SINARA na ni Dax ang pinto at bumalik sa upuan niya. Nakangiti pa rin siya nang tignan ko siya sa salamin habang nakatingin sa akin kaya sobra sobra ang pagpipigil kong ngumiti at nagawa ko naman hanggang sa makarating na kami sa school. "Iiwan ko na dito ang bulaklak dahil hindi ko naman yan pwedeng bitbitin hanggang sa classroom ko." Sabi ko sa casual na tinig. "It's okay!" Sagot niya. Bumaba siya paghinto ng kotse para pagbuksan ako ng pinto pero bumaba na rin ako. "May practice ka sa cheerdance diba?" Tanong niya. "Oo!" "Okay, may aasikasuhin lang ako sa bar, then I'll go to the gymnasium." "Dax, huwag ka ng pumunta sa gymnasium. Hintayin mo na lang ako rito. Hindi naman kailangan na nandoon ka eh. Ginagawa niyo talaga akong kinder na kailangan bantayan. Nakakainis!" Nainis ko

