MULING tumitig si Dax sa akin habang kumakain ako. Pinahid niya 'yung kanin na naiwan sa labi ko. "Hay, ang baby ko ang kalat kumain!" Nakangiti niyang sabi habang pinapahid ang kanin. "Baby ka diyan?" Tinaasan ko siya ng isang kilay at hinawi na ang kamay niya. "Kumain ka na rin kaya para may ginagawa ka hindi yung nakatitig ka lang sa'kin. Pano ako makakakain ng maayos kung nakatingin ka lang sa'kin!" Nairita kong sabi. Inurong ko ang upuan ko palayo sa kanya. Agad rin siyang umusog at nilapit ang upuan sa akin. Ikinawit pa niya ang braso sa sandalan ng upuan ko kaya parang nakaakbay siya sa akin. "Dax, ano ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sorry! I just can't take my eyes off you!" Namumungay ang mga mata na sabi niya. Napakalapit lang niya sa akin kaya naaamoy ko ang natural

