IDINIKIT niya ang katawan sa akin at unti-unting inilapit ang mukha niya. Napaawang naman ako ng labi para tanggapin ang halik niya pero huminto siya. Sobrang lapit na ng labi niya sa labi ko kaya nabitin ako. "Gusto mo bang halikan kita?" Tanong niya habang malapitan akong tinititigan sa mata. Hindi ko alam kung nang aasar lang ba siya na kailangan pa niya akong tanungin bago niya gawin samantalang ilang beses na naming nagawa. Nakatitig siya sa mga mata ko na naghihintay ng sagot ko. Mukhang seryoso talaga siya sa tanong niya. "Yes, I want it! Kiss me!" Sagot ko. Yung tuluyan na talaga akong nawala sa sarili. Feeling ko hindi na talaga ako nag iisip ng maayos dahil napapasunod na naman ako sa kanya. Kumplikado ang sitwasyon namin kaya ayokong magkaroon ng any romantic involvement sa t

