BINAGSAK ko ang katawan sa kama matapos kong magbihis. Maya maya ay nakarinig akong muli ng mga katok sa pinto. Hinayaan ko lang dahil alam kong si Dax na naman iyon. Nagalit siya dahil nakita niyang kasabay ko si Andrew sa pagpasok sa school at ano bang problema niya dun? Hindi ko naman siya boyfriend para magselos siya. Feeling may karapatan siyang magselos eh wala naman. "Macy!" Natigilan ako nang marinig ang tinig sa labas. Si Cohen ang naroon at kumakatok. Agad kong tinungo ang pinto at binuksan. "Bakit?" "Nasa baba si Red. Kausapin mo muna may gagawin lang ako." "Si Red nandito sa bahay?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Oo!" Sagot niya. Umalis na siya sa pinto at umakyat sa attic. Natuwa ako sa sinabi niyang nandito si Red sa bahay. Lalabas na sana ako nang bumalik

