Dapat isa man lang sa mga kalahi n gating lipunan. Wala silang kakayahan!" "Pero wala tayong magagawa kung sila nga ang itinakda. Baka maparusahan pa tayo nito," waring nag-aalala ito. "Huwag mo ng isipin iyon. Tapusin mo na ang pagdidilig ng halaman at maghahain pa tayo ng almusal para sa mga bisita." Nagpatuloy ang babae sa pagwawalis ng mga tuyong dahon sa garden. Habang pinapakinggan niya iyon, hindi niya maiwasang mapakuyom ng kamao. Kahit sila ang mga diyos hindi nila maaaring diktahan ang nakasaad sa propesiya. Kaakibat na iyon ng kanilang pananatili sa mundo at hindi sila maaaring lumabag alang-alang sa kanilang lahing matagal ng iniingat-ingatan. Labag din sa batas nila ang mang-alipusta o manakot sa mga mortal kahit pa nasa mababang-uri na nilalang. May karampatang parusa ang sinumang gumawa niyon. Nagpakawala siya ng mahijang buntong-hininga saka gumamit ng divert spell na hindi nahahalata ng mga naroon sa paligid niya. "Hindi niyo dapat ginawa iyon sa mga mortal!" Halos hindi makaimik ang dalawang babae nang makita siya at halatang nagulat ang mga ito. Ang mga nilalang na ito ay tinatawag na white caster na nasa mababang-uri. Kaya lang nilang mag-cast ng mahika para magsilbi sa mga matataas sa kanila ngunit maayos naman ang pakikitungo ng mga diyos para sa mga mababang nasa laylayan ng kanilang lahi. Hindi nga lang maiwasan na may ganitong ugali mayroon ang karamihang nilalang. "Kaparusahan para sa mga nilalang ang gumamit ng kakayahan sa mga mortal. At alam niyo iyan," nagtatagis ang bagang niya. "Sir!" Sabay na nagsalita ang dalawa saka lumuhod at dumapa. "Patawarin niyo kami! Hindi namin sinasadya ang nangyari!" Pagmamakaawa ng dalawang babae. Napailing siya. "Tumayo kayo," utos niya. Agad naman sumunod ang dalawa at mabilis na nakatayo. "Patatawarin ko kayo sa isang kondisyon. Mamitas kayo ng mga pulang rosas at ibigay niyo sa dalawang babaeng iyon. Iyong isang nadapa, isa lang ang ibigay niyo samantalang iyong kasama niya ay tatlo. And don't tell them kung sino ang nag-utos sa inyo. Areglado?" "Yes, Sir!" Korong sagot ng dalawa. "Huwag niyo ng uulitin iyon. This case is close. I don't want to see you again with this kind of a mess!" Tumango-tango ang dalawa. Maya-maya pa ay gumamit ulit siya ng vanishing spell or divert spell upang ipagpapatuloy ang naudlot niyang ginagawa. Hindi na lamang muna niya binigyan ng parusa ang dalawa dahil nakikita niya sa mga mata ng mga ito na may mga umaasa pa sa kanila. Paminsan-minsan ay nakakadama rin siya ng awa. Bilang isang makapangyarihang nilalang, marami siyang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng hatol sa mga may kasalanan.    PAPASOK na siya sa gate ng bahay niya nang maramdaman niya ang presensiya ng kabaro niya. Lumingon agad siya sa likuran niya at nakita ang pagbukas ni Hephaestus sa gate kasama ang asawa nitong si Mitch. "Hi!" Bumati ang asawa nito sa kaniya. "Hello!" "Bro, don't forget to attend our wedding rehearsal later at Garden Valley." Mababakas sa mukha ng kabaro ang kasiyahan. "Sure. I'll be there." "Thanks. See you." Tumango lang siya saka umalis ang dalawa. Siya naman ay pumasok na rin upang simulan ang kaniyang umaga. Masaya siyang muling nagkaayos ang dalawa at tinanggap na ang kanilang tadhana. Kasal na ang mga ito isang buwan na ang nakalilipas ngunit nais ng kabaro niyang maging pormal na ipakilala ang asawa nito sa kanilang lahi. Suportado naman nila ang ganitong mahalagang okasyon kaya hindi siya mawawala sa rehearsal na gaganapin mamaya.   KASABAY ni Khale si Jingky na pababa patungong dining area upang makapag-almusal. Maaga silang bumangon para sa rehearsal ng wedding ceremony ng kibigan nilang si Mitch. Habang papasok sila ng dining ay sumalubong sa kanila ang dalawang babaeng nasa mid-twenties. Mga Pilipino ang lahi nito base na rin sa kulay kayumangging taglay ng dalawa. Nakita na nila ito noong unang salta nila sa mansiyon ngunit mailap ang dalawang kausapin sila. "Good morning! Ah...pinapabigay sa inyo." Sabay iniabot nito ang mga bulaklak sa kanila. "Para sa amin?" tanong ng kaibigan. Tumango ang dalawa. "Wow! Salamat!" Kinuha nito ang iniabot sa kaniya. "Bakit isa lang tapos sa kaniya isang kumpol?" "Ah..kasi—" "Kung gusto mo sa'yo na lang ang lahat na iyan." Bumaling siya sa babae. "Ibigay mo na lang lahat sa kaniya, may phobia ako sa pulang mga rosas e." "Pero—" "Sige na. Hindi ko talaga matatanggap iyan," ngumiti siya rito. "Sige at akin na lang." Kinuha na lang ito ng kaibigan niya. "Siyangapala, kanino galing ito?" "Ah—naku! Pasensiya na marami pa pala kaming gagawin sa kusina! Sige at maiwan na namin kayo! Halika na Elsa," yaya nito sa kasama. "Hoy, teka! Kanino galing ang mga bulaklak?" Napakunot-noo na lang siyang sinundan ang dalawang nagmamadaling umalis. "Nakapagtataka naman. Kanino kaya galing ito?" Inamoy-amoy pa ni Jingky ang mga bulaklak. "Hmm. Ang bango!" "Naku, may mahika iyan! Sige ka at maging ugly frog ka sa kakasinghot mo niyan." "Ihanap mo na lang ako ng prinsipeng magbabalik sa akin sa dating anyo," biro nito. "Ihanap kita ng magiging kapwa mo rin palaka!" "Ang harsh mo! Pero...pwede na sa akin ang poging doktor na gumamot sa tuhod ko noong nakaraang gabi," lumawak ang pagkakangiti nito. "Ay, teh! Ang harot! Kumain na nga lang tayo." Nagpatiuna na siyang maglakad at iniwan ang kaibigang inaamoy-amoy pa rin ang mga bulaklak. Sino kaya ang nagbigay? Ayokong isipin na siya na naman. Imposible iyon!   PASADO ALAS-ONSE ng umaga nang matapos ang wedding rehearsal nina Hephaestus at Mitch sa Garden Valley. Nakita niyang all out ang support ng mga may kakaibang kakayahang malalapit sa mga binata. Nakilala na rin nila ang mga kapatid na babae ng mga ito at ilang event coordinators na ayon naman nina Jho at Khorie, mga mababang-uri ng imortal. "Mamaya pala ay tumungo tayo sa Valley Villa. Susukatan kasi tayo para sa isusuot sa araw ng kasal ng dalawa," wika ni Jho sa kanila. Nagliligpit na ang iba habang si Sam naman ay tinawag ni Ahprodite. Isa ang kaibigan niya sa magiging wedding singer. Habang nakikinig siya sa usapan ng mga kaibigan ay nagkataong napalingon siya sa direksiyon kung saan nag-uusap din ang mga binata. Sakto namang nagtama ang paningin nila ng binatang si Achilles. Ilang beses na rin nangyayari ang ganoong eksena sa pagitan nilang dalawa na hindi niya alam kung sinasadya nga bang magkasalubong ang kanilang mga tingin. Curse that eyes of yours! Hindi niya maiwasang sambitin iyon sa isipan niya. "Khale!" "Huh?!" Muli siyang napalingon sa mga kaibigan. "Aba! Kanina pa pala ako nagsasalita dito hindi ka man lang nakikinig!" Nayayamot na sambit ni Jho sa kaniya. "Ha? Ano ba iyon?" "Kung saan-saan kasi nakatitig iyang mga mata mo dai," tukso ni Khorie. "May tinitingnan lang ako sa malayo," sabay nguso niya sa ibang direksiyon tinitingnan. "Asus! Palusot ka na naman. Kitang-kita namin kung sino ang tinitingnan mo," tudyo rin ni Jingky. "Let's go, Khale!" Inakbayan siya ni Khorie. "Mag-milk tea tayo!" "Ha? S-saan?" Nahiwagaan siya sa ikinikilos ng kaibigan. Hindi niya talaga narinig ang pinag-usapan nila kanina dahil abala ang tingin niya sa iba. "S-saan tayo pupunta?" Nagsimula na silang maglakad ni Khorie papalayo sa iba. "Milk tea nga," tugon nito. "Wala akong datung!" "Hindi problema ang datung dahil marami ako niyan," sabay pinakita nito ang isang white card. "What's that?" Napatitig siya sa hawak nito. "Access card or White card. Valid ito sa lahat ng tindahan na makikita mo sa loob ng Green Valley kasama na ang ibang amenities. You can use all of them whenever you want. Basta mayroon ka nito. Actually, sa asawa ko ito. Hindi pa niya ako ginawan ng personal card ko at baka maubos ko lang daw ang mga bilyones niya. Konektado ito sa cell phone niya kaya kontrolado pa rin niya ang papasok na transaction. Ang kuripot ng asawa ko 'no?" Tinanggal na nito ang kamay na nakaakbay sa kaniya. "Wow! It means...makakain at mabibili mo ang gusto mo?" Tumango ito. "Yup. Hindi ka pa ba inabutan ni Achilles nito?" "H-hindi. Bakit naman? Sasagutin ba niya mga pangangailangan ko?" "Hindi mo natandaan ang sinabi ni Sifu noong ipinatawag tayo? Lahat ng needs natin ay sasagutin nila at iyong iba ay nakausap na rin ng mga taga-Olympus!" "Olympus?" "I call them from Olympus because of their ancient name." "We never talk about that. I mean—tungkol sa financial needs ko. Wala pa naman nababanggit sa akin si Achilles kahit siya ang pagbibigyan ko ng katana na iyon." "Di nga? Nabigyan na ang iba. Ang alam ko, may access card na rin sina Sam, Jona, Anna, Po at Lea. Bakit hindi ka pa niya kinakausap tungkol sa bagay na iyon? Siguro may ginawa kang kasalanan. Alam mo naman ang mga iyon, kahit nag-uusap tayo ay nakikinig din sila. Nababasa rin nila ang sinasabi ng isipan mo kaya mag-ingat ka rin." "Seryoso?!" Noon lang siya nagulat at nagtaka. "Bakit hindi ko alam iyon?!" "Anak ng— Saang lupalop ka ba galing at wala ka sa sarili? Nasambit iyon ni Mitch noong pinatuloy kayo sa Root Valley. That was your first day here!" Napasuklay ito sa iilang hibla ng buhok na nakaharang sa mga mata nito. "E 'di...lahat ng mga iniisip ko ay nababasa niya?" Bigla siyang natauhan sa sinabi ng kaibigan. Iyong sinabi ko pala mula umpisa ay nabasa niya. Anak talaga ng— "Oo. Kahit nga milya-milya pa ang layo ko sa asawa ko ay alam niya. Wala akong maitatago." Napailing siya. “Halos hindi na nga ako makapaniwala sa hiwaga ng lugar na ito, dumagdag pa ang mga kakaiba nilang kakayahan. Teka nga pala, ano nga pala ang pinag-usapan niyo kanina? Hindi ko talaga narinig.” “Sabi ni Zeus, huwag daw tayong gumala rito na walang kasama. Delikado daw ang panahon at baka sakalakayin tayo ng mga…alam mo na. Monsters!” “Monsters?!” Muli na naman siyang nagulat sa rito. Hindi siya likas na matatakutin ngunit hindi niya alam kung paano harapin ang sinasabi nitong mga halimaw. “Ano naman ang hitsura nila? Halimaw na nagkatawang-tao? Mga halimaw na maraming mga mata at kamay o mukhang undin? Nakakita ka na ba?” “Basta kakaiba. Nakakita na ako ngunit hayop siya. Isang mabangis na hayop sa Dark Forest. Bago pa kaming salta noon ni Jho sa lugar na ito.” Muli niyang ibinaling ang tingin sa magandang paligid. “I see. Mukhang ayaw kong alamin kung ano ang hitsura nila at baka hindi ako makatulog. Anyway, totoo bang kasal kayo ni Hercules? Hindi kaya..ginayuma mo ang isang iyon?” “Baka ako ang ginayuma. Tingnan mo ito para maniwala ka.” Kitang-kita niya ang suot nitong wedding ring sa palasingsingan. Ginto ito at may mga batong kumikinang. Napagtanto niyang totoo nga ang sinasabi nito kahit noong unang araw pa lang nitong inamin asawa nito ang lalaking iyon. “Mahabang kwento nga lang at huwag mo ng itanong.” Inalis na nito ang kamay malapit sa mukha niya. “Oo na. Hindi na ako magtatanong,” tugon niya. “Paalala lang din. Oras na magkasalubong kayo ni Achilles, huwag kang titingin sa mga mata niya. May kung ano sa mga mata ng mga imortal na iyon na hindi namin mawari ni Jho.” “Bahala na. Kung bakit pa kasi mga may kakaibang kapangyarihan sila.” “We can’t blame them. At least, alam na natin na hindi lang tao at mga hayop ang nakatira sa mundong ito kung ‘di pati ang lahi nila. Oh, nandito na tayo.” Turo nito sa isang milk tea shop. “Masarap ang milk tea nila rito. You’ll love it.” “Tingin ko nga.” Nagniningning ang mga mata niyang makita ang malawak na milk tea shop. Tuluyan na rin silang pumasok sa loob upang umorder. Pagkalabas nilang dalawa ay nagtungo na sila sa Root Valley bitbit ang mga biniling milk tea. Marami pa silang pinagkuwentuhan ng kaibigan habang lulan sila ng club car. Marami rin siyang mga bagay na napuna sa paligid at lalo pa siyang humahanga sa kagandahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD