"Ang galing galing mo kanina, alam mo bang matagal tagal na din naman akong nagtitiis sa ugali ni Panyang." Sabi pa ng isa sa mga luma na ding kasambahay. "Pero mas bilib ako sa inyo, imagine napagtiisan niyo ng ilang taon na makasama ang taong may ganung ugali." Naiiling na sabi niya dito. "Umiiwas nalang ako, medyo ilag naman na mag utos sa akin yun kasi alam niyang may pagkamaldita din ako." Sabi nito. "At least mapayapa na tayo ngayon, thanks to you. Pag ako kinanti niya ulit ay kukuhanan ko na siya ng kutsilyo sa kusina para masindak." Natatawang sabi ng isang kapwa niya bago. 'Di na din naman magtatagal yun dito.' Gusto niya sanang isatinig pero mas pinili niyang sarilinin lang. Sa kanyang napanood na footage kagabi ay napag alaman niyang kasabwat ito ng senador sa pagpapak

