SOBRA ang kaba ko habang nasa backcourt kami ng arena at hinihintay na tawagin ang group namin sa cheerdance competition. Napakaraming tao sa paligid kaya lalo akong na tense. Expect ko namang dadagsain ng mga tao ang event dahil iba ibang school ang maglalaban laban. Halos mga estudyante rin ng iba't ibang schools ang mga naroon para suportahan ang kanilang team. Inayos ko ang sleeve ng croptop na suot ko. Comfortable naman ang suot namin. Long sleeve croptop at miniskirt. May suot rin kaming boyleg shorts kaya kahit umangat ang suot naming skirt habang sumasayaw ay okay lang. "Girls, we can do it, right?!" Sabi ni Barbie sa amin. "Of course!" Nag group hug kami. Pare-pareho lang kaming kinakabahan at sa isa't isa lang rin makakakuha ng lakas. Kapwa naming gustong ipanalo ito. Binuhos

