MABILIS na pinatakbo ni Dax ang kotse. Pareho kaming tinanghali ng gising kaya sa tantya ko ay male-late na ako. "Grabe ang sakit ng ulo ko!" Sabi ni Dax habang nakahawak sa ulo niya. "Magpakalasing ka ba naman eh. Lasing na lasing ka kagabi. Muntik ka pang mahulog sa hagdan!" Bahagya akong natawa nang maalala ang nangyari kagabi. "Ha? Really? Sana nga hinulog mo na lang ako nang matodo na ang sakit na binigay mo sa akin kahapon!" Sandali siyang tumingin sa akin 'tsaka bumaling na sa harapan ng kalsada. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kahapon. Feeling niya yata siya lang ang nahurt. Maging ako ay nahurt rin naman. "Kalimutan na natin ang about doon, okay!" "So you think ganun lang kadaling makalimutan. Grabe ang ginawa mo sakin. Binasted mo na nga ako sumama ka pa sa gagun

