ILANG minuto ng matapos kaming kumain. Agad naman nagtungo si Cohen at Red sa bar counter. Sumunod na rin ako dahil na-weirduhan na ako kay Dax at sa mga tingin niya. Tapos na siyang kumain pero nakaupo pa rin siya at nakatingin sa akin. Ilang sandali habang nakaupo ako katabi ni Red sa bar counter ay dumating si Dax. Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng alak. Agad niyang tinungga ang isang bote ng rum. Kagabi lang nang malasing siya at magkaroon ng hang over. Ngayon iinom uli siya. "Dax may hangover ka pa diba!" Hindi ko nakontrol na sabihin. "I know! It's okay! Hindi naman ako magpapakalasing. Malalasing ako ngayong gabi pero hindi dahil sa alak!" Ngumisi siya. Inirapan ko naman siya. Hindi ko gets ang sinabi niya pero dahil ngumisi siya alam kong mang aasar lang siya sa akin. Ininom ko

