PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso ako sa gymnasium dahil may practice kami sa cheerdance. Nanibago akong hindi nakikita si Dax sa gymnasium habang sumasayaw kami. Parati kasi siyang present sa tuwing may practice kami dahil gustong gusto niyang pinanonood akong sumasayaw. Sinabi niya kaninang may aasikasuhin siya kaya male-late uli siya sa pagsundo sa akin. "Bakit wala si Dax?" Tanong sa akin ni chucky doll na akala mo kung sino. Tapos na kami magpractice at nagkasabay kaming dalawa paglabas ng gymnasium. "Hindi ko alam!" Sagot kong hindi tumitingin sa kanya. "Bodyguard mo hindi mo alam kung nasaan?" Napatingin ako sa kanya dahil nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Ay excuse me ha, responsibilidad ko bang i-update ka sa ginagawa ni Dax!" Inirapan ko siya sa inis ko. Kung tutuusin

