"Paks het ka Dax!" Hinawi ko ang legs niyang nakadagan sa legs ko habang nakahiga kami. Kagigising ko lang ng umaga at laking gulat ko na makita siyang katabi ko sa kama ko. Kagabi lang ng iwan ko na siya sa kwarto niya nang magalit ako sa kanya dahil sa sinabi niyang hinalikan niya ako habang natutulog at inamin pa niyang hinawak hawakan ako. Feeling ko winalanghiya niya ako ng wala akong kamalay malay kaya halos bugbugin ko siya at ngayon ay gigising akong katabi na siya dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ginag ago talaga ako ng lalakeng ito. Tulog na tulog siya. Gaano katagal na kaya siyang nandito?! Ang kapal din naman ng mukha niya para pumarito pa sa kwarto ko. Ginawa na naman ba niya ang ginawa niya sa akin? "Dax, gumising ka nga!" Sinusubukan kong bumangon pero hindi man lang

