Third Person's POV PUMASOK na si Macy sa loob ng kwarto niya at dumiretso sa bathroom para maligo. Hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa labi niya. Masarap sa pakiramdam niya ang kung ano man ang nararamdaman niya. Naisip niyang siguro nga ay gusto na niya si Dax kaya ganoon na lang ang nararamdaman niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klaseng saya at tanging kay Dax lang. May ilang minuto siyang nagbabad sa bathtub. Pagkatapos maligo ay sa socmed naman siya nagbabad. Ilang minuto ang lumipas nang makaramdam na siya ng antok. 11pm na at tulog na dapat siya ng ganoong oras pero gising pa rin siya dahil hinihintay niya si Dax. Pumikit siya nung hindi na niya kinaya ang antok hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya. NAGISING si Macy nang maramdaman ang kung anong sen

